Chapter 10 - Text

42 4 2
                                    

Pagkatapos ng insidenteng 'yon ay pinilit ko na lang na umiwas kay Kieran.

Nang mapadaan nga ako sa table na kinauupuan nila ng mga kabanda niya ay hindi man lang ako lumingon. Kanina pa may kinukwento si Glaiza tungkol sa company outing namin sa susunod na linggo pero wala akong na-a-absorb.

5:30 PM pa lang, alas-sais ang umpisa ng duty namin kaya't kumain muna kami rito sa pantry. Sumubo ako ng palabok.

"Sasama ka ba?" tanong ni Glaiza.

Napakurba ang labi ko at tamad na ibinaba ang hawak kong tinidor.

"Uuwi na lang siguro ako sa Bulacan," diretso kong sabi. Bahagyang kumunot ang noo ni Glaiza.

"Sumama ka na, Scarlet! Masaya naman ka-bonding ang mga katrabaho natin. Ako nga kahit may anak na, sasama pa rin." Kuryoso niyang sabi.

"Minsan lang naman kasi, saka libreng gala. Pampatagal stress!" dugtong pa niya.

Inisip ko kasi na umuwi na lang sa Bulacan. Biyernes ng umaga kasi ang alis papuntang Morong, Bataan. pagkatapos Linggo na ng umaga ang balik ng Manila. Pwede namang mag-file ng leave 'yong mga empleyadong hindi sasama.

Nauna si Glaiza na tumayo sa lamesa namin. Hindi pa kasi siya nakasuot ng uniform. Binilisan ko na rin ang aking pagkain para makapunta na sa post ko.

Napapitlag ako nang may kumalabit mula sa aking likuran. Nanlaki ang mga mata ko nang matanaw ko si Kieran na nakatayo ngayon sa harap ko.

Ang presko niyang tignan sa suot na itim na Armani Exchange na t-shirt at asul na denim jeans. Nangislap ang hoop earrings niya nang tamaan ng ilaw. Halos maghurumemtado na naman ang puso ko dahil sa nagsusumigaw niyang kagwapuhan.

Mas lalong namungay ang mga mata niya nang salubungin ang tingin ko.

"Kamusta?" kaswal niyang sabi. I bit my lower lip.

Scarlet! Kumalma ka! Nangangamusta lang naman 'yong tao. Hindi ka niya inaayang mag-date!

My heart kept drumming inside my ribcage.

"Okay lang naman, Kieran! Kamusta na rin?" my well-versed reply.

Inangat ko ang ulo ko nang matingnan ko siya nang maayos.

"I'm fine too! How's work?" aniya sa matigas na Ingles.

Napaawang ang labi ko sa narinig. Napahanga kasi ako sa pagiging articulate niya. He looked at me keenly.

"Maayos din naman. Mauna na nga pala ako mag-aalas-sais na din kasi. Kailangan ko na rin kasing p-um-westo sa post ko." Pagmamadali ko. Bahagya kasi akong nakaramdam ng pagkailang sa paraan ng pagtanaw niya. Naalala ko na naman tuloy 'yong pagtawag ko sa kanya kahapon.

"Alright. Ahm. Sasama ka sa company outing next week?" Tatayo na sana ako ngunit muli akong napaupo sa narinig kong tanong niya.

"Hindi pa ako sigurado, Kieran. Pinag-iisipan ko rin kasi kung uuwi na lang ako sa Bulacan," tugon ko. Napatango-tango siya pagkaraan ay agad na ngumiti.

Napatikhim ako at itinuong muli ang atensyon sa kanya.

"Ikaw Kieran, sasama ka ba?" Bahagyang naningkit ang mga mata niya.

He pouted his lips before giving an answer.

"Yup. Sasama din naman 'yong mga kabanda ko." Marahan akong tumango.

"Mauna na rin pala ako, Scarlet. Aayusin pa kasi namin 'yong mga instruments sa stage," pagpapalam niya.

"Okay, sige," sabi ko.

Hanggang sa makaalis si Kieran ay nagpatuloy ang pagtataka ko.

Bakit kaya bigla na lang niya akong tinanong kung sasama ako sa company outing namin?

Meant To BeWhere stories live. Discover now