Chapter 7 - First Kiss

39 5 0
                                    

Hindi ako mapakali. Kahit na kanina pa ako nakapasok dito sa loob ng unit ko ay nakatuon pa rin kay Kieran ang isip ko. I was so worried with his condition. Parang wala naman akong puso kung hahayaan ko lang siya na nakalugmok doon sa labas ng unit ni Kylie habang pinapapak ng mga lamok.

Hindi ko na nagawang magpalit ng aking uniform. Pagkalapag ko ng bag sa ibabaw ng kama ay kaagad na akong kumuha ng isang palanggana. Nilagyan ko muna ito ng tubig mula sa gripo pagkaraan ay nagpakulo na ako ng tubig sa electric kettle. Madalas ko itong makitang ginagawa ni Nanay noon sa tuwing umuuwing lasing si Tatay.

Binasa ko gamit ang maligamgam na tubig ang bimpong hawak ko. Habang ginagawa ko iyon ay panay ang isip ko kung paano ko naman magagawang dalhin si Kieran dito sa loob ng unit ko?

Ang mga alalahaning iyon ay naging sanhi sa pagkabuhay na naman ng mga kulisap sa aking tiyan. My heart kept drumming inside my rib cage. Panay na lang ang pagpapakalma ko sa aking sarili.

Naglakad na ako papunta sa pintuan ng unit ni Kylie. Habol ko ang aking hininga habang pinapasadahan muli ng tingin ang nakalugmok na si Kieran. Marahan akong naupo sa kanyang tabi.

Hindi ko na naman mapigilang mapahanga sa napakaamo niyang mukha. Bahagyang namumula ang kanyang magkabilang pisngi. Sanhi siguro ng pag-inom ng alak. He has Cupid's bow lips. Sobrang tangos din ng ilong niya. Napakagwapo niya talaga sa malapitan.

Ilang saglit pa ay ikinawit ko na ang isa niyang braso sa aking balikat. Halos magpalpitate na ako dahil sa pagdikit ng aming mga katawan. Naamoy ko na naman ang mamahalin niyang pabango. Nahalo ito sa singaw ng alak ng kanyang katawan.

Maingat akong tumayo. Hiningal agad ako nang maramdaman ang bigat ng kanyang katawan.

Kaunting tiis pa Scarlet. Hindi naman gano'n kalayo ang unit mo mula rito.

Makailang ulit kong pinapakalma ang aking sarili dahil sa pinaghalong kilig at kaba ko nang mga oras na 'yon. Ilang sandali pa ay nakapasok na kami sa loob ng unit ko.

Inupo ko si Kieran sa isang monobloc chair. Napapayuko pa rin siya roon dahil sa kalasingan kaya't naisipan kong ilipat siya sa kama. Buong lakas ko na namang inakbay ang isang braso niya sa aking balikat. Ilang hakbang ang ginawa ko para madala siya sa kama ko pagkatapos ay agad ko na siyang ibinaba.

Mabilis na napahiga si Kieran sa ibabaw ng aking kama. Grabe siguro talaga 'yong pagkalasing niya, nadala ko na siya sa loob ng unit ko at naihiga na sa kama ay hindi pa rin siya nagigising.

Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan ko ang kalagayan ni Kieran. Jusko! Kung malalaman lang nina Nanay at Tatay na nagdala ako ng lalaki sa loob ng unit ko malamang ay mapaluwas sila rito sa Maynila ng wala sa oras.

Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na titigan siya. Mas naaaninag kasi 'yong pagkamestisuhin niya kapag natatamaan ng sinag ng ilaw 'yong pisngi niya. Napaawang ang bibig ko nang lumitaw ang biceps niya nang bahagyang tumaas ang manggas ng suot niyang t-shirt.

O siya, Scarlet sobrang kota mo na sa crush mo! Kinuha ko na 'yong binasa kong bimpo. Pagkatapos ko itong palipitan ay idinampi ko ito sa kanyang noo, pagkatapos ay sa pisngi. Sabi ni Nanay ay nakakawala daw ng kalasingan kapag ginagawa niya ito kay Tatay.

Nakapangalumbaba ko siyang tinanaw. Tulog na tulog pa rin siya sa ibabaw ng kama ko. Sinubukan ko siyang gisingin, baka kasi may susi naman siya ng unit ni Kylie para roon na siya magpalipas ng gabi.

Marahan kong tinapik ang kanyang kaliwang pisngi. Ilang ungol ang narinig ko galing sa kanya. Naupo ako sa tabi niya pagkaraan ay 'yong kabilang pisngi naman niya ang tinapik ko.

"Kieran, gising na! Lipat ka na ro'n sa unit ni Kylie," wika ko habang titig na titig pa rin sa maamo niyang mukha. Kung nakakalusaw lang siguro 'yong mga titig ko ay baka kanina pa nalusaw na parang yelo itong si Kieran.

Lumalakas ang kabog ng aking dibdib bawat minuto lalo na ngayon na sobrang magkalapit kami.

Sayang ka talaga, sobrang gwapo mo at mukha ka namang mabait pero nagawa ka pa rin pagtaksilan ng girlfriend mo!

Natigilan ako nang biglang abutin ni Kieran ang likod ng aking ulo. Mabilis na nagkadikit ang aming mga mukha. Walang ano-ano ay hinalikan niya ako sa labi.

What the hell?

First kiss ko 'to! At si Kieran ang kumuha ng first kiss ko!

Nanlaki ang mga mata ko lalo pa at ilang segundo na ang nakalilipas ay hindi pa rin tumitigil si Kieran sa paghalik sa akin. Mabigat 'yong mga kamay niya na nakapalupot pa rin ngayon sa likod ng aking ulo kaya't nahihirapan akong alisin iyon.

I could taste the coalesce of mint and alcohol in his mouth. Moments passed, and his tongue started to explore my mouth.

Ganito pala ang pakiramdam ng hinahalikan. Para ka pala talagang lumalakad sa mga ulap. Kieran nips every corner of my mouth.

Hanggang sa bigla siyang napahinto sa ginagawa at muling ihiniga ang ulo sa kama. I was gasping for air. That kiss was so intense!

Napahawak ako sa aking labi habang pinagmamasdan ang nakapikit na si Kieran. Ilang sandali pa ay ilang ungol ang namutawi sa bibig niya.

"Kylie... Kylie..."

Bumigat ang paraan ng aking paghinga. Napaawang ang bibig ko. Ibig sabihin dahil sa sobrang kalasingan ay napagkamalan ako ni Kieran. Akala niya ako si Kylie na girlfriend niya! Iyon siguro ang dahilan kaya niya ako nagawang halikan!

Meant To BeWhere stories live. Discover now