Chapter 28

57 2 22
                                    

CHESKA's POV

"Huwag kang magalala, di naman kita iiwan eh."

Dahan dahan kong inangat ang ulo ko.

Paanong..

Nananaginip ba ko?

Nanlaki ang mga mata ko.

"D-dennis?" nginitian niya lang ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Kahit papano naman, naging parte din si Bryan ng buhay ko." sabi niya habang hinahagod ang likod ko.

Nginitian ko lang siya.

Isang pekeng ngiti na pati siya napansin.

"Alam mo, nabigla din ako. Hindi ko expected na gagawin niya ang ganitong bagay."

Nakatitig lang ako kay Dennis. Pati pala siya di rin makapaniwala.

"Tingin mo bakit niya ginawa 'to?" kay Dennis lang nakatuon ang pansin ko. Umaasang alam niya ang rason.

Ngumiti lang siya' tumayo.

"Tara, baka may makarinig eh."

Sinundan ko siya palabas ng simbahan at umupo sa labas.

Naghihintay parin ako ng sagot.

"Ginawa niya 'to.."

Biglang tumugtog ang kampana.

Huh?

Napatingin ako kung saan naroroon ang mga kampana.

"Bakit may kampana?" napatayo ako.

Niyakap ako ni Dennis.

At binulungan..

"Kasi mahal ka niya."

"H-ha?"

Kumalas siya sa pagkakayakap at tumingin sa likod ko.

"Dad?" ngumiti siya.

"A-anong ginagawa mo dito?"

Naiiyak na ko.

Anong nangyayare?

"Halika na anak, inaantay ka na niya." inabot niya ang kamay niya sakin at tinanggap ko naman ito.

Naglakad kami patungo sa pinto ng simbahan.

Wala na ang kabaong ni Bryan sa altar.

"Dad, can you please tell me what's going on?"

Di niya ko pinansin at nagsimula nang maglakad patungo sa altar.

Biglang tumugtog ang piano na sinabayan ng violin.

Bakit parang.. katunog ng theme song namin ni Bryan?

All of Me..

Anong kalokohan ba 'to?

Ilang hakbang nalang.. asa altar na ko..

Nang biglang may nagpakita sa akin.

Isang taong hindi ko inaasahang makikita ko pa ulit.

Isang taong minahal ko ng sobra sobra.

Isang taong hindi ko magawang kalimutan.

Binigay ni Dad ang kamay ko sakanya.

Hindi ko na mapigilan pa ang nararamdaman ko.

Tuloy tuloy ang pagbuhos ng mga luha sa mukha ko.

Nginitian niya ko.

"Bryan?"

Nerdy Love: Kakayanin kaya ng IQ mo ang laro ng pag-ibig?Where stories live. Discover now