Chapter 11: The Two Faced Man

112 4 0
                                    

Ryan's POV

Nakasakay na kami ng eroplano. Katabi ko si Cheska, ang gulo! Parang bata, aliw na aliw sa eroplano. Habang pinapanood ko siya bigla kong naisip na ang sarap pala sa pakiramdam na wala na kayong iisipin pa. Yung ang importante nalang ay mahal niyo ang isa't isa.

Lilipad na daw ang eroplano kaya pinakalma ko na si Cheska. Pero ang kulit! Habang tumatakbo ang eroplano, kung anu-anong nerdy stuff ang pinagsasasabi! Alam mo yung papanoorin mo na nga lang yung eroplano eh, bakit mag pi-Physics ka pa?! Grabe, dinudugo ako sa katabi ko.

Pang tatluhan ang upuan dito sa eroplano. Si Cheska asa may bintana, ako naman ang nasa gitna, at yung katabi ko naman sa kabila ay--WHOA! ANG HOT NETO! Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, shet! Ang ganda! Pero hindi ako pwedeng magkamali.. siya nga 'to..

Napansin ata ni Cheska na napapatagal na ang pagtitig ko kaya binatukan ako bigla.

"Ry! Ano ba? Ano nangyayari sayo?"

"Ha? Ah eh, wala."

Tinignan niya ang babaeng katabi ko, yung mukha niya parang sinasabing, "Ah, okay." Napansin ko kagad 'yon kaya nilambing ko agad siya.

"Baby, wag ka na magtampo oh. Makikinig na ko, ang nerd mo kasi e." natatawa kong sabi habang hinahatak siya palapit sakin.

"Edi dyan ka makipagusap." matigas na pagkakasabi niya. Nakakatakot!

"Baby naman.." hinarap ko siya sakin. "I love you." sabi ko habang hawak hawak ang pisnge niya.

Napangiti siya bigla, "I love you too." Yes naman! :)

"Oh lika na dito baby, tulog muna tayo. Mahaba pa byahe eh." i kissed her forehead. Since pwedeng iangat yung patungan ng kamay sa pagitan namin, mas madali siyang nakahiga sakin.

Hayyy, ang sarap sa feeling ng ganito.

Bigla akong nakadama ng nakakakiliting sensation, naiihi ako. Inayos ko muna ng higa si Cheska at tyaka tumayo. Pumunta na 'ko sa C.R. ng eroplano at jumingle muna. Habang inaayos ko ang buhok ko, na ginulo ni Cheska, biglang may nagbukas ng pinto! Tsk, sira kasi yung lock eh.

Masyadong mabilis ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ng babae sa loob.

"Excuse me, this room is still occupied." kinalabit ko yung babae. Humarap siya sa akin, basang basa ang mukha niya. Shit, siya nanaman. Please go away..

"Miss, what's wrong?" hinagod ko ang likod niya at agad siyang bumagsak sa balikat ko.

"Di mo ba ko maalala?" hindi!! hindi talaga!!

"I'm sorry miss, but you might have the wrong guy." pagsisinungaling ko.

"Well then, let me introduce myself." pinunasan niya ang mga luha niya at pinilit na ngumiti.

"Natasha Green. And you're?" inabot niya ang kamay niya sakin. Feel ko nadurog yung puso ko, ang sakit. Ang sakit sakit marinig ng pangalan niya..

"Ryan. Ryan Lim." inabot ko ang kamay niya which made her smile.

"Look, I need to go. My girlfriend might be looking for me now." umabante ako palapit sa pintuan kaya napausog siya.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, nagsalita siya, "I know who you are.. and I still love you."

Ang sakit sakit, tama na please.. Naglakad na ko pabalik sa kinauupuan ko, buti nalang at tulog pa si Cheska.

Niyakap ko siya at binulungan, "Mahal na mahal kita. Kahit anong mangyare, 'yan ang lagi mong tatandaan." Mahal ko si Cheska, ayoko nang balikan ang nakaraan ko. Tama na, ayoko nang masaktan pang muli.

Nerdy Love: Kakayanin kaya ng IQ mo ang laro ng pag-ibig?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon