Chapter 7: I'll be your hero

81 4 0
                                    

Cheska's POV

Pagpasok ko ng gate ng school, parang school ng boys ang pinasukan ko. Asan yung mga babae? Nakita ko sa canteen ang mga babae na nagkakagulo. Si Dennis pala pinagkakaguluhan nila. Grabe ang bilis ng balita, alam na kaagad nila na wala na kami ni Dennis. Hays, back to Cheska the loner manang nanaman ako.

Bumili muna ako sa canteen ng makakain dahil tinamad akong mag breakfast sa bahay. 

"Ayan yung ex ni Dennis oh."

"Oh my gosh! Ginayuma ata si Dennis!"

"Ang manang naman ng itsura niya! Eew!"

"For sure, nagsawa na si Dennis sa pagmumukha niyan."

"Hindi na natiis yung manang face niya, hahaha!"

Heto nanamaaaan! Lagi nanaman nila akong ibu-bully. Umalis na agad ako sa canteen at pumunta sa rooftop. I-isolate ko nalang uli sarili ko sa mga tao.

Nagsawa na kaya talaga sakin si Dennis kaya pumayag siyang anuhin ni Victoria?

Hayyy.

Biglang bumukas ang pinto, si Ryan. 

"Ba't ka andito Nep?"

"Wala lang, ang gulo sa grounds eh. Ikaw, ba't ka andito?"

"Magdadrama sana eh, epal ka nanaman."

"Oh sorry na. Anong problema ng pogi kong bestfriend?"

"Wala, nagugutom lang ako. Eh naiwan ko wallet ko sa bahay, ayun magddrama ako. Libre mo nga ko." bwisit talaga 'tong lalaking to. -________-

Bumaba na kami at bumili sa canteen. Hindi gaya kanina, onti nalang ang mga babaeng nakalibot kay Dennis. 

"Ang kati naman ng babaeng 'yan, si Ryan naman ngayon."

"Kala mo kung sinong maganda."

"Lakas ng gayuma neto oh"

Mukhang naririnig din ni Ryan ang mga sinasabi ng mga taong asa paligid namin.

Hindi ko namalayang hawak hawak na niya pala ang kamay ko.

Naglakad kami pabalik ng rooftop. Sinusundan kami ng mga mapanuring mata.

"Bakit mo ginawa 'yon?!"

"Kumalma ka nga Nep."

"Alam mo ba kung anong issue nanaman to?! Hindi pa nga sila tapos samin ni Dennis tapos ikaw naman!"

"Nep, shut up.."

"I-explain mo nga sakin Mr. Lim! Paano natin malalagpa--"

Kinorner niya ako bigla. Ilang inch nalang maglalapit na ang mga labi namin.

Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Hanggang sa bumababa ang tingin niya sa mga labi ko.

"Edi tumahimik ka."

Tinulak ko siya palayo at agad tinakpan ang bibig ko.

"Arte, kala mo naman hahalikan kita."

"Shut up Lim."

"I'll think a way out okay? Wag kang mag panic, mas lalo kang makakagawa ng mga bagay na mas lalong hindi mo magugustuhan."

"Okay..."

Nagkaklase na kami pero yung ginawa padin ni Ryan nag tumatakbo sa isip ko.

Nag dismissal na, balisa padin ako at di makausap ng ayos.

Hay nako Ryan Lim! Ang sakit mo talaga sa ulo!

Habang naglalakad pauwi, nakita ko sila Dennis at Victoria..

Naghahalikan sa may puno.

Feel ko nagpira-piraso yung puso ko.

Parang inapakan ng sampung elepante.

Minahal ba talaga ako ni Dennis? Bakit ganto?

Nakita nila akong nakatayo sa harap nila kaya't biglang kumalas si Dennis sa pagkakahawak kay Tori..

"Cheska, I can explain.."

Tumakbo na ako palayo, wala na akong masyadong makita kasi puro luha na ang mga mata ko.

Pagod na pagod na ko.. Alam ko na nung umpisa palang kung gaano kasarap ang naidudulot ng pag-ibig pero... grabe ding pagdurusa ang makukuha mo dito.

Bigla akong may narinig na malakas na busina sa harap ko. Hindi malinaw ang paningin ko.

Ang huli ko nalang natatandaan, may tumulak sa akin...

Ryan, kailangan kita ngayon..

~~~~~~~~~~~~

A/N: Hellooooo! Sorry short and turtle update. Medyo busy eh, magpapasukan na kasi. Ingat sa lahat! Sana nag enjoy kayo sa chapter na 'to. :)

-cutiepayatootie

Nerdy Love: Kakayanin kaya ng IQ mo ang laro ng pag-ibig?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon