Chpater 03

109 11 0
                                    

Shane P.O.V:
Nakatulala lang akong nakatingin sa prof naming nagdidiscuss sa harapan di ko magawang maka focus dahil sa kakaisip sa lalaking pumasok sa apartment ko kagabi hanggang ngayon tanda ko parin yung ngiti niya sakin nakakakilabut yung paraan ng pangiti niya sakin na para bang may kahulugan na diko ma explain kung ano, gusto kong malaman kung bakit siya nakakatitig sakin at kung bakit siya nakapasok at ano yung kailangan niya sakin pero wala, I'm speechless when his in my Apartment.

"Ms. Madrigal!" napatingin ako sa prof namin nang isigaw niya yung apelyido ko, ngayon ko lang napagtanto na nakatingin pala sakin lahat ng mga kaklse ko. "Ano bang problema mo, tatlong beses na kitang tinawag pero di ka sumagot dahil nakatulala ka lang diyan, are you even listening to me?" napayuko ako sa tanong ni sir Alvarez. "If you don't like to listen in my discussion the door is open for you to leave my class" dagdag ni sir Alvarez na mas lalong nagpayuko sakin. "Sorry sir, di na po mauulit" paumanhin ko. " Make it sure Ms. Madrigal because if you will do that again i will never hesitate to fail you in my subject, understand?" nakayukong tumango nalang ako.

"Ano ba kasing nangyari sayo kanina Shane? naka tulala ka lang, may problema kaba?" tanong ni Lean pagkaupo namin dito sa Cafeteria, di ako sumagot kay sa kanya kaya niyugyug niya yung balikat ko. "Shane okay ka lang!?" tanong niya ulit. "H-ha?" tanging sabi ko nalang. "Ang sabi ko okay kalang ba? kanina kapa tulala eh" tumango nalang ako sa tanong niya at nagsimulang kumain narinig kong bumuntong hininga siya.

"Alam mo bang pupunta dito mamaya yung C.E.O ng Del Vasco corp. para sa approval ng gagawing Del Vasco Hospital" sabi ni Lean habang naglalakad kami pabalik sa room namin. "Bakit kailangan niya pang pumunta dito?" tanong ko, tumingin naman siya sakin. "Diba sila yung may ari ng school nato kaya kailangan parin yung ng approval niya since diyan lang naman sa tapat ng campus itatayo yung hospital" sagot niya kaya tumango nalang ako bago pumasok sa room at umopo sa upoan. Wala naman akong paki kung magtatayo yung mga DelVasco ng Hospital.

***

Lumabas na kami ni Lean nang matapos na yung klase pagkalabas namin nakita kong nagkakagulo yung mga estudyante habang pinapalibutan ang isang lalaking nag lalakad habang naka shades, siya na siguro yung C.E.O na sinasabi ni Lean kanina. Tinanggal niya yung shade niya bago nilibot yung paningin niya, kinilabutan ako nang mapagtanto na siya yung lalaki sa restaurant kahapon, biglang naramdaman ko ulit yung hininga niya sa leeg ko... nanindig yung balahibo ko nang maramdaman ko ulit yun lalo na yung binulong niya sakin.

Napatingin ako sa kanya nang magtama ang paningin naming dalawa, nanlambot  yung tuhod ko nang bigla siyang ngumiti sakin "those smile" bulong ko. Agad akong umalis don at nag lakad palabas ng Campus naalala ko namang yung lalaki kagabi yung pumasok sa apartment ko, bakit mag ka katulad sila ng ngiti ng lalaking yun.

Pumasok ako sa trabaho ng maraming tanong sa isipan ko, mag focus ka shane-focus okay, huminga ako ng malalim bago pinuntahan yung customer na tumawag
sakin. "Good evening ma'am, can i take your order" nakangiting tanong ko sa babaeng customer. "No, I already ordered a food, wine nalang" sagot nito kaya tumango. "Wait for few minutes ma'am" sabi ko bago pumunta sa kitchen, kumuha ako ng isang wine at dinala sa kanya. "Here's your wine ma'am, enjoy" ngumiti ito bago tumango sakin, nilapag ko yun sa table nila... aalis na sana ako nang makita kong pumasok ng restaurant yung Del Vasco na sinabi ni Lean na  ang lalaking bumulong sakin kahapon.

Nagkatinginan kami dalawa pero agad akong umiwas ng ngumiti siya sakin, naalala ko nanaman yung lalaki sa apartment ko kagabi.
Bumalik nalang ako sa kitchen para mag serve pa sa ibang costumer, ayaw kong ako yung mag serve sa lalaking iyon nakakakilabot siya lalo na pag nakangiti. "Shane kunin mo na nga yung bayad ng mga lalaking yun" napatingin ako sa tinuro ni Gino, tumango ako bago pinuntahan yung limang lalaki. Kinuha ko yung bayad nila pero kulang yun 2,250 yung nasa resibo tapos 1,560 lang yung binayad nila. "Ah, sir kulang po yung binayad niyo" sabi ko, pero bigla nalang silang nagalit sa sinabi ko. "Anong kulang, sakto yan!" sigaw  sakin nung isa. "Eh kulang po talaga eh 2,250 po yan lahat kasama na po yung mga iniinom niyong beer tapos 1,56-" napatigil ako sa pagsasalita nang itulak ako ng isa kaya napaupo ako sa sahig. Agad namang lumapit sakin sila Liam and Gino. "Shane okay ka lang" tanong ni Liam, tumango ako.

"Ano ba kasing nangyari bakit tinulak ka nila?" naguguluhang tanong sakin ni Gino tumayo ako bago siya hinarap. "Sinabi ko lang naman na kulang yung binayad nila, tapos ayun nagalit sila" tiningnan niya naman yung resibo bago hinarap yung mga lalaki. "Sir di nyo po sana yun ginawa sa waitress ko, kulang naman talaga yung mga binayad niyo" tumayo naman yung mga lalaki at binato kay Gino yung pera bago umalis nakita ko pang ang sama ng tingin nila sakin. "Ang yabang non ha!" mariing sabi ni Liam. "Di kaba na saktan?" umiling ako. "Hindi okay lang ako" sabi ko bago naglalakad papasok sa kitchen pero bago ako pumasok napatingin ako lalaking nakatitig sakin umiling nalang ako bago pumasok sa loob.

Mag aalas dose na pero hindi parin umalis yung Del Vasco sa restaurant naka upo lang siya na mukhang may hinihintay. "Shane tara na si Gino nalang daw bahala dito" napatingin ako kay Liam, tumango ako sa kanya bago sumunod sa kanya palabas ng restaurant. "Coffee muna tayo, wala namang klase bukas diba?" sabi niya habng naglalakad kami. "Sige saan" tinuro niya yung coffee shop na nakatapat lang ng restaurant na pinapasokan namin, ngumiti siya akin bago ako hinila papasok. Pagpasok namin namangha ako ng maraming tao parin sa loob kahit alas dose na ng umaga kadalasan pa mukhang mga mag boyfriend at girlfriend. Umupo ako sa isang bakanteng upoan sa tabi ng glass wall, si Liam naman umorder ng makakain at maiinom namin.

Nilapag niya sa harapan ko yung tinapay at  kape pagkabalik niya bago siya umupo sa harapan ko. "So anong gagawin mo bukas wala tayong pasok" tanong niya. "Maglalaba ako bukas, ikaw ba?" tanong ko pabalik. "Pupunta akong batangas bukas para sa reunion ng family ko" tumango ako sa sagot niya, naisip ko yung mga pamilya ko kailan kaya kami magkakatipon tipon lahat. "You wanna come?" napatingin ako sa kanya. "Hindi maraming akong gagawin eh, salamat nalang" tumango naman siya. "Sayang, pakilala sana kita sa pinsan ko" natatawang pinalo ko siya sa braso. "Aray! bakit?" hinwakan niya yung braso kung saan ko pinalo. "Alam mo namang ayaw ko muna sa mga ganyan diba" sabi ko bago sumipsip sa kape ko. "Nagbabasakali lang naman, malay mo siya na yung the one na sinasabi mo noon" natatawang sabi niya, inambahan ko siya ng palo. "Luh, ito namn di mabiro" umiling nalang ako sa kanya. "Ewan ko sayo Liam" sabi ko nalang.

"Una na ako sayo Liam" sabi ko pagkalabas namin ng Coffee shop napatingin naman siya sakin. "Hatid na kita" umiling ako. "Wag na malapit lang yung apartment ko dito... sige ingat ka" nakangiting paalam ko sa kanya. "Sige ingat ka rin" sabi niya at kumaway pa.
Naglalakad ako ngayon sa sa madilim na bahagi ng kalsada ng may biglang humila sakin at dinala ako sa tagong lugar nagpupumiglas ako sa hawak niya pero malakas siya, sumigaw ako pero tinakpan niya yung bibig ko. "Ito na siya!" rinig kong sabi niya sa mga kasamahan niya, binitawan niya ako at padabog na tinulak sa sahig, napadaing ako ng tumama yung tuhod ko sa semento. Napatingin ako sa mga lalaking nakapalibot sakin, sila yung mga lalaki kanina sa restaurant yung lima. "A-anong g-gawin niyo-" napatigil ako sa pagsasalita nang sampalin ako nong isa napangiwi ako sa lakas non. "Pakawalan niyo ako dito please" namamakaawang sabi ko pero nginisihan lang nila ako, nagsimulang tumulo yung mga luha ko nang hawakan ng isa yung binti ko. "Bago ka namin papakawalan ipaabot mo muna sa amin yung tinatawag nilang langit" tumawa sila nang sabihin yun ng lalaking humawak sa binti ko. "Wag p-po-" napatigil ulit ako nang sampalin niya ako. "Manahimik ka! ikaw yung dahilan ko bakit naubos yung pera namin! " sigaw nito bago pinuniti yung sout kong damit lumantad sa kanila yung sout kong bra, napatili ako dahil don. Mas lalo akong umiyak ng magsimula silang lumapit sakin at isa isang tinanggal yung mga sinturon nila iyak lang ako ng iyak habang umaatras. Napaigtad ako nang bigla bumagsak yung isa sa sahig, napatigil naman yung apat napatingin sa likod nila.

"Try to land your dirty hand on her again or else all of you will see the devil's gate, choose assh*les" napatingin ako sa lalaking nagsasalita, diko maaninag siya dahil nakaitim siya lahat tanging sinag lang ng buwan yung nagbibigay liwanag sa paligid.
"Put*ngina ka! bakit mo siya pinatay!" sigaw ng nang isang lalaki sa kanya, nagsimulang sumugod yung isa, napatili ako ng biglang may bumaong kutsilyo sa leeg nito at mata na siyang dahilan ng pagkatumba niya sa sahig, dahan dahn akong napaupo dahil sa panghihina ng katawa ko kakaiyak. Nakita kong sumugod yung tatlong lalaki sa kanya wala pang sampung segundo ng natumba na agad yung dalawang lalaki, sumugod yung isa sa kanya hinawakan niya ito sa braso at umikot dahilan pagbali ng buto niya tinulak niya pataas yung braso ng lalaki dahilan ng paglabas ng buto nito napadaing ang lalaki dahil sa sakit non.

Di ko na alam ang sunod na nangyari basta ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay ay yung bulong ng isang pamilyar na tinig "Your safe now, baby" bulong ng isang pamilyar na lalaki bago ako binuhat...
                                   

Killer's Obsession (Sebastian Zachary Obsession) [Ongoing]Where stories live. Discover now