Chapter 06

91 9 0
                                    

Shane's P.O.V
Dahan dahan akong naglakad papuntang pintoan ng kwartong ito siniguro kong di ako makagawa ng ingay bago pinihit ang pinto ng kwartong ito. Pagkalabas ko nang kwartong iyon nakapatay na lahat ng ilaw, lumingon lingon ako sa paligid ng bahay baka andiyan yung mga tauhan ni Zach, nang masiguro kong wala ng tao humakbang ako sa hagdan pero nagulat ako nang bigla na lang may kasambahay sa harapan ko.

"Ma'am Shanelle saan po kayo pupunta gabi na ah?" tanong nito.

"Ate pwede po bang makahingi ng pabor?".

"Ano po ba yun ma'am".

"Tatakas po ako ngayong gabi, gusto kong wag mong sabihin kay Zach pakiusap ayaw ko na pong bumalik dito" sabi ko, nakita ko naman yung awa sa mukha niya kaya tumango siya.

"Sige ma'am di ko po sasabihin, basta mag ingat kayo ha at kapag nakuha kapo ni sir Zach ulit wag niyo po sasabihin na akong ang tumulong sayo" di ko alam pero biglang ko nalang siyang niyakap. "Salamat po ate... napaka bait niyo po sakin pangako di ko po sasabihin sa kanya" sabi ko. "Sige na baka magising pa si sir Zach" tumango ako. Hinatid niya ako sa pintuan at siniguro munang walang makakita sa amin.

Pagkalabas ko napasinghap ako nang makitang maraming  bodyguard na nakapalibot sa bahay na ito. Nagtago ako sa likod ng bulaklak ng may bodyguard na dumaan sa harapan ko napatingin ako sa gate, mas lalo lang akong napasinghap nang makitang mas maraming bodyguard doon... wala akong choice kung di aakyat sa railings ng gate para doon dadaan. Nang makitang wala na yung bodyguard dahan dahan akong tumayo at naglakad papalapit sa pader ng gate, tumingin muna ako sa paligid bago umakyat, napadaing ako ng mahina nang masugatan ako sa talim ng gate kaya agad kong tinakpan yung bibig ko.

Nang makababa ako sa pader ng gate napatingin ako sa gubat na nasa harapan ko. Bumuntong hininga ako bago pinasok yun bahala na kung anong meron sa loob ng gubat nato kaysa naman manatili ako sa impreynong iyon, lumingon muna ako sa bahay bago nag patuloy sa paglalakad. Nagpapahinga ako sa isang puno nang maka rinig ako ng ugong ng sasakyan kaya dali dali akong tumakbo at hinanap yung kalsada, nang makita ko iyon tumakbo ulit ako papunta doon di ko alintana yung hapdi ng paa ko dahil sa mga matatalim na dahon ng damo at mga sanga ng kahoy, pagdating sa kalsada napatakip ako sa aking mukha dahil sa ilaw ng sasakyan... huminto ito sa harapan ko at lumabas don ang isang babae.

"Ah miss okay ka lang?" tanong nito, kaya tumingin ako sa kanya imbis na sagutin ko siya lumuhod ako sa harapan niya. "Pwede niyo po ba akong ihatid sa makati?" pag mamakaawa ko sa kanya. "Oo, tamang tama don din yung punta namin ng mga kasama ko... gusto mong sumabay?" tumango ako sa sinabi niya. "Halika dito ka sa likod sumakay" hinila niya ako papunta sa likod ng sasakyan, binuksan niya yun at tumambad samin ang limang lalaki at tatlong babae.

"Guys makikisakay lang daw si" napatingin siya sakin.

"Shane" sabi ko.

"Makikisakay satin si miss shane papuntang makati" sabi nito sa mga kasama niya, tumango naman yung mga kasama niya at umusog yung isang babae at ngumiti sakin. "Sige na Shane sumakay kana" sabi nong babaeng nasa gilid ko. Tumabi ako sa babaeng umusog kanina at ngitian din siya. "Sige na isasara ko na to" sabi nong babae bago isara yung pinto ng sasakyan. Napatingin ako sa mga kasama ko sa loob na nakatingin din sakin kaya medyo nailang ako.

"Hi I'm Almie" pakilala nong babaeng umusog, nilahad niya yung kamay niya kaya tinanggap ko.

"Shanelle" pakilala ko rin.

"Oh, Shanelle nice name by the way... anyway this is my friends Gelo, jack, Christian, Lara, Inah, Angelo, Allene and Carson... actually were a band gruop" napatingin ako sa mga kasamahan niya, nakangiti ito sakin kaya ngumiti din ko. "Hi, I'm Shanelle" nakangiting pakilala ko sa kanila, tumango naman sila sakin, kaya pala may mga instrument sila lang dala, banda pala.

Killer's Obsession (Sebastian Zachary Obsession) [Ongoing]Where stories live. Discover now