Chapter 12

105 7 0
                                    

Shane's P.O.V
"Ate pasok na ako ha!" napatigil ako sa pagdidilig ng mga halaman at napatingin ako kay Shawn na kakalabas lang ng bahay. Tumango lang ako sa kanya bago bumalik sa pagdidilig.

Huminga ako nang malalim nang maalala ko nanaman yung lalaki kagabi, napatingin ako sa tabi ng maliit na gate kung saan siya nakatayo kagabi. He's so creepy lalo na yung ngiti niya. I really wish that he's not him, Zach.

I was slicing a onion when I heard someone talking outside in our house. Tinabi ko muna yung hinihiwa ko bago lumabas para tingnan yung nagiingay sa labas. Narinig kong may batang tumatawa sa labas, napangiti ako nang mapagtanto ko sino yung bata.

"Gen andya-" napatigil ako sa pag sasalita nang makita yung mga dala ni Mama, ang dami mga karton ng appliances, grocery item at mga damit .

"Ma, ano to?" naguguluhan kong tanong, saan siya kumuha ng pera para ipambili ng mga yan. Ngumiti sakin si Mama ng malawak.

"Mga gamit" sagot niya.

"I mean, saan galing 'to at saan ka kumuha ng para ibili ng mga ito" turo ko sa mga kagamitan na nasa harapan ko, nakita ko pang may dalawang lalaking naghahakot ng mga appliances mula sa isang truck, ang dami na di nato kakasya sa bahay.

"Ah, galing ito sa papa mo... binigay niya para sa atin"  sabi ni Mama.

"Para ano naman!?" tanong ko.

Hinawakan ni Mama yung kamay ko at hinaplos yun. "Anak bumabawi na satin yung papa mo... at pinagsisihan niya na yung ginawa niya sa atin noon kaya niya tayo binibigyan ng mga ganito" mapakla akong ngumiti.

"It's too late, kahit ano pa yung gawin niya di ko parin siya mapapatawad, Ma"  sabi ko at pumasok sa loob ng bahay sumunod naman sakin si Mama.

"Shanelle, bakit di mo nalang patawarin yung papa mo total matagal na yun diba? labing dalawang taon na ang nakalipas kaya please kalimutan mo na yun" hinarap ko si Mama dahil sa sinabi niya, gusto ko siyang sampalin. Patawarin? ganon nalang ba yun sa kanya... ang patawarin at kalimutan ang ginawa ng lalaking iyon sa amin. Nakalimutan na ba niya yung ginawa ng lalaking yun sa kanya.

"Ma!? nakalimutan mo na ba yung ginawa niya sa 'tin ha!?" nangilid na yung luha ko nang sabihin ko yun, mahirap patawarin ang ganong klaseng tao pero bakit si Mama ang dali lang para sa kanya. "Nakalimutan mo na ba yung mga panahon na nagkasakit si Shawn noon... l-lumapit tayo s-sa kanya non M-Ma! p-pero anong ginawa niya... p-pinapahiya niya tayo at ng kabit niya sa harap pa mismo ng maraming tao! di ko makakalimutan yung mga sinabi niya sa atin noon na ipa ampon nalang natin yung mga kapatid ko kung wala naman pala tayong pera at pang gamot sa kanila, tayo yung sinabihan niya Ma! ikaw, ako at yung mga kapatid ko!... yung din yung araw na pinapangako ko sa sarili ko na balang a-araw makakaganti rin tayo sa kanya" tuluyan ko nang binuhos yung mga luha ko matapos kong sabihin 'yon... pero bakit ganon nalang yun para kay Mama ang tanggapin ulit ang lalaking iyon na parang walang ginawa sa kanya, na parang wala nangyari.

"Ma!?, ilang ulit tayong humingi ng tulong sa kanya pero ano tinatanggihan niya tayo... muntik nang mamatay si Shawn nang dahil sa kanya!" sigaw ko, di ko mapigilan yung sarili kong di sumigaw sa harapan niya kahit alam kong nakakabastos at walang galang ang sumagot sa magulang pero wala nadala ako sa emosyon ko ngayon.

"Shane, nagsisi na siya sa ginawa niya sa 'tin pinagsisihan na niya lahat iyon" umiling ako sa sinabi ni Mama, huli na para mag sisi-huli na kung saan malaki na kami. Matatanggap ko pa sana siya kung noon pa siya bumalik nong kailangan namin ng Ama pero wala don siya sa kabit niya nagpapakasasa.

"Bakit ayaw mo siya patawarin, Shane?" tanong ni Mama.

"Dahil peste siya sa buhay k-" napatigil ako sa pagsasalita nang sampalin niya ako.

Killer's Obsession (Sebastian Zachary Obsession) [Ongoing]Where stories live. Discover now