11 Character Pov

4 1 0
                                    

September 06, 2022

Lustrio Del La Valderino Pov

"Hoy Anna!!" Sigaw ko sa aking nakababatang kapatid na nakabukaka ang putanginang mga paa habang nakaupo sa sofa.

"Ano? Makasigaw 'to!"

"Tarantado ka, yung upo mo!!" Mura ko sa kaniya.

Padabog naman 'tong umayos ng upo.

Nagtungo ako sa kusina at uminom ng tubig.

Nakita ko si mama na nagluluto ng tanghalian. Actually, marami na siyang nailuto at nailagay sa mga lalagyan na nasa mesa.

Ganito talaga siya magluto. Parang laging may handaan.

Mabilis akong nagnakaw ng isang piraso ng galunggong at umalis sa kusina.

"Mama si kuya kumuha ng galunggong!" Sigaw ng bidabida na kapatid ko nang makita niya ako.

"Lustrio bwesit ka, yang pagkapusa mo bawas-bawasan mo nga!!" Sigaw naman ni mama dahil sa kaniyang narinig.

Inambaan ko ng suntok ang kapatid ko bago ako tuluyan umakyat papunta sa kwarto ko sa second floor.

Inubos ko ang galunggong na kinuha ko, maski tinik hindi ko pinatawad.

Nagtungo ako sa may bintana at umupo roon. Pinagmasdan ko ang tirik na araw.

"Bwesit may pasok bukas makikita yung mga abnormal kong mga lalaking kaklase!!" Inis na sabi ko.

Nakita ko sa di kalayuan na si lolo ay pauwi na, galing sa public library.

May dala siyang basket, alam kong prutas ito. Mukhang dumaan muna siya sa palengke bago umuwi.

Dali-dali akong bumaba at sinalubong siya sa may terrace ng bahay.

Sa kaniyang pagdating, kinuha ko agad ang kaniyang kanang kamay at nagmano.

"Lolo, mano po." Sabi ko.

"Heh, ikaw talagang bata ka, gusto mo lang humingi ng prutas ehh."

"Lolo naman, siyempre matic na 'yun." Maangas na sabi ko.

"Oh kuha na." Inilahad niya ang basket na hawak niya sa kaliwang kamay.

Kumuha agad ako ng dalawang peras.

Nagtungo ako ng mabilis sa kusina at hinugasan ang mga ito at kinain.

"Kung ano-ano na namang kinakain mo Lustrio, wala ka talagang isip." Sabi naman ni mama sa akin.

Nagtaas lang ako ng kilay sa kaniya.

Pumasok si lolo sa kaniyang kwarto na katabi ng kusina namin. Ako lamang ang  pinapayagan ni lolo na pumasok sa kwarto niya dahil may mga bagay na importante para sa pamilya namin ang naroon. Hindi ako mahilig mangialam kaya naman ako ay allowed. Favorite apo yarn!

"Lolo." Tawag ko kay lolo sa pagpasok ko.

Grabe si lolo, ang bilis maka-upo sa study table niya at nagbabasa ng libro.

"Huwag kang malikot, Lustrio."

"Matic na nga yun lo." Umupo ako sa kama niya. Dito ko inubos kainin ang peras.

Muli akong napatitig sa mga antigong mga painting at larawan ng aming ninuno na si Eliaso Santiago. Ito'y ilan lamang sa mga iniingatan ni lolo na mahalagang parte ng aming pamilya, na akong sinabi niyang susunod at karapat-dapat na magalaga sa mga ito.

"Lolo, bakit po parang ang ilan sa mga litrato ng ninuno natin na si Eliaso ay hindi magkakamukha? Sorry ha? Matagal ko nang napapansin, ngayon ko lang naisipan na sabihin." Tanong ko kay lolo.

Natigilan si lolo sa kaniyang ginagawa na pagbasa.

"Isara mo ang pinto apo." Utos nito sa akin.

Sumunod naman ako.

Tumawa si lolo ng napaka-lakas, natigil lamang siya nang siya'y maubo.

"Eliaso Romero De La Valderino y Santiago. Ipinanganak sa bayan ng San Agoncillo, Intramuros noong Oktubre 01, 1863. Isa siyang magiting na bayani na ayon sa aking mga lolo noon, na kaniyang kababatang kaibigan si Andres Bonifacio, ang ama ng himagsikan. Namatay siya noong 1890, sa kadahilanang natadtad siya ng mga bala sa katawan noong siya'y mamuno ng isang grupo ng mga Pilipino sa pag-aaklas laban sa mga Kastila, sa kanilang paglusob sa headquarters ng mga ito. Marami ang nagulat sa ginawa na ito ng grupo ni Eliaso, lalo na ang Gobernador General dahil ang limang-daang Kastila ang napatay ng grupong binubuo lamang ng isang-daang tao. Dahil sa ginawa ni Eliaso, ang mga malapit nitong kamag-anak ay nakulong. At sa paglaya ng mga ito, pinabura sa kanila ng mga Kastila ang kanilang apelyidong Santiago, kaya naman, magpahanggang ngayon, De La Valderino ang ating ginagamit na apelyido."

"Pero hindi po nasagot ng sinabi mo ang tanong ko." Napakamot ako sa noo matapos kong magsalit.

"Masyado kang atat." Sabi ni lolo naman sa akin.

Story telling na 'to.

"May nakatatandang kapatid si Eliaso. Ito ay si Escanor Elcano De La Valderino y Santiago. Siya ang ating pinanggalingan na ninuno. Alam mo bang nabuhay pa siya hanggang 1960? Umabot siya ng 103 taon dito sa mundong ito."

"Kung ganon, naabutan niyo po siya lolo? Kasi po 1944 kayo, World War II baby."

"Siya ang nagpinta sa mga painting na nakikita mo ngayon. At ang nagiisa lamang na lehitimong litrato sa kwatro na ito ay ang tunay na mukha ng ating ninuno na si Eliaso."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ako'y lumapit sa litrato ng ninuno namin na si Eliaso. Ito nakasabit sa may tapat ng pintuan ng kwarto.

"Sino po ang mga taong nasa painting kung ganoon?"

"Ang kaniyang anak na si Ronquillo De La Valderino. Ang apo na si San Miguel De La Valderino, ang apo sa tuhod na sina Angelito Jude De La Valderino at ang aking ama, na si Narciso Ambrosio De La Valderino." Paliwanag niya.

Nakakamangha parin, dahil halos magkakapareho ang mukha. Sina lolo Angelito at lolo Narciso naabutan ko pa, kambal silang magkapatid.

"Ang galing magpinta ng ninunong Escanor 'no lo?"

"Apo, ngayong nalaman mo na ito, mas lalo mong kailangan malaman ang patungkol sa bagay na ito." Sabi ni lolo bigla.

Nakaka-kaba. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa kaniyang bagay na sinabi sa akin. May kinuha siya sa kaniyang drawer.

Ako naman ay nakaramdam ng parang malamig na hangin. Nanggaling ito sa itaas. Kinilabutan akong isipin na galing ito sa larawan ng ninuno namin na si Eliaso.

Napatitig ako muli sa litrato, ngayon ay natagalan ang pagtitig ko dito. Hindi nagtagal, nakaramdam ako ng kakaibang pananakit sa aking sintido.

"Lo." Mahinang sabi.

Agad pumikit ang aking kanang mata. Napaluhod ako sa sahig sa sahig ng ulo ko na hinawakan ko na gamit ang dalawang kamay ko.

"Isinusumpa ko, Carmencita!!" May narinig akong boses sa aking isipan, ito ang naging dahilan ng aking tuluyang pagkawalan ng malay.

It's All Coming Back To Me Now (Epistolary)Where stories live. Discover now