23 Character Diary

1 0 0
                                    

September 21, 2022
Dear Mapagkakatiwalaang Zone,

Unang beses kong nagsulat ng diary. Gago, ilang page na nga lang mayroon ang notebook na ginamit kong ito na nauna ko nang sinulatang ng kung ano-ano. Putang inang buhay 'to, habang tumatagal, lumulungkot ako.

Itinanong ko sa lolo ang mga bagay na hindi ko pa alam patungkol sa pamilya namin. Nalaman kong mayroon ngang litrato ng Carmencita Rivera na nabanggit sa akin noong Ashnet Rivera Ramos na iyon.

Kaano-ano niya kaya si Relane Rivera?

Hindi ko nagustuhan ang mga narinig ko mula kay lolo, ang kwento ng talambuhay ng aking ninuno na si Eliaso at ni Carmencita. Sa kasaysayan namin, higit na kinamumuhian at tinuturong dahilan sa pagbagsak ng mga Santiago noon ang ginawa ni Carmencita kay Eliaso. Sa pagtataksil ni Carmencita kay Eliaso, naging isa itong 'erehe' at 'filibustero'. Naging mamamatay tao si Eliaso, na pumaslang ng tatlong prayle at maraming guwardiya sibil.

Pero alam mo, imbis na magalit ako nang makita ko ang larawan ni Carmencita Julietta de Salvador y Rivera ay nalungkot ako. Hindi ko nga namalayan na umiyak ako. Tapos ayun, sumakit na naman ang ulo ko kaya nabitawan ko ang hawak kong portrait na nakatakip lamang ng salamin ang litrato.

Nabasag ang salamin sa sahig at aksidente ko pang naatrasan at nabangga ang mesa ni lolo na mayroong pitsel ng juice at siyang nahulog din sa sahig.

Dahil sa akin, nabasa ang portrait. Nakakahiya na ang portrait ay nawalan ng itsura, kaya't ako'y hiyang-hiya kay lolo sa nangyari. Ang dapat alagaan naming parte ng aming pinagmulan ay aking nasira.

Darating pa naman dito sa bahay namin yung Ashnet Rivera Ramos na iyon para makipag-palit ng portrait.

Hays buhay.

Ang makamandag ang dila,
Lustrio Del La Valderino


It's All Coming Back To Me Now (Epistolary)Where stories live. Discover now