12 Character Pov

4 1 0
                                    

Eliaso Romero De La Valderino y Santiago Pov

Itramuros, bayan ng San Agoncillo 1878.

Sa aking pagbaba sa sinakyan kong kalesa na pinauna ko nang bumalik sa villa ang kutsero. Nagmasid-masid ako sa pamilyar na bayan na aking sinilangan na ilang buwan kong hindi nasilayan.

Ako'y natuwa nang masipatan ng aking paningin ang isang taong mayroong mga kinakausap, o pinapatigil sa paglalakad na mg tao. Malamang ay kaniya na namang kinu-kumbinse ang mga ito na bumili ng mga baston at pamaypay niyang tinda sa kaniyang pwesto dito sa bayan ang mga ito.

Nakita kong muli si Andres sa aking pagbabalik.

"Amigo!" Pasigaw na aking pagtawag sa kaniya.

Nagulat ito sa aking pagtawag na ginawa sa kaniya. Ngunit kaagad itong napalitan ng ngite. Lumapit ito sa akin.

Pinagbunggo namin ang aming mga kamao.

"Tila lalo kang gwumapo, Eliaso." Sabi nito sa akin. "Kailan kapa nakabalik?"

"Kahapon lamang, kaya ngayong lamang ako nakarating dito ngayon ay dahil sa Tondo ako dumiretso ngunit wala ka roon. Alam kong kun ika'y wala sa Tondo, nandito ka sa San Agoncillo, nagbebenta ng mga pamaypay at baston." Pagkwento ko sa kaniya. Ngumite siya at hinawakan ako sa aking balikat.

"Kilalang-kilala mo ako, Amigo."

(Amigo-Kaibigan)

"Sino nga pala ang bantay sa pwesto mo ngayon at ika'y narito nanghihikayat ng mga mamimili, tama ba?"

"Siyang tunay, Amigo. Plano ko nang iwan sa kapatid ko sa totoo lang ang pwesto ko rito sa San Agoncillo dahil nais kong magtrabaho upang kumita ng may kalakihan."

"Muy bien! Tunay kang pursigido, Andres Bonifacio."

(Muy bien-Very well)

"Salamat amigo."

"Kung iyong mamarapatin, samahan mo na ako sa villa, at tayo'y uminom ng kapeng barako para sa aking pagbabalik." Sa aking pag-aya ay hindi siya tumanggi.

Sinamahan ako nito sa aking pag-uwi sa villa Santiago.

Sa aming pagdating, sinalubong kami ng mga tagapag-silbi.

"Señor Eliaso, maligayang pagbabalik." Binati ako ng mga ito.

"Magandang araw din sa iyo, ginoong Andres." Binati din nila ang aking amigo.

"Nais naming mag-kape ng akong amigo. Ipagtimpla niyo kami kung maaari." Pagbigay ko agad ng utos. "Narito ba ang papa?"

"Wala rito ang Don Santiago, Señor." Sagot sa akin ni binibining Tesia. "Nais niyo rin bang kumain? Ipaghahanda namin kayo."

"Sige binibini. Matagal-tagal ko ring hindi natikman ang pagkain ng villa na ito." Sabi ko.

"Ipaghahanda namin kayo." Sabi muli ni binibining Tesia. Siya ang mayordoma ng tahanang ito, Tesia Alonzo y Alonzo. 34 anyos, dalaga parin. Siya'y para ko nang isang ina dahil noong ako'y ipanganak, siya na ang naatasan na mag-aruga sa akin. Noon kasi ay isa siyang batang pulubi na napulot ng aking lolo at ginawang tagapagsilbi sa villa na ito. Dahil sa kaniyang serbisyo, lumaki akong mayroong asal na hindi pangsanggano.

It's All Coming Back To Me Now (Epistolary)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang