1 Background

255 9 1
                                    

Hello?? Hi??

Pasensya na kung di ako gaano marunong mag sulat ng kwento, o pwede ko ring sabihing diary ko. Dahil mula ngayon mag kwekwento na ako sa inyo.

Di ko nga alam bakit kailangan pa to??

Siguro talagang chismosa ka lang kaya mo to binabasa ano?! 😁 Joke lang.

Ssoooooooo!!

Mag simula na ba ako??

Ako nga pala si Jackie Dela Torres. 3rd year high school dito sa quezon city. Nag aaral ako sa di sikat na paaralan, dahil hindi naman kami mayaman.

Di ko din masasabi na may kaya, pero masasabi kong ang mahalaga nakakakain ako sa araw araw.

15 na ako ngayong taon, masasabi nyong bata pa ako. Pero malawak na yung kaalaman ko sa mundo.

Yung mama ko, nag tratrabaho sa isang pabrika ng mga chocolate. Yung tatay ko?? Ops!! Wala ako nun. Dahil lesbian yung mama ko, sya lang yung bumubuhay sa akin.

Kaya masasabi kong swerte ako dahil sa mama ko, dahil inaalagaan nya ako, at sobrang haba ng pasensya nya sa kalokohan ko.

At sasabihin ko na din sa inyo. Lesbian din ako!!! Alam ko na mula pa Elementary, dahil gusto ko babae. Pero iisang babae lang nagpatibok ng puso ko.

Mali ba kung sasabihin ko na ang gusto kong babae is yung pinsan ko??

Hindi naman pinsan sa una. Pero 2nd cousin ko sya. Pinsan ng mom ko yung mom nya.

Magulo?? Pero search nyo nalang sa google kung ano meaning ng 2nd cousin.

At sa totoo lang, excited na akong makita sya sa December break. Dahil laging nag sasama yung buong pamilya ni mama tuwing December.

Bibigyan ko na kayo ng kaalam about sa family ko.

Ang pangalan ng mama ko is Emily, may dalawang kuya si mama, si tito martley and franky.

Si tito martley asawa si tita maggie, at may anak silang 3 lalaki. Si marc, marky and merchy

Si tito franky naman asawa si tita karina, may anak silang kambal si kylian at kyler.

Sa buong angkan ni mama, lahat sila lalaki!! Pero sa angkan ng babaeng mahal ko. Halos sila lahat babae.

Next time ko na sila ipapakilala, pag nameet nyo na yung babaeng mahal ko.

Yung mama ko, at mama ng babaeng mahal ko. Is mag magpinsan.

Kaya yung parents ng mama ko. At mama nya. Is magkapatid.. Dalawa silang magkapatid..

Gets nyo ba??

Kumbaga yung grandparents ko, at grandparents nya. Is magkapatid.

Kaya yung mama namin. Is magpinsan.

Kaya kami mag 2nd cousin.

Siguro naman gets nyo na??

Hirap iexplain

"jackie!! Kanina ka pa lutang dyan! Wag mo sabihin sa akin si ano na naman yan" - biglang sabi ng katabi ko

Tama na tayo sa background namin. Dito muna tayo ngayon sa kasalukuyan.

Andito ako ngayon sa room ko, kasama yung bestfriend ko si Nova. Inaantay namin yung teacher namin para sa next class.

"bakit?? Masama ba?? Nagtataka nga ako bakit di pa sya napapagod kanina pa sya tumatakbo sa isip ko" - sabi ko

Natawa sya sa sinabi ko, at binato ako ng notebook. Buti nalang nasalo ko agad.

"nova!!" - asar kong sabi

Can I Be Your MistakeWhere stories live. Discover now