Pero ngayon?? Iiwasan ko na muna sya!!
Bumuntong hininga ako. Hay!! Pang ilan na ba to?!
Tinago ko na yung phone ko at, dahan dahan kong binuksan yung pinto ng bathroom, sinigurado ko na munang wala sya dito.
"anong sinisilip silip mo??" - tanong ni Kylian
Nakaupo sya sa kama nila ng kapatid nya, at tinignan nya ako.
Lumingon lingon muna ako. Nung sigurado ako na wala sya, lumabas na ako ng bathroom.
"di ko lang kasi kayang harapin si abi" - sabi ko
Umupo ako sa kama, sumandal sa headboard.
Biglang bumukas yung pinto.
Fuck!!
"ito na Jackie oh" - sabi ni kyler
Nakahinga ako ng maluwag nung nakita kong si Kyler ang pumasok at dala dala na yung mga gamit ko.
"sigurado ka bang tama tong desisyon mo?? Ayaw mo ba syang kausapin muna?" - tanong ni kylian
"wala naman kami dapat pag usapan" - sabi ko
"Jackie! Mag bestfriend kayo, at mukhang devastated si Abigail, nung inabot nya sa akin yung gamit mo" - sabi ni kyler
"baka mahalata nila ate Celine na mag ka away kayo" - sabi ni kylian
"kaya ko nga to ginagawa, para mawala yung feeling ko sa kanya. At maibalik ko yung pagiging mag bestfriend namin. Di ko naman kayang makipag plastikan sa kanya. Nga pala andyan pa ba yung labanos na lalaki?? " - sabi ko
Natawa sila sa tanong ko.
"labanos na lalaki?? Yung boyfriend ni Abigail??" - tanong ni kylian
"pag diinan pa oh!!" - asar kong sabi
Natawa sya at tinabihan ako ni Kyler.
"umalis na kahapon pagtapos kumain, ni hindi nga kinausap ni Abigail, dahil hinanap ka nya agad" - sabi ni kyler
Did she?!!
Gusto ko na sanang ngumiti sa kilig!!
Pero wala akong karapatan kiligin!!! May boyfriend na sya!!! At dapat irespeto ko yun!!
"wag mo nga akong pakiligin. Nag momove on na nga ako oh?!" - angal ko
Natawa si Kyler, at nginisian ako ng pang aasar.
Lakas mang asar!!
"mauna na ako maligo!! Mag 8 na, mag aalmusal na. Mag ready na kayo!!" - asar kong sabi at tumayo na ako
Dumeretso ako sa damitan ko, at kumuha ng pamalit ko.
Pinili ko nalang yung hoodie, at jogger, dahil malamig naman ngayon. Pero di na ako nag suot ng shirt sa loob. Pero magdadala nalang ako, just incase na mainitan ako.
"tapos na kami mag ayos kanina pa!!" - sabi ni kylian
Pag tingin ko sa kanila nakabihis na nga sila.
"antayin nyo nalang ako sa dining" - sabi ko
"sige!! Mag papogi ka ah!! Baka may makita tayong chicks sa pupuntahan natin" - pang aasar ni kyler
Umiling nalang ako habang nakangiti.
Pumasok na ako ng bathroom, para mag ayos. Pagkatapos lumabas na din ako, at dumeretso sa dining.
Pag dating ko dun, wala pa naman lahat, at nakita ko na may space sa tabi ni abi.
Bumuntong hininga ako at pumunta kung saan nakaupo si Kyler.
![](https://img.wattpad.com/cover/331804233-288-k816921.jpg)
YOU ARE READING
Can I Be Your Mistake
RomanceI am inlove with my bestfriend worse is?! she's my cousin!! Pero anong magagawa ko?! I love her!! At isa lang ang gusto ko. Mag karoon ng sya at ako!! Papayag kaya sya?! Can I be her mistake?! Pero paano kung kahit panahon tutol sa aming dalawa...