CHAPTER 1

94 22 1
                                    

Mariing ipinikit ni Audrey ang kanyang mga mata matapos niyang suriin ang kanyang mga dukomentong ipapasa sa kompanyang kanyang ina-applyan.
Kumuha siya ng kursong Bachelor of Arts in photography dahil ito ang kanyang kinahiligan at noon paman pangarap na ni Audrey ang maging isa sa mga sikat na photographer na hindi lang sa bansa pati na sa buong mundo. Kaya mas lalo niyang pinag-hamdaang mabuti ang kanyang darating na interview upang magkaroon ng tiyasang maging isa sa mga trainee na makapasok sa isang kilalang company nang photography.

Ngayong araw gaganapin ang kanyang interview. Inihanda na ni Audrey ang kanyang sarili para sa kanyang interview mamaya na gaganapin sa  UrbanScape Studios na malapit lamang sa kanyang apartment. Habang nag hahanda hindi niya maiwasang kabahan. Matapos mag handa ay agad na siyang umalis.
Ilang minuto ang naka lipas at nakarating na siya sa venue kung saan gaganapin ang  interview, dala dala niya ang iba't ibang sample ng mga larawang na kuha niya sa iba't ibang lugar.
Pumasok si Audrey sa building at pumunta sa ikalimang palapag ng gusali kung saan gaganapin ang interview sa lahat ng mag aaply at gustong maka pasok sa kompanyang ito.

Laki ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili na maka pasok siya, dahil matagal na niya itong pinag handaan pero, kahit ganon paman na may kumpiyansa siya sa kanyang sarili di parin niya maiwasang makaramdam ng kaba.

Hapon na ng matapos ang interview dahil marami din ang nag apply. Hihintayin lamang nila ang email ng staff kung naka pasa ba sila sa interview o hindi.

Umuwi si Audrey sa kanyang apartment at isinampa ang kanyang katawan sa kama, ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.

kinuha niya ito sa kanyang bag at sinagot. “Hello Mitch? napatawag ka?” tanong niya sa kanyang kaibigan sa kabilang linya.

“Kumusta ang interview mo? anong resulta? naka pasa kaba?” sunod sunod na tanong ng kanyang kaibigan kaya inilayo niya sa kanyang taenga ang cellphone.

“Wala pang result, mag e-email lang daw sa amin yung staff kung naka pasa ba kami o hindi.”

“Sigurado ako papasa ka niyan.” pagpapalakas loob ng kanyang kaibigan.

“Sana nga mitch.”

“Sige. Pupunta akk diyan at diyan ako matutulog sa apartment mo.” sabi ng kanyang kaibigan at saka pinatay ang tawag.

Alam ni Audrey na pinapalakas lang ng kanyang kaibigan ang kanyang loob dahil alam nito na kinakabahan siya sa maging resulta ng kanyang interview.

Si Mitch ang kanyang nag iisang kaibigan simula no'ng high school palamang sila. Doctor ang kinuhang kurso ng kanyang kaibigan dahil doctor rin ang mga magulang nito kahit gusto niya namang maging isang Designer, pero wala itong magagawa dahil sa kagustuhan ng kanyang magulang.

Nag iisang tinaguyod ni Audrey ang kanyang sarili dahil high school pa lamang siya nang pumanaw ang kanyang mga magulang. Matapos mangyari ang trahedyang yun sa buhay ni Audrey doon na siya tumira sa bahay ng kanyang tiyahin at kapalit non ang pag-aaralin siya ngunit hindi rin siya nag tagal at umalis din siya dahil sa ugali nito. Sa murang edad nag trabaho si Audrey bilang isang kasambahay at doon niya nakilala si Mitch na anak ng may-ari ng bahay. Naging mabait ang pamilya ni Mitch kay Audrey at pinag-aral ito hanggang sa makatapos ng high school.
Kilala si Audrey bilang isang babae na masipag, madiskarte sa buhay at higit sa lahat mapagmahal sa kanyang pamilya kahit ang mga ito'y yumaon na.

Mayaman ang pamilya ng kanyang kaibigan, mayroon itong sariling room kung saan naka lagay ang kanilang mga collection ng mga mamahalin larawan ka kuha sa iba't ibang sikat na photographer sa mundo.
Simula noon naging interesado na si Audrey sa pagiging photographer, kaya binilhan siya ng mamahaling camera ng magulang ni Mitch. Sumali rin siya sa iba't ibang patimpalak ng photography kung saan naka kuha siya ng scholarship at libre na ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Kaya laking pasalamat niya sa magulang ng kanyang kaibigan dahil tinulungan siyang maka ahon ulit. Tinuring siyang parang tunay na anak ng mga ito.

Loving You In Photograph (On Going)Where stories live. Discover now