CHAPTER 2

34 18 2
                                    

Maagang nagising si Audrey kinabukasan. Araw ng sabado ngayon at ngayong araw ang pag sisimula ng kanyang pagiging trainee.

Pag labas niya ng kanyang kwarto naabutan niyang nag luluto ang kanyang kaibigan.“Ang aga mo naman nagising?” tanong niya sa kanyang kaibigan.

“Syempre, first day mo ngayon kailangan ipag luto kita,” masayang sagot ng kanyang kaibigan. “Teka, saang company kaba naaassign?” dagdag na tanong ni Mitch.

“Sa UrbanScape studio,” sagot niya at biglang natigilan ang kanyang kaibigan. “bakit?” takang tanong ni Audrey.

Ngumiti lang ang kanyang kaibigan. “Ah, wala wala. Basta wag mong pababayaan ang yung sarili ha,” bilin ng kanyang kaibigan at tumango lang naman siya.

Nag simulang ihain ng kanyang kaibigan sa mesa ang niluluto nito at nag simula silang kumain. Habang kumakain nag uusap sila kung anong pwede nilang gawin pagkatapos ng kanilang graduation. Laging bukang bibig ni Mitch ang tungkol sa kanilang graduation, bagama't ang tanging nasa isip lang ni Audrey pagkatapos ng kanilang graduation ay ang mag fucos sa kanyang trabaho.

Matapos kumain agad na nagpaalam si Audrey na aalis na. Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na rin siya sa UrbanScape studio. Gayon paman hindi parin ni Audrey  maiwasang mamangha sa ganda nito.
Pumasok siya sa elevator para pumunta kung saan siya naka assign. Bumukas ang pinto ng elevator sa ika-sampong palapag ng gusali. Pag pasok niya sa loob agad niyang napansin ang dalawang lalaki na nag-uusap, napahinto and dalawa nang mapansin ang kanyang presensya. Hindi niya ito binigyang pansin at  inabala niya ang kanyang sarili sa panonood ng mga larawan sa loob. Ngunit natigilan siya nang bigla tinawag ng isa sa mga ito. Dahan-dahan siyang lumingon at baka hindi siya ang tinawag. “Hey!” tiningnan niya muna ang paligid kung meron bang ibang tao ngunit tatlo lamang sila ang nasa loob.

Nagtataka siyang tiningnan ang mga ito. “A-ako po?” turo niya sa kanyang sarili.

“Is there anyone else here?” Sarkastikong tanong ng lalaking naka harap sa gawin niya habang ang isa nama'y medyo naka tagilid ito sa kanya.  Bahagyang napa yuko si Audrey.

“What's your name lady?” tanong ng lalaking naka tagilid sa kanya at bahagya itong humarap. Nag angat siya ng tingin sa lalaking nag tanong sa kanya. May kasingkitan ang mga mata nito habang ang isa naman ay blangko ang mukha habang nakatitig sa kanya.

“I'm Audrey Sarniento.”

“What are you doing here?” tanong ng lalaking may singkit na mga mat.

“I'm newbie here po,” Magalang na sagot ni Audrey.

“I see. By the way, I'm Aron,” pag-pakilala 'nong singkit “And he's Nathan,” baling niya sa kasama nitong medyo masungit.“Nice to meet you.” nakangiting sambit ni Aron.

Nang mapansing wala na itong maitatanong agad na  umalis si Audrey at hindi niya ito pinag-tounan ng pansin. Sinit-up niya ang kanyang camera at sinimulan niyang kunan ng larawan ang iba't-ibang disinyong nasa loob nito. May kalakihan ang silid na ito kaya't maraming naka display na iba't ibang bagay na pwedeng pag-insayohan ng mga trainees. Dahil sa laki ng nito nag lakad-lakad muna siya sa loob nito at sinuri ang bawat larawang nakaka-mangha at mga bagay na nasa loob nito.

Maya-maya pa ay may iilang mga trainee din ang pumasok sa loob at tulad niya namamangha rin ang mga ito. Habang ang iba nama'y abala sa pagkuha ng mga larawan sa mga bagay na naka display sa loob nito.

Lumipas ang isang oras at may isang staff ang pumasok. Inanonsiyo nito ang kanilang mga kailangag gawin
Hindi naging mahirap para kay Audrey ang kanilang gagawin dahil may karanasan na siya sa pag hawak ng camera.

Loving You In Photograph (On Going)Where stories live. Discover now