CHAPTER 3

33 14 6
                                    

Maagang nagising kinabukasan si Audrey. Naka handa na lahat ng kanyang mga dadalhin at mga kakailanganing mga gamit. Nagulat siya nang madatnan niya  ang kanyang kaibigan na parang mangiyak-ngiyak habang naka upo sa sofa.

"Anyare sayo?" takang tanong niya sa kanyang kaibigan ngunit hindi siya nito pinansin. "Hoy! ok kalang?"

"Iiwan mo na talaga ako?" mangiyak-ngiyak nitong sambit.

"Sira! isang linggo lang ako don at saka pwede ka namang umuwi muna doon sa inyo."

"Ayoko munang umuwi don, naiinis pa ako kay mom and dad." naka ngusong sambit nito habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisnge.

"Edi mag tiis ka dito."

"Mamimiss kita huhu." parang batang sambit nito at saka yumakap sa kanyang kaibigan.

“Oa nito, hindi naman ako mag ibang bansa.”

Matapos kumain ay nag paalam na si Audrey na aalis na. Hinatid siya nang kanyang kaibigan sa labas. Ilang minuto pa at dumating na ang mag sundo sa kanya. Sinabihan niya muna ang driver na dadaan muna sila sa paaralan upang mag paalam sa kanyang guro. Ilang minuto pa at nakarating na siya sa kanyang paaralan, sinabi niya sa kanyang guro kung saan sila pupunta, pumayag maman ito at natuwa pa sa kanyang sinabi.

Matapos mag paalam bumalik na si Audrey sa sasakyan. Medyo natagalan ang kanilang biyahe dahil sa traffic. Ilang oras at nakarating na sila kung saan naka handa na ang bus na kanilang sasakyan at nandon na rin ang lahat ng kanyang kasamang staff maliban sa tatlo. Hindi na niya ito pinag-tuunan ng pansin, kinuha na niya ang kanyang mga gamit sa loob ng sasakyan at inilipay sa loob ng bus.

Doon siya pumuwesto sa bandang likuran ng bus dahil wala masyadong umupo don. Nag simula nang pumasok ang kanyang mga kasamahan dahil ilang minuto nalang at aalis na sila. Umayos siya ng upo dahil umandar na ang bus senyales na aalis na sila nang may biglang tumabi sa kanya. Laking gulat niya nang biglang umupo sa kanyang tabi ang isa sa tatlong lalaki. Tiningnan niya ang dalawang kasama nito ngunit naka-ngiti lang ito sa kanya at parang nang-aasar. Doon pumuwesto ng umupo sa kabilang side sina Airon at Nathan. Akmang tatayo si Audrey para lumipat nang biglang umandar ang sasakyan kaya nasubsub siya sa dibdib nang kanyang katabi. Agad niyang tinulak ang lalaki at umayos nang upo dahil sa hiya. Rinig niyang tumikhim ang dalawang kaibigan nito pero hindi niya ito pinansin. Itinuon na lamang niya ang kanyang paningin sa labas ng bintana.

Limang oras ang biyahe patungo sa kanilang distinasyon. Sa kalagitnaan ng biyahe naka idlip ang kanyang mga kasama. Ngunit si Audrey hindi siya naka idlip dahil na e-enjoy niya ang ganda ng tanawin. Inilabas niya ang kanyang camera at kinuhanan ng litrato ang mga magagandang tanawin na kanilang nadadaanan. Pagkatapos niyang kumuha ng litrato umayos siya ng upo ng mapansi niyang may sumandal sa kanya. Pag tingin niya dito nakita niyang naka idlip ang kanyang katabi at subrang dikit na ito sa kanya kaya hindi siya komportable sa pag upo. Dahan-dahan niya itong itinulak papalayo sa kanya kaya nagising ito. Sinamaan niya ng tingin subalit tiningnan lamang siya nito habang kinukusot ang mga mata.

Umayos sa pag upo ang kanyang katabi. Bumalik si Audrey sa pag kuha ng mga larawan at pansin niyang nasa mapunong lugar na sila. Ilang sandli pa ay biglang huminto ang bus, bumaba ang iba sa kanila para umihi dahil may dalawang oras pa raw ang natira upang makarating sa kanilang distinasyon habang yung iba naman sa kanila ay kumakain.

Akmang tatayo si Audrey para lumipat ng upuan nang biglang hinawakan ang kanyang kamay. Natigilan siya at gulat niya itong tiningnan ag parang may kuryenteng dumadaloy sa pagitan nito. Nanatiling naka pikit ang lalaki.

"Don't leave, just sit beside me." Mahinang sambit nito at dahan-dahang binitawan ang kanyang kamay. Naiwang naka-maang si Audrey. Wala siyang nagawa kundi umupo at sumiksik sa gilid, itinuon na lamang niya ang kanyang pansin sa labas.

Loving You In Photograph (On Going)Where stories live. Discover now