CHAPTER 4

26 9 3
                                    

Pumunta si Audrey sa pangatlong kubo kung saan tinuro ni Aaron sa kanya.  Nandon na lahat ng kanyang mga gamit. May iilang mga kubo sa tuktok ng bundok na ito, at may isang malaking kubo na napa-gitnaan ng mga maliliit na kung saan dito sila kakain. Sampo silang lahat kaya may tig iisang kubo sila. Dito rin sila matutulog dahil bawat kubo ay pwedeng tulugan sapagkat mayroon itong mga kagamitang pantulog.

Inayos ni Audrey ang kanyang mga gamit dahil ilang oras nalang at mag-gagabi na. Nag-pahinga muna siya saglit at kinuha niya ang kanyang camera at tiningnan ang mga nakuhang larawan habang nasa biyahe sila kanina. Habang abala siya sa kakatingin ng mga larawan hindi niya namalayan ang oras.

Tinawag siya ng isa sa mga kasama nila dahil kakain na sila. Lumabas siya sa kubo upang tumungo doon sa malaking kubk kung saan sila kakain. Kompleto na lahat pag dating niya, naka handa ra rin ang iba't ibang uri ng pagkain. Nag hanap siya ng bakanteng upuan ngunit wala na siyang mahanap maliban sa isang bakanteng upuan na nasa tabi ni Luan. Wala siyang nagawa kundi ang umupo dito. Napansin niya ang nakaka-asar na tingin ng dalawang kaibigan nito na nasa tapat ng mesa kaya't inismiran niya ito.

Nag simula silang kumain habang ang iba sa kanila ay nag-uusap patungkol sa kanilang pagpunta rito. Habang ang tatlong mag kaibigan nama'y nag papalitan ng nakaka-asar na tingin. Hindi ito pinansin ni Audrey at itinuon na   lamang niya ang kanyang pansin sa kinakain.

"Miss. Audrey, do you have a boyfriend?" Napa-angat siya ng tingin ng biglang magtanong ang isa sa mga kasama niya dahilan para mapahinto siya sa pag nguya.

"H-ha?"

"I said-." hindi natapos ang sasabihin ng kanyang kasama nang agad siyang sumagot.

"Wala po!"

Natawa ang ibang mga kasamahan nito sa kanyang naging reaction kaya't nahihiya siyang tumungo at bumalik sa pag kain.

Matapos silang kumain nag paalam na ang iba sa kanila na mag papahinga na. Hindi dinalaw ng antok si Audrey kaya't napag isip-isip niyang mag lakad lakad muna. Pumunta siya sa ilalim ng isang puno kung saan mayroon itong mga ilaw sa ang bawat sanga nito na nagbibigay ng liwanag sa ilalim ng puno. Napaka gandang pag masdan ang ang harap nito dahil makikita mo ang buong siyudad na puno ng iba't ibang kulay ng ilaw. Umupo siya sa ilalim ng puno at dinaramdam ang malamig na simoy ng hanging dumadampi sa kanyang balat.

Sa kalagitnaan ng kanyang pag muni muni pansin niyang may tumabi sa kanya. Nilingon niya ito at bumungad sa kanya ang nakangiting si Aaron.

"Ahm, hi? can I sit?"

"Sure,"

"How are u?" tanong ni Aaron kaya't nag angat siya ng tingin dito.

"Ayos lang naman, ikaw ba?"

"Pansin kong parang hindi ka ok kanina, and, I know na bago palang tayong nagka kilala pero pwede mo naman akong kausapin if you have a problem." naka ngiting sambit nito.

“Ok lang talaga ako, tulad nga ng sinabi mo bago palang tayo nagkakilala at bago ko lang din kayo nakakasama kaya medyo nahihiya pa ako.”

“Wag kang mahiya sa amin ha? hindi kami nangangain ng tao.” pabirong sabi nito kaya't natawa si Audrey. “At saka nababait naman kaming lahat, parang pamilya na din ang turingan namin sa isa't-isa.” Nakangiting dagdag pa nito.

Si Aaron ang makulit sa kanilang magka-ibigan, pala ngiti at pag tumawa ito animoy hindi mo makikita ang mga mata siya ang pinaka maliit sa magkakaibigan ngunit nangingibabaw parin ang ka kaguwapohan nito. Si Nathan naman isang lalaking minsan mo lang makikitang tumawa, animoy isang misteryosong tao ngunit kung minsan nama'y sumasabay din ito sa mga trip ng kanyang kaibigan, hindi maipag-kaila ang natatanging ka guwapohan nito. Si Luan ang matangkad sa tatlo, may angkin din itong kaguwapohan nanaiiba sa lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving You In Photograph (On Going)Where stories live. Discover now