#90

343 4 0
                                    

Eury. 


Nang matapos ang pasok ay mabilis akong dumeritso sa Cafe na malapit sa aming eskwelahan. Madami pa akong kailangan ayusin ngunit sa dami ng kailangang gawin sa bahay ay hindi ko magawa gawa. Hindi lang mga gawain kundi mga dapat aralin. 


Hindi ko alam kung kanino ako maiinis ngayon. Kung sa sarili ko ba o kay Zacharias na palaging pumapasok sa utak ko nang walang paalam. 


Nang makapasok ay kaagad akong nag order at naupo. Nilapag ko ang mga kagamitan sa mesa at patagong inilibot ang paningin, nagdadasal na sana ay wala akong kakilala na narito. 


"Thank you." Pasasalamat ko sa waiter na nagdala ng order ko. 


Akmang magsisimula na ako pero kaagad nahagip ng mata ko ang mga pamilyar na pigura na pumasok ng Cafe. Ramdam ko ang pagtigil ng sariling hininga dahil 'don. Shit, kakasabi ko lang na sana ay wala akong makila na kakilala tapos eto na naman. 


"Eury!" Sigaw ni Ryker nang mamataan ako. 


"Hay shuta." Mura ko dahil sa lakas ng kanyang boses. 


Buti nalang at hindi ganoon karami ang mga tao sa Cafe dahil kung hindi ay baka dinumog na sila. Oo, sila. Kasama nya ang ibang pinsan. Hindi ako pamilyar sa iba pero sigurado ako na isa roon ay si Maximus at Alexandro Zane. Hindi nga lang ako sigurado sa isa. 


"Ginagawa mo rito? 'Wag ka nga lumapit." Sita ko sa kanya nang maupo sya sa harap ko habang ang kanyang mga pinsan ay patuloy nakikipag usap sa mga narito na lumapit sa kanila. 


Sikat nga talaga sila. 


Kung ganoon. . bakit sa'kin nagkagusto si Zacharias? 


Kung tutuusin, malayong layo ang estado namin sa buhay. 


"Wow, salamat ha. Salamat talaga." Sarkastiko nyang sagot. 


"Ano nga? Ba't ka nandito?" Sabay irap ko. 


Natawa sya, "Di ba obvious? Kakain kami, dito kami kapag walang alam na makainan, e." 


Napakunot ang noo ko, "Kain? Cafe 'to, hello?" 


Tumaas ang kanyang kilay, "Oo nga pero paborito namin pasta nila dito, e." 


Napatango ako. Sabagay, hindi na ako magtataka dahil talagang masarap ang pasta nila rito. 


"Ryker." Tawag ng isa nyang pinsan na hindi ko kakilala. 


"Uy, ikaw si Eury di 'ba?" Maligalig ang boses na tanong sa'kin ng nagngangalang Maximus at tumango lang ako. 


"Oh? Di mo kasama si Zach?" Tanong naman ni Xandro kaya napangiwi na lamang ako. 


"Dapat ba palagi kaming magkasama?" Napapangiwing tanong ko sa kanya at rinig ko naman ang kanyang pagtawa. 


"Baka? Nililigawan ka ng pinsan namin di 'ba?" Dagdag nya pa na tanong. 


"Really?" Walang emosyon na tanong noong isang pinsan na di ko alam pangalan. 


Pamilyar sya sa'kin pero hindi ako pamilyar sa pangalan nya. Mukhang ito iyong pinsan na madalas lamang nila kasama? Hindi ko rin sya gaanong nakikita sa mga social media kung saan sila nagkukulitan ng mga pinsan nya.


"Magbasa kasi ng GC, Reid." 


GC? Mas lalo akong napangiwi roon. Kung ganoon ay pinag uusapan nga nila ako? Ano naman kaya ang pinagsasasabi ni Zach tungkol sa'kin? 


"Mag picture tayo, tara! Send natin kay punggok para mainggit." Pangungulit ni Ryker kaya wala akong ibang nagawa dahil kanya kanya naman na silang pumwesto. 


Hindi ko rin maiwasan na mailang dahil nakatingin na sa amin ang iilang mga narito sa loob ng Cafe. 


"May plano ka ba sagutin tropa namin?" Tanong ni Maximus sabay upo sa tabi ko. 


Napabuntong hininga ako, "Secret. At bakit ka dito nakaupo?" 


"Mga suplada pala type ni Zach, sheesh. Pero ano nga?" 


Hindi nalang ako sumagot pa at nagsimula na kumain. Si Ryker naman na nasa harap ko ay natatawa nalang dahil sa nakikitang reaksyon mula sa akin. 


"Hala ka, baka mapagod 'yon kakahabol." Pagbibiro pa ni Alexandro. 


HIndi ko maiwasang mapabuntong hininga sa sinabi nyang iyon kahit pa man biro lang. Naisip ko rin naman ang posibilidad na 'yon. Kung tutuusin. . ilang buwan na rin syang bumabawi at kahit ako ay kita kung gaano kahirap ang ginagawa nya. 


May minsan pa na hindi ko sya masipot pero patuloy lamang sya sa pag aantay o kundi ay pupuntahan nya ako mismo. 


Sana lang talaga ay 'wag . . 

Sorry, Wrong SentWhere stories live. Discover now