#41

3.6K 108 10
                                    

Eury.

Naglalakad ako papunta sa amin habang bitbit ang supot ng pagkain. Ba't ba kasi umuwi pa yung magaling kong ama? Badtrip talaga eh. Bwisit.

Kung kelan naman hindi ako nakapaghanda ng pagkain tsaka sya bibisita sakin. Ba't nya pa kasi ako binisita? Okay naman na ako. Letse. Baka naman hindi sya kuntento dun sa isa nyang pamilya?

Napatingin ako sa paligid ko. Fuck. Ang dilim.

"Uy, pre! Tingnan mo oh!"

"Uy chix! Ang ganda! May panghapunan na tayo! Haha!"

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at hindi na ako nag abala pa na lumingon sa likuran. Putangina. Bad timing.

Naramdaman kong may nakasunod sa akin kaya mas binilisan ko sa paglakad. Fuck shit. Nayari ka na talaga, Eury.

"Hoy miss! Nagmamadali ka ba? Intayin mo naman kami!"

"Hoy miss!"

Fuck.

Naramdaman kong may humablot sa braso ko kaya napabaling ako sa likuran at nakita ko ang tatlong lalaki na may ngisi sa kanilang mga labi.

"Sama ka samin, miss?" Nakangising sabi ng isa sa kanila na may hawak hawak na sigarilyo.

"Bitawan mo ko." Sinubukan kong kumawala sa hawak ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ko pero mas malakas lang talaga sila.

"Maglaro muna tayo, miss."

Mahigpit ang kapit sakin ng dalawang kolokoy at dahan dahan nila akong hinila papunta kung saan ngunit nagmatigas ako at pilit pa din na kumawala.

Naiiyak na ako pero hindi pwede. Fuck. You are a fighter, Eury. Fight back.

Ngunit hindi ko magawang lumaban pabalik sa kanila dahil sa nanghihina na ako at nawawalan na ng pag asa na may makakatulong sa akin.

"Hoy! Anong ginagawa nyo ha?!" Rinig kong sigaw ng kung sino man sa likuran namin.

Akmang lilingon na ako nang sinalubong ng malakas na sapak ng lalaki ang isa sa mga kalokoy. Naramdaman ko naman na unti unting kumakalas sakin ang bitaw nila kaya naman nagawa kong sipain ang isa sa kanila at agad naman syang napa aray sa sakit.

Nakikipaglaban yung lalaki sa dalawang kalokoy nang makita kong unti unti tumatayo ang sinipa ko kaya agad kong binato sa kanya ang kahoy malapit sa akin kaya bagsak sya.

Lilingon na sana ako nang biglang may kumuha ng kamay ko at sabay kaming tumakbo.

"Let's go!"

Nang maramdaman ko na wala na yung tatlong kalokoy ay dumahan dahan ako sa pagtakbo.

"H-hoy. Teka, yung supot na dala ko."

Agad naman syang napahinto at napalingon sakin. Napatawa naman sya ng sarkastiko.

"Pambihira. Yung iba tulog na tapos ikaw kakabili mo lang ng pagkain?"

Tinaasan ko namn sya ng kilay, "Ano bang pakialam mo?"

"Ganyan ka ba magpasalamat?"

"Kung ano sa tingin mo."

Akmang tatalikod na ako nang bigla syang nagsalita at napahinto naman ako sa narinig ko.

"Ibang klase. Akala ko sa chat ka lang masungit."

Dahan dahan akong humarap sa kanya.

"What.."

Ngumisi sya.

"It's nice seeing you in person, finally."

"What the hell?"

"Hi, Eury. I'm Zach."

Huh?

Sorry, Wrong SentWhere stories live. Discover now