#46

3.6K 69 29
                                    

Eury.

Pagdating ko sa Tryton's ay kaagad akong nakakita ng lalaki na pilit na pinapaalis ang isang lalaking halatang lasing na lasing na. Sigurado akong si Ryker iyon.

Lumapit ako sa kanila.

"Uy, Eury! Salamat talaga ha? Itong kumag kasi nag aya ng inom. Ako nalang kasi yung hindi lasing. Yung apat nasa kotse ko na."

"Okay lang. Bakit sya nag aya?" Pagtatanong ko

Napakamot sya ng batok, "Ah...Sa araw na kasi na to sila nag break nung isang Eury."

Napatango naman ako sa sagot nya at lumapit kay Zach. Tinapik tapik ko ang pisngi nya.

"Huy.." pagpapagising ko ngunit hindi sya nagigising.

"Ah, akayin nalang natin. Dalhin natin sa kotse." Sabi ni Ryker.

Tinanguan ko naman sya at dahan dahang ipinuwesto ang braso ni Zach sa balikat ko habang si Ryker naman sa isang braso nya.

"S-sino ka h-huy?" Rinig kong tanong ni Zach sa nalalasing na boses.

"Shh."

"Hah! Y-you look like Eury! T-the other Eury! Alam mo ba? Mashungit yun! Haha! Pero nararamdaman ko na mabait sya!"

Lasing nga talaga sya.

"Ihatid mo nalang ako sa condo ni Zach. Aalagaan ko."

Mukhang nagulat naman sya sa sinabi ko pero hindi na sya nagsalita pa at nang makapasok kami sa kotse nya ay agad syang nagmaneho.

Nang marating namin ang condo ni Zach ay tinulungan nya muna akong akayin si Zach at ipasok sa condo nya para hindi na daw ako mahirapan. Nice.

"Sige, Eury. Alis na ako."

"Sige."

Nang makalabas si Ryker ay lumingon agad ako kay Zach na nakahiga sa sofa. Pumunta ako sa kusina nya at kumuha ng towel at naglagay ng tubig sa basin.

Binalikan ko kaagad si Zach at pilit syang pinapaupo.

"Hmmm!"

"Umupo ka." Pilit kong sinabi sa kanya at nang marinig nga iyon ay napadilat sya.

Kitang kita ko kung paano mamungay ang mata nya habang nakatitig sakin.

"Zach, umupo ka. Pupunasan kita."

Hindi sya gumalaw at nanatiling nakatitig sakin. Napabuntong hininga ako. Lasing pa nga ata to.

Dahan dahan kong binasa ang towel at piniga bago ko pinunasan ang mukha nya para naman mahimasmasan sya.

Nakatitig lang sya sakin habang ginagawa ko yun. Namumungay pa din ang mata.

Pinunasan ko mula sa noo nya hanggang papunta sa pisngi nya at nang napunta ako sa labi nya ay dahan dahan ko itong ipinalandas. Hindi ko maiwasan na matitigan ang malambot nyang labi.

Fuck. Focus, Eury.

Agad kong inilagay sa basin ang towel bago ko hinimas ang noo nya papunta sa buhok nya. Akmang tatayo na ako nng bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Z-zach."

"Stay. Please."

"Ah..Kukuha lang ako ng maiinom mo para mahimasmasan ka."

Naramdaman kong unti unti na syang bumibitaw kaya naman ay agad akong nagtungo sa kusina nya at nagtimpla ng gatas.

Nang makabalik ako ay nakahiga pa din sya sa sofa at nakalagay sa ibabaw ng noo nya ang braso nya pero kitang kita ko naman na nakapikit sya. Nilagay ko ang gatas sa mesa na nasa taat ng sofa.

Tinapik ko pisngi nya at agad naman syang napadilat doon. Uupo sana sya nang mahilo sya buti nalang ay naalalayan ko. Umupo ako sa tabi nya at kinuha ang gatas.

Nang mapansin kong pinagpapawisan ang noo nya ay agad kong inabot ang towel sa sofa malapit samin at pinunasan ang noo nya. Nakatitig lamang sya sakin habang ginagawa ko yun.

"Inumin mo." inabot ko sa kanya ang gatas.

Ang akala ko ay kukunin nya ito pero hinawakan nya ang kamay kong nakahawak sa baso at agad na nilagok. Wow. Ubos.

Nang maubos nya ay napasandal sya sa sandalan ng sofa at napapikit. Sumandal naman ako.

"Okay ka na ba?" tanong ko.

"Medyo. Nahihilo lang ako."

Tumango ako sa sinabi nya. Hindi ko alm kung ano ang sasabihin. Napatingin ako sa kabuuan ng condo nya at may nakita akong tatlong frame sa mesa na may picture nya at may kasama syang babae. Si Eury siguro ang babae. Yung ex nya.

Naramdaman ko na bahagyang bumigat ang balikat ko at nakita kong nakasandal na sya sakin. Nakasubsob ang ulo nya sa leeg ko. Nakaramdam akong nabasa ang balikat ko.

"Z-zach..""

Tawag ko sakanya nang maramdaman ko ang hikbi nya. Umiiyak sya.

"Fuck. Ba't kasi apektado pa din ako? Ba't kasi hindi ko makalimutan? Tangina. Pinipilit ko. Pinipilit kong kalimutan."

Hinimas himas ko ang likod nya habang umiiyak pa din sya. Hindi ko man ramdam ang nararamdaman nya ngayon pero sigurado akong nasasaktan sya ng sobra.  

Naramdaman kong pumalupot ang braso nya sa bewang ko.

Niyayakap nya ako mula sa likuran...

"Zach, hindi naman pwedeng ganyan ka lang palagi. Oo, mahal na mahal mo sya pero isipin mo naman ang sarili mo. Isipin mo kung deserve mo ba 'to. Nakikita ko, Zach. Nakikita kong mabuti kang tao. Hindi mo 'to deserve."

Naramdaman kong napatingin sya sakin habang nagsasalita ako.

"Eury..."

"Mahalin mo naman ang sarili mo, Zach. Maawa ka naman. Paano yung mga taong nagmamahal sayo? Mga kaibigan mo? Nasasaktan din sila kaoag nakikita kang ganyan!"

Hinarap nya ako sa kanya. Hindi na sya nakayakap sakin at ang dalawang kamay nya ay nasa balikat ko.

"Paano ikaw? Nasasaktan ka din bang nakikita akong ganito?"

Natigilan ako sa tanong nya. Nasasaktan nga ba ako ngayon?

"Z-zach.."

"Answer me, Blaire."

Nagulat ako sa tinawag nya sakin. Ito ang unang beses na tinawag nya ako sa ikalawa kong pangalan.

"O-oo, Zach. Nasasaktan ako. At mas nasasaktan ko kapag iniisip ko na nasasaktan ako na nakikita kang nasasaktan dahil sa iba."

Napatahimik sya sa sagot ko. Kinapa nya ang dalawang pisngi ko gamit ang dalawang palad nya at pinatingin ako sa kanya.

Napatitig ako sa maganda nyang mata. Damn, Zach. Ano itong ginagawa mo sakin?

Dahan dahang lumapit ang mukha nya sa mukha ko at nagsimula ng mabaliw ang puso ko. Nakita kong pumikit sya kaya pumikit nalang din ako.

At tuluyan na akong nabaliw nang lumapat ang labi nya sa labi ko.

Sorry, Wrong SentWhere stories live. Discover now