#86

3.3K 59 3
                                    


Eury. 


Nang makarating sa harap ng unit ni Zach ay hindi ko na halos maramdaman ang aking paa. Shit, nanginginig ako. Impulsive mo kasi, Eury Blaire. Para namang tanga. 


Pasabi sabi ng "puntahan kita" tas ngayon na andito na, manginginig nalang? Muntanga. 


Dahan dahan akong kumatok at halos inabot pa ata ako ng limang katok bago marinig ang mahinang kalaskas sa loob ng unit. Nakatulog ba sya? O baka naman ay ako ang naka isturbo ng tulog nya? 


"Hey. ." 


Bumuga ako ng hangin nang marinig ang kanyang nanghihinang boses. Napangiwi ako nang makita ang kanyang pulang pula na mukha at iilang butil ng pawis sa noo. 


Mabilis 'kong inabot ang kanyang kamay at inalalayan sya papasok, "Ang pula mo." Puna ko. 


Nang maibaba ko sya sa couch ay rinig ko ang paghahabol nya sa kanyang hininga. Sandali akong napatitig sa kanya at hindi maiwasan na maalala ang iilang pangyayari sa aming dalawa dati. 


Gusto ko nalang matawa. Ang bilis ng panahon. Dati rati'y nakakausap ko lang 'to, ngayon ay narito na ako para alagaan sya ng lasing. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako 'don o kung ano ba. 


"Umayos ka." Giit ko at inayos ang kanyang pagkakahiga. 


Ramdam ko ang panginginig nya kaya mabilis akong dumeritso sa kanyang kusina at kumuha ng basahan roon. Nang makabalik ako sa kanya ay nakatalikod na sya sa aking direksyon. Napabuntong hininga nalang ako at hinila sya papaharap. 


Halos mapalayo pa ako sa kanya nang maramdaman kung gaano kainit ang kanyang balat. Shit, lumala ba ang lagnat nya? 'Wag naman sana. Baka hindi na 'ko makauwi nito. 


"Eury. ." 


"Hmm?" Tanging sagot ko habang pinupunasan ang kanyang mukha ng basahan. 


Minsan ay napapangiwi pa sya sa pagdampi nito pero buti nalang at hindi sya makulit. Hinayaan nya lang talaga ako. 


Sa tuwing pinupunasan ko ang kanyang mukha ay hindi ko maiwasang mapatitig rito. Napaka amo, akala mo ay kung sinong santo. Inaamin ko, hindi pa nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman 'yon ganoon kadali. 


Nakikita ko ang ginagawa nya para sa'kin. Lahat ng pagbawi at kung ano pa para lang mapakita sa'kin na karapat dapat sya bigyan ng ikalawang pagkakataon pero sa ngayon ay nasa akin pa ang takot dahil sa nangyari. Grabe ang gulat na naramdaman ko dahil sa ginawa nya, hindi naman ito trauma pero mukhang papunta na roon. 


Sino ba naman ang hindi magugulat sa ganoon? Tuloy tuloy lang ang pag uusap nyo tapos biglang isang araw malalaman mo nalang na sila na ulit ng ex nya na ka pareho mo ng pangalan. Talagang mapapaisip ka kung kinausap ka lang ba nya dahil nakikita nya sa'yo ang ex nya. 


"Eury. ." 


Napahinto ako nang maramdaman ang paghawak ni Zach sa aking kamay na nakahawak sa basahan na nakadampi sa kanyang noo. Napalunok ako nang makita ang kanyang namumungay na mga mata na animo'y nanghihina. 


"G - Gising ka na?" 


Wow, sa lahat ng pwedeng masabi ay iyon lang ang naisip ko. Tanga. 


Mas lalo ko lang naramdaman ang kaba dahil sa kanyang mga titig. Halos mapamura pa ako nang umayos sya ng upo habang nakatitig lang sa'kin. 


"I'm sorry." 


Napatulala ako sa kanya nang marinig iyon. Hindi ko nagawang magsalita pa kaya nanatili lang akong nakatitig. 


"Give me a chance. . Please." Bulong nya habang dahan dahang napayuko. 


Lumunok ako, "Hindi ganoon kadali." Tanging nasabi ko. 


Dahan dahan syang napatango na animo'y naiintindihan ang pinupunto ko, "I know. . I understand. ." Nakita ko ang kanyang paglunok kaya nanatili akong naghihintay sa susunod nyang sasabihin, "Just. . Don't fall inlove with someone while I'm waiting for you. .Takot ako, Eury." 


Nanginig ang aking kamay kaya dahan dahan akong napabitaw sa kanya. Napatingin sya sa aming kamay at mas lalong hinigpitan ang kapit sa akin. 


"San ka takot?" 


Dahan dahang umangat ang kanyang mata sa akin, "Ryker is a better guy." Mapait nyang puna kaya mas lalo lang akong napahinto. 


Kumunot ang noo ko at sinigurado kung tama nga ba ang narinig. Huh? Nang tumagal ang katahimikan sa amin ay natawa na lamang ako kaya mas lalo syang napatingin sa'kin. 


Shit, ano raw? Ryker? Amputa. 


"Kaibigan ko lang ang pinsan mo." 


"Really?" 


Tumango ako at nakita ko ang kanyang pagnguso bago muling humiga na hawak hawak ang kamay ko. 


Hindi madali magtiwala ulit sa'yo, Zach. Sana ay alam at naiintindihan mo 'yan. Pero hiling ko lang din ay sana 'wag ka mapagod kakahabol dahil kapag nagkataon. . talagang magiging mahirap na sa'kin maniwala sa mga tao. 

Sorry, Wrong SentWhere stories live. Discover now