Chapter 7

124 6 10
                                    

Noong tuluyan nang nakaligtas ang lahat ng mga tao sa gumuhong building, dinala na ng mga EMTs ang mga sugatan sa hospital. Takang-taka ang mga pulis saka mga EMTs kung paano mabilis nakalabas ng building ang ibang mga tao. Ang sabi nila ay merong nagbuhat sa kanila palayo ng building. Ang lumilipad na mga tao. Hindi nila maidentify kung sino, dahil nga sa sobrang bilis ng pangyayari. Noong nakita ni Brian si Narda na kasama si Regina at Ali, takang-taka naman si Brian. Pero agad namang ipinaliwanag ni Regina ang paliwanag ni Narda kanina. Noong nakakuha na ang mga pulis ng statements, saka hinila ng dahan-dahan ni Regina si Narda palayo. Pinakisausapan si Ali that Regina needs to talk to Narda privately. Labis naman ang pagtataka ni Narda na hinila siya ni Regina at bakit kailangang private pa. Noong nasa medyo kalayuan na sila, saka sinimulang icheck ni Regina si Narda.

Regina: Narda. Are you sure you're okay?

Kumunot ang noo ni Narda lalo sa pagtatakang biglaang tanong ni Regina sa kanya. Habang chinecheck ni Regina kung may mga galos o sugat si Narda. Ngayon lang niyang nakitang bakas sa mukha ng boss niya ang pag-aalala. Dagdag pa ang hindi pagkukwento nila Andre tungkol sa ganoong concern ni Regina. Habang chinecheck siya ni Regina, hindi maiwasan ni Narda na muling mapatitig sa kanyang boss. Muli nanaman niyang pinagmasdan ang magandang mukha ni Regina. Pero agad namang natauhan si Narda.

Narda: Okay lang naman po ako, ma'am.

Regina: Kasi sabi nila Brian na pumasok bago gumuho ang building. Kaya akala ko--- basta. I wanted to make sure if you are okay, Narda.

Narda: Ok na po ako, ma'am Regina. Wag niyo na akong alalahanin.

Saka na sila bumalik sa kanilang mga kagrupo. Para tulungang ayusin ang mga kagamitan at alalayan ang mga patients papunta sa hospital. While Ashimar is still watching them. Apparently, Ashimar is watching Narda and Regina. Hindi nagtagal lahat sila ay sumakay na sa mga sasakyan. Tapos ilang minuto ang kanilang byahe nakabalik na din sila sa hospital. Saka dito na nagusap si Narda at Brian.

Brian: Kumusta na, Nads?! Isang EMT na nga ohh. Lalong gumaganda.

Narda: Bolero! May kailangan ka ba?!

Brian: Wow! Nice to see you again, Nads! Ganyan mo ba ako namimiss? 

Narda pouted.

Narda: At syempre, congrats din sayo Bry! Ganap na police ka na din.

Brian: Anyway, pauwi na pala ako. Gusto mo hatid na kita, para naman makapagdalaw ako ulit sa inyo.

Narda: Sige! Naku! Miss na miss ka na ni Lola at ni Ding.

Brian: Ay oo naman! Namimiss ko na mga luto ni Lola Berta. 

Narda: Sige, wait lang ayusin ko lang mga gamit ko.

Brian nodded and went outside to wait for Narda. While Narda was fixing her things, Regina approached her.

Regina: Narda?

Narda: Yes po, ma'am Regina?

Malumanay na nagsalita si Regina. And medyo nakasmile.

Regina: Pauwi naman na din ako. I was just wondering if pwede kitang ihatid pauwi? Sobrang delikado kasi, lalo na baka makuha ka pa ng mga night creatures.

Napangiti si Narda ng bahagya. Talagang alalang-alala si Regina, kahit naman ok na ok na si Narda.

Narda: Ay, salamat po sa offer. Pero nagoffer na din po kasi sa akin si Brian na siya maghatid.

Darna and the Ageless OnesWhere stories live. Discover now