Pagpasok ni Narda sa bahay, masayang sinalubong siya ni Ding, Berta at Brian. Kaya dito na sila kumain ng hapunan. Matapos nun, biglang may tawag na natanggap si Brian mula sa kanyang ninong. Noong pinatay ang tawag saka na siya nagpaalam kela Narda at sa pamilya niya.
Brian: Nads, Ding, Lola. Pasensya na, pero kailangan ko nang umalis. Merong emergency.
Lola Berta: Sige, apo. Ingat ka lagi.
Ding: Hindi lola. Ang dapat na mag-ingat ay ang mga kalaban ni Kuya Brian. Diba, Kuya!
Natawa si Brian at nagmadali nang nagpaalam. Hindi na sila nagkausap ni Narda masyado nun. Tapos kinumusta ni Ding si Narda saka ang matandang bagong lipat. Tapos ikinuwento na ni Narda ang tungkol sa Babaeng Ahas na nakapagsindak sa kanya. Saka ang pagbalik ni Mattheo.
Ding: Eh, ba't hindi mo kasama si Kuya? Yiiiieeee! Kuya na ang tawag sa kanya. Ibig sabihin ba ok na siya sayo?
Natatawang wika ni Ding. Narda just shook her head.
Narda: Oo na. Actually. Gumaan talaga ang loob ko kay Kuya Mattheo. Kaya magsisimula na akong magtiwala sa kanya.
Ding: Pero yung Babaeng Ahas? Totoo kayang niligtas na nun mula sa mga aswang?
Narda shook her head.
Narda: Wala tayong kasiguraduhan. Basta kailangan mag-ingat tayo lagi, Ding.
Tinapik ni Ding ang balikat ng kanyang Ate at nagpasya na silang matulog.
Sa bahay naman ni Lolo Rolando, kausap ni Mattheo ang matanda tapos si Klaudio. Kasama na din si Shinja. Sinabi na ni Mattheo ang tungkol sa mysterious creature na pumatay sa mga aswang at walang iniwan na kahit anong bakas.
Klaudio: Kung kakaibang nilalang yun na kahit kailan hindi niyo pa nakikita, maaaring isa din itong Extra. Pero sino kaya at paanong naging Extra yun?
Rolando: Dahil ang mga Extras na yan ay galing nga sa dugo ng mga kasamahan ni Klaudio. MAtapos silang tinurukan ni Dr. Ibarra. At yung mga nakatakas na mga subjects ng experiments ay mga nasa puder mo, Mattheo.
Mattheo: Sinigurado naming walang mga Extras na tumatakas sa amin. May iba na gumagala-gala, pero ligtas namang nakakauwi.
Shinja: Clone Man told me, that they are all of the escaped subjects of the experiments. They have no companion who has the power of the snakes. Whoever this Extra is, Darna needs to face her.
Mattheo: She must face her alone.
Sa bahay nila Narda, hindi siya makatulog dahil sa labis na takot na halos nangininig na siya. Halos maluha-luha na siya sa tuwing naiisip niya ang sobrang nakakatakot na mukha ng Babaeng Ahas. Nag-aalangan din siya dahil mukha itong makapangyarihan. Tapos palaisipan din sa kanya ang mga sinabi ni Mattheo.
Narda: Paano kung talagang isang Gorgon at sinuwerte lang ako dahil hindi ako naging Bato? Hindi ko alam kung kakayanin ko siya bilang si Darna.
Sa condo ni Regina, patuloy na sumasakit ang kanyang ulo at muli nanamang nakarinig ng maraming boses tulad kanina bago pa siya naging Valentina.
"Good work, Regina!"
"Finally, you are showing your true colors!"
FLASHBACK
Pauwi na si Ali, matapos niyang inihatid si Narda. Habang ito ay nagmamaneho, may natanaw siyang tatlong lalaki at nasindak si Ali noong nakita niyang naganyong aswang ang mga yun at sila ay tumalon sa top floor ng apartment kung saan dadalawin ni Narda ang matandang bagong lipat. Pababa na sana si Ali para habulin at balaan si Narda tungkol sa mga aswang noong napagtanto niyang si Narda pala ang natipuhan ng mga aswang, nang may biglang humawak sa kanyang balikat. Mabilis itong lumingon at mas lalong nashocked si Ali dahil yun ay ang Babaeng Ahas at narecognized niya si Regina.
YOU ARE READING
Darna and the Ageless Ones
FanfictionThis is a Darna Fan Fiction, where Borgo and his minions were trying to kill Darna and take the Stone and use her powers to destroy the world. Unknown to Darna, Borgo is not the only problem she should worry about. But with the help of her eldest re...