Si Mattheo na ang nagvolunteer na ihatid si Narda sa foundation. Complete na din ang basic martial arts na tinuro niya kay Ding. Sinabihan ni Mattheo ang kanyang kapatid na idevelop na lang niya yan at madalas siyang susubukan ni Klaudio. Nalaman na din ni Ding na may mga Extras ding itinatago si Mattheo mula kay Borgo para hindi makapaggulo pa. At tulad ni Killer Ghost at Clone Man, susubukan nila ang galing ni Ding.
Lola: Oh, mga apo! Mag-iingat kayo lagi ahh.
Ding: Kuya Mattheo, minsan naman roadtrip tayo. Para naman makapagbiyahe din tayo.
Papaluin sana ni Narda, pero agad naman siyang inawat ni Mattheo.
Mattheo: Ok lang, Narda. Sige, Ding. Kung gusto mo din minsan dalhin ko kayo sa Enchanted Kingdom?
Medyo nakangising tanong naman ni Mattheo. At napatalon naman si Ding sa tuwa.
Narda: Uyy! Sigurado ka ba, Kuya?
Mattheo: You are my family, Narda. And hindi ko naman pwedeng itanggi ito even if I have a lot on my plate right now. Sige Ding, pag-iisipan ko kung kailan pwede.
Ding: Ayun! Ayos! The best ka talaga Kuya!
Mattheo: Pero atin-atin lang ito.
Ding: Saka Kuya, pwede mo din bang isama si Mam Regina?
Muling papaluin ni Narda sana si Ding, pero naawat siya ulit ni Mattheo.
Narda: Ding, ano ka ba? Nakakahiya naman!
Ding: Awstuuu! Nakakahiya daw! Ok lang yan, Ate. Tanggap ka naman namin kahit na kapwa babae pa ang gusto mo.
Mattheo raised his eyebrow and looked at Narda almost suspiciously. Napatingin naman si Narda sa Kuya niya at nakaramdam ng hiya dahil ngayon lang nalaman ni Mattheo na lesbian pala ang kapatid niya at ito ay nailang din at tumingin kay Ding at sumenyas na bubugbugin ang kanyang kapatid pero lalo lang siyang natawa. Pero wala namang reaction sa mukha ni Mattheo.
Mattheo: Like they said, it's true love.
Magsasalita pa sana si Mattheo ng biglang may tumawag sa kanya. Ang tumambad na pangalan ay si Ali.
Mattheo: Yes, Ali?
Nagbago ang expression ni Mattheo bigla sa sagot ni Ali.
Mattheo: What?! Sige. Papunta na kami dyan.
Ibinaba ni Mattheo ang kanyang phone.
Narda: Kuya ano yun?
Mattheo: Si Regina. Kinidnap siya. Nadaplisan si Ali. Tara na doon.
Kukunin sana ni NArda ang Bato pero pinigilan siya ni Mattheo.
Mattheo: No, Narda. Not yet.
Narda: Bakit?
Mattheo: Kailangan ka din ng mga EMT at baka maghinala sayo si Brian bilang si Darna lalo na sayo lang siya may contact.
Narda just nodded at sumakay na sila sa sasakyan tapos mabilis na hinarurot ni Mattheo ang sasakyan niya. Mabuti na lang Audi ang gamit nila kaya mabilis na papatakbo ni Mattheo ang sasakyan niya. Noong nasa malawak na silang kalsada, lalong binilisan ang kanyang sasakyan papunta sa foundation. Dahilan na si Narda at lalong napahawak sa upuan niya at seatbelt.
Narda: Kuya! Kuya! Mababangga tayo!
Sigaw ni Narda noong muntik na silang mabangga ng truck pero naiiwasan ni Mattheo ang mga nasasalubong niyang mga sasakyan. Tapos noong nasa crossroad sila, may dalawang truck na papunta mula sa kanan at kaliwa kaya inapakan ni Mattheo ang gas para bilisan. At noong malapit na sila sa truck napatakip naman ang mga mata ni Narda dahil sa labis na kabang mayuyupi sila ng dalawang truck, pero saktong salubong ng dalawang trucks at ang gitnang part ay nalusutan ng sasakyan ni Mattheo tapos nagdrift siya pakaliwa, dahil yun ang route papuntang foundation. Doon sa nasabing route, naghaharurot din si Brian ng sasakyan ng mabilis. Tapos hindi din nakaligtas sa paningin ni Brian ang sasakyan ni Mattheo na sobrang bilis ang takbo. Akmang hahabulin sana ni Brian yun, nang inactivate ni Mattheo ang siren ng sasakyan niya. Lalong namangha si Narda pero at the same time kinabahan dahil baka nga habulin sila ng mga pulis at syempre mababangga. Ngunit mangha talaga si Narda dahil sa galing ni Mattheo magdrive ng sasakyan niya. Halos tulad na tulad lang din sa Fast and the Furious movies na minsan na nilang napanood nila Leonor. Kaya si Brian nagpatuloy sa kanyang pagharurot. Hindi din nagtagal, narating na nila ang foundation.
YOU ARE READING
Darna and the Ageless Ones
FanfictionThis is a Darna Fan Fiction, where Borgo and his minions were trying to kill Darna and take the Stone and use her powers to destroy the world. Unknown to Darna, Borgo is not the only problem she should worry about. But with the help of her eldest re...