Chapter 14 The First Kiss

168 7 2
                                    

WARNING: SA MGA MAHIHINA PO ANG SIKMURA, THERE ARE FEW FATAL AND BRUTAL SCENES ON THIS CHAPTER. PLEASE PROCEED WITH CAUTION.

Si Noah ay kasalukuyang inaabangan ang si Narda mula sa Medical Department, habang may hawak ng mga flowers para ibigay kay Narda. Itong si tukmol ay ayaw tigilan si Narda. Sadyang nagmamadali ito sa panliligaw nito kay Narda, kahit naman hindi pa niya ito kilala, kahit na ito ay konting beses pa lang niyang nakikilala. Ngunit, muli nanamang nadismaya si Noah, dahil una hindi sa main entrance kung saan nakaabang si Noah na lumabas si Narda. Tapos pangalawa, dahil kasama nanaman niya si Regina. Papalapit si Noah sa kinaroroonan ni Narda, pero laking pagtataka ng maliit ang utak noong makitang pinagbuksan ni Regina at pinasakay si Narda sa kanyang sasakyan sa passenger seat. Pero pilit pa ding nagpakakampante si Noah. Kaya walang takot nitong nilapitan si Regina nang may dalang bulaklak.

Noah: Regina.

Noong nabuksan ni Regina ang sasakyan niya, ito ay napapikit noong tinawag ito ni Noah. Saka ito lumingon ng medyo nakangiti. 

Regina: Yes, Noah?

Noah: Uhm, where are you taking Narda?

Regina: Why do you ask?

Noah: Because I still want to invite her lunch. Saka bibigyan ko siya nitong bulaklak. I am sure magugustuhan niya ito.

Nilagay ni Regina ang kaliwang kamay niya sa kanyang likod para hindi makita ni Noah ang pagclench niya ng fist niya dahil ito ay gigil na gigil na kay Noah dahil nga sa ayaw nitong tigilan si Narda. Regina may seem very possessive to Narda, but she is only protecting her from the likes of Noah na manyakis na walang ibang gustong gawin kay Narda kundi ikama ito.

Regina: Noah, what do you want with Narda? Hindi ka pa naman masyadong kilala and you have flowers for her? Agad agad?

Regina said disgustedly. Noah inhaled.

Noah: I would also like to apologize to what I have said to her before. Because I like her and would like to court her habang hindi pa ako nauunahan sa kanya.

Lalong nagclench ang fist ni Regina sa likod niya, pero hindi nagpahalata kay Noah. Lalo na anak siya ni Mayor Zaldy at lalong mananalo lang si Zaldy laban kay Regina kapag nagkataon. Tapos natempt din siya na maganyong Valentina, pero sa kabutihang palad nagagawa na niyang kontrolin kahit na hindi pa niya tanggap na siya ay si Valentina. Muntik na niyang palayasin si Ali dahil sa itinago niya ang katotohanan, pero since si Narda ay pumasok sa kanyang isip nun hindi niya pinalayas si Ali. In short, Regina just discovered last year that she was Valentina. But she had been winning several cases, which is why it took long before she became Valentina again. She slowly is accepting this ability. Since she met Narda, she promised to protect her from whoever wants to hurt her.

Regina: And paano ka nakakasiguro na single pa siya? Did you ask her about it?

Tugon ni Regina habang pinipigilan ang kanyang galit. Luminga si Noah, habang si Regina ay nakafocus na hinihintay ang kanyang sagot.

Noah: Hindi. Pero nagpatulong ako sa friend kong si Andre na ilakad ako sa kanya.

Naginhale exhale si Regina sa tugon ni tukmol, tiniis na lang ang galit na kanyang nararamdaman.

Regina: Fine. But remember, Narda has a right to choose for herself. No one owns her but her herself. So, sa kanya manggagaling ang mga sagot niya sayo. And wag mong ipilit ang gusto mo, Noah.

Ngumisi naman si Noah at hanggang ngayon sobrang kampante pa din ito na mapapasakanya si Narda. Napaduda man na baka si Regina ay lesbian at si Narda ang kanyang type, pero pilit pa ding nagpakakampante.

Darna and the Ageless OnesWhere stories live. Discover now