Chapter 43 (the first official date --- the confession)

1.5K 45 8
                                    

              “Yumi ready ka na ba?” tanong ni Ythan kay YUmi na nasa itaas naghahanda sa lakad nilang dalawa.

          Habang si Ythan ang napag-utusan ni Yumi na magligpit sa ginawa nilang kalat sa kusina.

          Wala namang magawa si Ythan kung hindi sumunod sa utos ng dalaga.

          “Tsk baka maging under the saya ako nito pag nagkataon” natatawang sabi ni Ythan sa sarili.

          “Naku Ythan nag-iisip ka ng ganyan  eh hindi mo pa nga nasabihang mahal mo siya”, ani ng isang bahagi ng isipan ni Ythan.

          Napalatak na lang si Ythan sa naiisip. Alam nya na kung may paligsahan sa pagiging duwag ay maging isa siya sa mga finalists.

          He has his personal reason at in due time ay maayos na niya ang mga dapat ayusin.

          This 3-day vacation with Yumi is a step closer to that time, hopefully.

          “Oh tapos ka na bang maglinis at teka Ythan may problema ba?” sabi ni Yumi ng makababa na siya.

          Napansin ng dalaga na tila malalim ang iniisip ni Ythan at ang layo ng  tingin nito habang si Ythan naman ay parang napatulala dahil sa kagandahang nasa harapan nya.

          Hindi alam ni Ythan kung ano ang nag-udyok sa kanya pero bago pa man nya naisip ng maayos ay humakbang na ng kusa ang kanyang mga paa patungo sa dalaga at sinunggaban nya ito ng……

YAKAP (kayo huh nawili sa kissing scene…)

          Kahit man lang sa yakap ko ay maramdaman mo ni Yumi ang hindi ko pa masabi-sabing naramdaman ko, bulong ng puso ni YThan.

          Kahit na nabigla si YUmi sa ginawa ng binata ay kusang gumanti siya ng yakap kay YThan. Maybe she should not be hoping for more and just enjoy what they are having at that moment.

          Hindi pa sana matatapos ang moment nilang dalawa ng biglang tumunog ang cellphone ni YUmi. Kumalas si Yumi sa yakap ni Ythan na kumunot ang noo ng ginawa nya ito.

          Napangiti siya ng mabasa kung sino ang caller nya at excited nya itong sinagot.

          “Mosh,mosh YUmi” excited na bati ng caller na walang iba kundi si Xena.

          Natawa si Yumi sa bati ng kaibigan.

          “Maganda yata ang mood mo ngayon huh” Yumi.

          “Pilit kung pinapaganda ayoko kung maBV dahil sa isang tao, sabi ni Xena na may inis sa boses.

          “NAku Xena baka mahanay kayo sa nagkaroon ng lovestory dahil sa cliché na kasabihang the more you hate the more you love” natatawang sabi ni Yumi na nakitingin sa binatang nakakunot ang noo.

          “Oh puhlease Yumi don’t say bad words. Yumi tara shopping tayo”aya ni Xena.

          Patay!! Hindi ko pa pala nasabi kay Xena na kasama ko si YThan.

          “Ahmmm Xena kasi—ah hindi ako pwede kasi---” hindi na natapos ang sasabihin ni YUmi ng agawin ni YThan sa kanya ang cellphone nya.

          “KAsi magkasama kami ngayon at nakakaistorbo ka” sabi ni Ythan na ikinapula ni YUmi.

          Anong distorbo ang tinutukoy nito?

Always the Last (Completed)Where stories live. Discover now