Chapter 27 (Nagseselos ka?)

1.7K 44 3
                                    

                 Kung nagulat si Ythan sa nakita nya ay mas nagulat si Yumi sa lakas ng sigaw ni Ythan.  Muntik ng tumakbo si Yumi palabas ng bahay ni Ythan sa takot na naramdaman nya.

            Nanginginig na si Yumi pero mas naramdaman nya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib habang si YThan ay naglalakad patungo sa kanya.

                     Hindi malaman ni Yumi kung ano ang nararamdaman ni Ythan base sa expression ng mukha ng binata.

                      Nang lumapit si Ythan kay Yumi ay mas kinabahan siya  ng tumungo ito at lumapit ang mukha ng binata sa mukha ni Yumi.

                       Napapikit si Yumi at sandali lang ay may naramdaman na siya... may mainit na bagay na dumampi sa kanyang balat.

                      Pagdilat ni Yumi ay nakita nya na may jacket na nakapatong sa kanyang mga balikat.

                Natawa si YUmi sa ginawa nya.. Naging assuming yata siya masyado at may papikit-pikit pa siyang nalalaman...

              Paglingon nya kay Ythan ay sinalubong siya ng galit na titig ng binata.

             "Ganyan mo ba siya talaga ka mahal huh Yumi at hindi mo iniisip na magmumukha ka lang tanga dahil sa kanya?" -Ythan.

            Kumunot ang noo ni Yumi ng marinig ang sinabi ni Ythan.

           "What do you mean?", tanong ni Yumi.

        "Agggggggghhhhhhhhhhhh wala", inis na sabi ni Ythan. Ayaw niyang makita si Yumi sa nakakaawang hitsura at tila pagtatakpan pa nito si Lance.

         "Bakit ka nandito?", tanong ni Lance.

        Natigilan naman si Yumi sa tinanong ng binata.

       "I was just want to ask what did I do wrong para iwasan mo ako at bakit tila galit ka kay Lance."-Yumi.

        "Hanggang kailan ka ba magpapakatanga sa Lance na yan ha Yumi. Ginagago ka na nga ay ipinagtatanggol mo pa rin siya", galit na sabi ni Ythan.

         "What? Anong ginagago ang sinasabi mo huh? at bakit naman ako gagaguhin ni Lance?"-nagtatakang  tanong ni Yumi.

             "Niloloko ka na nya Yumi sana naman kahit papaano maging aware ka", iritadong sabi ni YThan na ngayon  ay palakad-lakad sa harap ni YUmi.

            "Bakit mo naman nasabi yan na niloloko ako ni Lance?" nakakunot noong tanong ni Yumi.

            Naiinis na si Ythan sa mga reaksyon ni Yumi.

           "Bakit ba napakahirap mong paniwalaan Yumi na maari ka nyang lokohin? Ganyan mo ba siya kamahal huh?" sabi ni Ythan na nakaharap na kay Yumi.

            "Oo mahal ko si Lance at hindi nya ako lolokohin dahil pin-"

            "My God YUmi hindi lolokohin eh nakita ko yang Lance na yan last week na may kadate sa mall at sabi pa kanina ni Kimberly ay si Lance ngayon ay nagbabantay sa fiance nya"-bulalas ni Ythan.

         Nagtaka si Ythan ng hindi man lang nagreact si YUmi sa sinabi nya.

        "Alam ko lahat yan kasi nga pin-"

         "Alam mo lahat at okay lang lahat sa iyo?" napalakas ang boses ni YThan sa inis na naramdaman.

         "Will you please listen to me Ythan" naiinis na sabi ni YUmi kay Ythan.

Always the Last (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon