Chapter 16 (You always remind me... of her )

2.4K 52 1
                                    


          Natahimik na lang si Yumi pagkatapos marinig ang sinabi ni Ythan. “Hindi ba nauubusan si Ythan ng sasabihin na ikalalakas ng tibok ng puso. He’s bleeding pero ako pa rin ang inaalala nya. Haixt Ythan mababaliwa ako sa iyo”, nasa isip ni Yumi.

          Maya’t-maya ay nakita nyang ngumingiwi si Ythan kaya binilisan nya ang pagpapatakbo ng kotse ng biglang magsalita si Ythan.

          “Yumi easy lang, wala namang naghihingalo diba? ”, pilit ang ngiting sabi ni Ythan.

          Hindi na sumagot si Yumi dahil nakarating na sila sa bahay nila. Sumalubong ang ate nya na nagtataka kung kaninong kotse ang pumarada sa harapan nila na basag ang windshield. Pagkakita ni Kimberly sa kanya ay dali-dali itong lumapit.

          “Oh my God Yum, what happened to you at kaninong kotse to?”, sunod-sunod na tanong ni Kimberly.

          Bigla itong napatingin sa passenger side

            At nanlaki ang mga nito at sobrang ikinagulat ni Yumi ang susunod na sinabi ng ate nya.

          “What happened to YThan Yum? He’s so pale”,hindi magkandaugagang sabi ni Kimberly.

          Teka, teka ba’t kilala ni ate si YThan? Bago pa matanong ni Yumi ng ate nya nawalan na ng malay si YThan.

          “Tulungan mo akong ipasok si Ythan, dali.”-Kimberly.

          Pinagtulungan nilang buhatin si Ythan at ipinasok sa guest room at pinaghanda ng panlinis ng sugat ang Yaya nila.

 Nanlalamig pa rin ang mga kamay ni Yumi habang minamasdan nya ang kanyang ate na naglilinis ng mga sugat ni Ythan.

Nang natapos na ang ate nya ay doon pa lang nakahinga ng maluwag si Yumi.

          “Asus ang little sister ko masyadong nag-alala sa Mr. pahamak nya,” pang-aasar nit okay Yumi.

“Ate huh, dirty minded.”, nanghihinang napaupo si Yumi sa sofa malapit sa kamang hinihigaan ni Ythan.

Salamat sa pag-aasikaso ate huh, nadamay ka pa tuloy.”-Yumi

“Oo nga napagod ako at mas masaya siguro kung ikaw ang naglinis sa kanya Yum kasi natutukso ako eh ang gwapo,” himig pag-bibirong sabi ni Kimberly.       

“Crush mo talaga siya ate noh?”-Yumi.

          “Nagseselos ka naman biro lang yun noh alam kong sa iyo na yan”, nanunuksong sabi ni Kimberly. 

Always the Last (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon