chapter 1 - snake

34 2 0
                                    

Red

Si mama naman puro utos, alam nang dis-oras na ng gabi eh, bulong ko sa aking sarili habang naglalakad dito sa palabas ng aming eskenita.

Kase naman, alam ng alas-onse na tapos pinapabili niya pa ako ng gatas, asukal at diaper para sa kapatid kong maliit, pagrereklamo ko habang naglalakad.

Red pre, shot ka muna dito bago ka tuluyang mabadtrip, pagyayaya sa akin ng kaibigan kong si Mark na inumin ang baso ng alak na makakapag sa isang maliit na lamesa.

Naku, pre pass muna ako alam mo naman na bukas ay exam na namin, pagdadahilan ko sa kanya.

Sige na, isa lang naman eh, pangungulit nito sa akin.

Bawal talaga eh, sabi ko sa kanyang pamimilit.

Isa lang talaga, dali na, sabi nito sa akin at tumayo pa nga si Mark para lang makapagshot ako ng ipinapainom niyang alak sa akin.

Oo na, alam ko naman na hindi mo ako papa-alisin sa harap mo ng hindi ako nakakashot ng isa o dalawang alak na bitbit mo, akin na, sabi ko sa kanya at sabay ko naman na inagaw ang hawak niyang baso na may alak.

Pre, kilala mo talaga ako, sabi nito sa akin habang pinipilit kong inumin ang alak na pina-shot niya sa akin.

Salamat pre, sadyang wala lang talaga akong makasama dito sa pag inom ko eh, buti nalang nakita kita, pahabol na sabi pa nito sa akin kaya naman kaagad naman akong napatingin sa kanya mula sa pag-inda sa masakit kong lalamunan dahil sa init na hagod ng alak na pinainom nito sa akin.

Ang drama mo pre, oo na sige pagbili ko ng mga pinauutos sa akin ni mama subukan kong sabayan ka rito, sabi ko sa kanya.

Red hindi ka talaga magaling magsinungaling pre, kakasabi mo lang kanina ayaw mo uminom kase may exam ka tapos ngayon ikaw pa 'tong nagbabalak na balikan talaga ako dito ah, pang aasar nito sa akin.

Susubukan ko nga lang diba, naku ka talaga pre, lasing ka siguro no? pang aasar ko din sa kanya.

Hindi pa naman pre, nasa katinuan pa ako ngayon pre, matapang na sabi nito sa akin.

Oo na, basta subukan kong balikan ka rito lalo na't may pinapautos pa si mama sa akin ngayon eh, oh sya, mainwan na muna kita, dito na ako pre, sabi ko sa kanya at nagumpisa na ulit akong maglakad papunta sa tindahan na may kinseng hakbang pa patungo roon.

Oo pre, aasahan kita, sabi nito sa akin at nakuha pa nga nitong kawayan ako.

Matapos ang tagpong iyon ay bumili na ako ng mga bagay na pinabibili sa akin ni mama at matapos kong makabili ng mga kailangan ko ay agad naman na akong umuwi at nakita ko naman nga ulit si Mark na mukhang may kasama na sa inuman.

Pre, balik ka ah, sabi nito sa akin at ako naman nakuha ko nalang ngumiti at habang papauwi na ako. 

Red aba bata ka, ang tagal mo naman oh, kanina pa kami naghihintay ng kapatid mo rito eh, rinig kong pang aasar na reklamo sa akin ni mama at nakita ko din na nakangiti ang kapatid kong maliit sa akin.

Ma, ang dilim kaya sa daan, pagdadahilan ko sa kay mama.

Oh, sya akin na nga yan at ituloy muna ang pagtulog mo, sabi nito sa akin kaya naman kaagad naman akong napangiti ng malawak.

Ah, ma pwede, labas muna pala ako, sabi ko kay mama.

Oo pwede naman basta mag inggat ka ah, yung oras Red tignan-tignan mo ah, pagpapa-alala ni mama sa akin bago pa ako tuluyang makatayo sa pagkakaupo ko ngayon.

Opo ma, pagsang-ayon ko kay mama at bago pa ako umalis ay nakuha ko pa ngang kissan ang kapatid kong tatlong taong gulang.

Mark, pagtawag ko sa kanya matapos kong makita ang kanyang malakawak na ngiti.

MR. GOOD BOY (BL) ✓Where stories live. Discover now