chapter 30 - finale

6 1 0
                                    

Red

Opo ma, maayos naman na po ako mabuti nga po andyan sina Tito Emmanuel para tulungan kami ni baby Rev na magbantay sa amin, sabi ko kay mama habang naka-video call kami pareho dito sa loob ng ospital katabi ng higaan ni Karl.

Mabuti naman mga anak,, malaking utang na loob ko itong ginawa ni Sir Emmanuel sainyo, mag iingat kayo sa susunod ah, sabi sa akin din ni mama.

Kung tatanungin ninyo kung nasaan na si Kuya Kevin?

Nagbabayad na siya sa kulungan, matapos kase ang insidente ay kusang loob din itong sumuko at nakipag usap kay Tito Emmanuel at sinabing wala itong maiharap na lakas ng loob sa akin at makausap ako.

Aaminin ko napatawad ko na si Kuya Kevin sa ginawa niya pero itong lalaking katabi ko hindi mawawala ang galit niya siguro sa kapatid niya.

Umayos ka nga dyan Karl, andyan pa si mama oh, inis na sabi ko sa aking katabi ngayon na si Karl.

Araw na ngayon ng sabado at isang linggo na ang nakalilipas ng nangyari sa aming buhay ni Karl.

Aysus, kayo talagang mga bata kayo, mga anak, hahayaan ko kayong gawin ang gusto ninyi basta baby Rev ay bantayan at inggatan niyo din dyan ah, paalalang sabi sa amin ni mama.

Opo tita, ah, eh, tita, diba po ba nagkausap po tayo noong nakaraan na magpapa-alam lang po akong kung pwede po bang ligawan si Red, ano po ba masasabi ninyo doon? biglang sabi ni Karl kay mama at ang kanyang tingin ay pumunta rin sa akin.

Ay naku mga anak, Karl, ikaw na ang bahala sa lalaking yan mukhang ayaw din naman maghanap ng babae eh, haha, pang aasar ni sabi sa akin ni mama.

Hindi naman ma sa ayaw ko maghanap ng babae, hindi ko pa kase yan iniisip, sabi ko naman kay mama.

Aysus bakit ka mahihiya andyan naman si Karl, Karl iho, alagaan mo yang anak ko ah, hangga't wala pa dyan si tita eh pwede ninyong gawin ang lahat ng gusto ninyi basta si baby Rev, pareho niyong alagaan ah, sabi sa amin ni mama.

Opo ma, sabi ko naman rito.

Opo tita, wag po kayong mag alala, ako na po ang bahala sa prinsesa ninyo, sabi ni Karl sa akin sabay yumakap sa aking bewang.

Oh, sya, bababa na ako, may gagawin na ako rito eh, sige mag ingat kayo dyan yung paalala ko wag na wag ninyong kakalimutan ah, bye bye kiss kiss, haha, sabi sa ni mama.

Opo tita, bye bye din po ingat kayo po dyan, magalang na pagkakasabi Karl at ako naman itong kumakaway lang kay mama.

Ikaw alam mo para kang sira alam mo yun, kainis ka talaga kanina, sabi ko kay Karl ng makababa ng tawag si mama sa amin.

Bakit? ayaw mo ba? tanong naman nito sa akin.

Ayaw ko pa muna, ikaw nagiging wild kana ah, sabi ko naman sa kanya.

Wild talaga, isang linggo ba naman kitang hindi nakita, naamoy at nayakap man lang eh, malambing na pagkakasabi nito sa akin.

Oo na sige na magpagaling ka muna puro ka kulit kase eh, sabi ko naman sa kanya.

Magpapagaling ako basta kiss mo ako, parang bata na pagkakasabi naman nito sa akin.

Aba, akalain mo may isang pasyente pala dito na demanding, pang aasar na sabi ko sa kanya.

Demanding kaagad hindi ba pwedeng lambingin mo naman ang mister mo, pang aasar din na sabi nito sa akin.

Para kang sira, sabi ko naman sa akin pero nagulat ako mula sa sunod niyang ginawa sa akin dahil kinuha niya ang aking ulo at inilapit ito sa kanya dahil para magkahalikan kami.

MR. GOOD BOY (BL) ✓Where stories live. Discover now