chapter 7 - accident

3 0 0
                                    

Red

Red, nainlove kana ba dati? biglang tanong sa akin ni Karl sa akin habang binabagtas namin ang daan papunta sa bahay namin.

Oo malamang bat mo natanong, sabi ko sa kanya.

Wala lang, napansin ko lang ang busy mo kasing tao eh, sarap mo alagaa- este sarap mong gayahin eh, kaya idol kita eh, nauutal pang sabi sa akin ni Karl.

Hoy, ano ka ba Karl, ganun lang talaga ako, ikaw din naman eh, sabi ko sa kanya.

Idol mo? tanong nito sa akin.

Hindi, mabait, maalalahanin kaya nga siguro maraming nagkakagusto sa'yo eh, hahaha, pang aasar ko sa kanya.

Ganun ba yun? eh, isa lang naman gusto ko eh, rinig kong sabi niya sa akin kahit hinaan niya ay madali kong naririnig lahat ng sinasabi niya dahil wala naman pala kaming suot na helmet.

Mahal na mahal ko yun Red, siguro hangga't kasama ko pa siya inggatan ko siya, pahabol pa nito.

Aba, ang swerte niya naman siguro para sa'yo, ako hayaan ko na lang muna ang tadhana na lumapit sa akin ang taong pwedeng pumasok sa puso ko, seryosong sabi ko.

Ganun ba, so pwede ba akong kumatok? hahaha, knock, knock, haha, sabi nito sa akin at nagawa niya pa ngang mag tunog kumakatok at tumatawa sa sinabi ko.

Siraulo ka talaga, ituon mo na nga lang yang atensyon mo sa pagmomotor, sabi ko naman sa kanya.

Nang matapos kaming nag asaran buong oras sa byahe ay nasa tapat na kami ngayon ng bahay namin.

Masasabi kong maykalakihan lang ang bahay namin, taga Laguna kase kami at mukhang malaki ito dahil tatlong lang naman kami dito nina mama, si papa kase ay nakatira sa Makati malapit sa pinagtatrabuhan niya.

Ah, Karl salamat nga pala ulit dito ah, hayaan mo bilanggin mo lang muna yung mga utang ko sa'yo at sabay sabay ko nalang din yun babayaran, sabi ko sa kanya.

Anong utang, kaibigan na kita bat pa kita sisingilin, magiging panatag lang talaga kase ako kapag alam kong ligtas at nasa maayos na kalagayan ka kase maha- di na natapos ni Karl ang kanyang sinasabi sa akin dahil bilang sumingit si mama na kakalabas lang ng bahay namin.

Red, buti naman at nakauwi ka nang bata ka, sabi sa akin ni mama.

Opo ma, may group activity lang po kase ginawa kaya mukhang ginabi kami, pagdadahilan ko kay mama.

Ganun ba o baka naman nakipag basag ulo ka nanaman ah, nakikita ko, ayan oh, sabi ni mama sa akin at tinuro ang nasa noo ko.

Naku, ma, hindi yan basta bukol na galing sa pakikipagbasag ulo ko, may aksidente kanina sa groupings namin nautog ako at hindi sa sahig kundi sa digding ang dilim kase doon sa theater room namin, pagdadahilan at pagkukwento ko kay mama, tinignan ko din si Karl kung naniniwala soya sa mga pinagsasabi ko at mukha naman paniwalang paniwala ang tukmol.

Ah ganun ba, naku malamig na dyan sa labas mga anak, pasok na kayo sa loob, alam mo bang pinuntahan ka pa nyan ni Karl dito at hinanap pero dahil wala ka pa, pinahanap na din kita sa kanya, sabi sa akin ni mama habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay nina Karl.

Hinanap mo pala talaga ako ah, mahinang sabi ko sa kanya.

Oo, dumaan ako sa mga buong building at room ninyo eh, haha, sabi sa akin ni Karl.

Siguro nga ang akala kong security guard kanina na nung nasa loob kami ng court ni Victoria ay posibleng si Karl lang pala iyon, isip isip ko.

Nang makapasok na kami sa loob ng aming bahay pinaghanda kami ni mama ng hapunan namin ni Karl. Sabay naman kaming kumain ni Karl, kahit alam kong kumain na kami pareho ni Karl sa labas, nakikita ko na gustong gusto niya ang nilutong minudo sa amin ni mama. Matapos din kaming kumain ay narinig kong nagprisinta si Karl na siya nalang daw maghugas ng pinggan namin pero pinigilan ko siya.

Hindi, ako na, bisita ka namin Karl atsyaka hinatid mo na nga ako dito eh, magpahinga ka muna sabi ko sa kanya.

Hindi nakakahiya kay tita, atsyaka gusto ko din naman kase talagang makasiguro na makakauwi ka ng ligtas Red, may sensiridad na sabi nito sa akin.

Ay naku mga, anak, hayaan niyo na muna yan dyan magpahinga muna kayo, lalo kana Karl, salamat talaga ah at hinanap mo yang pasaway kong anak, pinahirapan ka ba niya anak? tanong ni mama kay Karl.

Hindi naman po tita, seryosong sabi ni Karl kay mama.

Ma, pagtawag ko kay mama.

Oh, anak, sabi nito sa akin.

At kailan mo pa naging anak yan si Karl? pang aasar na tanong ko kay mama.

Ay naku, napakabait na bata yan si Karl, alam mo kanina pumunta nga yan dito, hinahanap ka, alalang-alala sa'yo kase di ka pa daw nauwi, eh, buti nalang anak andyan siya at hinahanap ka kung saan ka mang lupalop na punta, sabi sa amin ni mama.

Ah, ganun ba ma, iba ka talaga Karl, nag alala ka pa talaga sa akin at hindi sa motor mo ah, mukhang di nakaayos par ang motor natin sa labas ah, pang aasar ko kay Karl at siya naman 'tong agad namang napatingin sa labas upang tignan kung saan niya ba pinark ang motor niya.

Ay oo nga po pala, ah tita salamat nga po pala sa hapunan, siguro po mauuna na po ak- pagsasalita ni Karl ngunit hindi na ito pinatapos pa ni mama.

Aba anak, dito kana mag pahinga, ayusin mo nalang muna ang motor mo sa labas at balik ka dito para dito kana muna tumuloy ng gabi, pasasalamat kk na din yun saiyo anak, sabi ni mama kay Karl.

Ah, tita nakakahiya naman po ata kas- sabi ni Karl.

Ay naku, anak wag kana mahiya magtatabi naman kayo ni Red sa kwarto niya diba anak? biglang sabi ni mama sa akin.

Ah eh, oo Karl magkasama naman tayo sa kwarto ko, atsyaka wag kana mahiya pareho naman tayong lalaki eh, walang malisya doon, sabi ko rito.

Ah, sige po, ang hirap po na tumanggi sainyo, sige po itetext ko nalang po ang dad ko para po magpaalam at ayusin po yung motor ko po sa labas, sabi nito sa amin.

Sige lang, Karl, sabi ko sa kanya.

Dahil lumabas na nga si Karl at naisipan ko ng hugasan ang mga pinagkainan namin ni Karl kanina pero bago pa man akong pumunta sa kusina ay nakita ko naman si mama na nakatingin sa telebisyon namin habang nakangiti, ang weird lang ng ngiti niya, sa isip-isip ko habang naglalakad.

Bago pa man ako matapos maghugas ng pinggan ay naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa aking bewang.

Red, tulungan na kita dyan oh, sabi nito sa akin.

Hindi na, matatapos na din naman ito oh, tignan mo pa, atsyaka after nito aakyat na tayo sa taas para magpahinga, sabi ko sa kanya.

Hindi may gagawin pa tayo, bago tayo matulog, biglang sabi sa akin ni Karl.

Huh? ano, hoy Karl ikaw ah ang.. hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng tawagin ni Karl si mama para magtanong kung may yelo daw ba kami.

Ah tita may yelo po ba kayo dyan, kanina po kase sa bakery pumunta kami wala po akong nabili para po sana bukol ni Red sa kanyang noo po tita, rinig kong sabi ni Karl.

Ah oo anak, meron dyan kuha ka lang sa ref, may ice cube dyan, sabi naman sa kanya ni mama.

Hay, nag abala ka pa, ayos lang, sabi ko sa kanya.

Tignan mo kaya ko naman eh, natapos ko na nga 'tong
hinuhugasan ko eh, ayos lang, sabi ko kanya pero kase sa totoo lang nahihiya ako kase iba yung treatment niya para akin para bang special ako kanya.

Hindi, wag ka ngang magmatigas pa dyan, upo ka dito sa lamesa at kukuha lang ako ng yelo para dyan sa bukol mo, paiimpisin natin yan, rinig kong sabi nito sa akin.

Bahala ka, di naman 'to malala eh, oa ka lang talaga, sabi ko sa kanya.

Akala mo naman gf mo ako, biglang pahabol na sabi ko kay Karl kaya nagulat ako ng biglang napatingin siya sa akin pati si mama na abala lang kanina sa panonood sa telebisyon.

Vote, Comment and Share
paaooloo

MR. GOOD BOY (BL) ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang