chapter 4 - jealous

4 1 0
                                    

Red

Haybohay na 'to gumising ako ng maaga ngayon dahil may morning classes ako na tatlo tapos sa hapon isa.
Ang saya talaga maging college student, araw araw ka talagang isasakay sa mala-rollercoaster na ride, isip-isip ko habang kumakain ngayon ng maling at kanin na almusal ko.

Anak, yung uniporme mo na plantsya ko na ah, paalala sa akin ni mama.

Si mama at ang kapatid kong si Rev kase ang kasama ko dito sa bahay si mama ay isang online seller at ito naman kapatid kong si Rev isang taong gulang palang.

Ang papa ko ay nagtatrabaho sa isang companya sa Makati at ako isang first year college student ng ABPhilo sa isang pampublikong unibersidad dito sa Maynila dahil sa sipag at tyaga ko eh, nakapasok ako sa isang pampublikong unibersidad dito sa amin kaya naman hindi na ako masyadong nahihirapan para makapag aral.

Anak, bumisita nga pala ang tita mo Aida mo dito kahapon, maraming siyang nakwento sa akin at nasabi lalo na nag iisa niyang anak niyang lalaki si Randell yung pinsan mo dati na lagi mong kalaro at inaasar na bading, sabi sa akin ni mama.

Naku, anak, naiinis daw ang tita mo kay Randell dahil pumatol ito sa kanya kapwa lalaki, alam mo naman yun si tita mo relihiyoso, ayaw niya nangmakakita ng ganung bagay labag daw yun sa kautusan ng panginoon.

Naku, nagpunta daw kase ang boyfriend nitong si Randell sa bahay nila para ipaalam si Randell para lumabas ng gabi.

Nakita pa nga daw ni tita mo na habang lalabas ng bahay magkahawak pa daw ang kamay ng mga ito, mahabang pagsasalaysay ni mama at mukhang nandidiri din talaga.

Ah, ganun ba ma, wala na akong ibang nasabi sa kanyang sinasalaysay at nakita kong reaksyon mula sa kanya.

Wala din naman kase akong alam sa mga ganyang bagay ng mga kabaklaan basta ang alam ko lalaki ako at di ako kailan man papatol sa kagaya kong lalaki.

Sadyang nag aaral lang talaga ako ngayon para makapagtapos ng pag aaral at maiahon sina mama sa kahirapan namin.

Kaya ikaw, wag kang gagaya sa pinsan mo sainasabi ko sa'yo, itatakwil ka talaga ng buong angkan natin sige ka, panakot na sabi sa akin ni mama.

Si mama naman, wala lang akong jowa bading na kaagad, hindi ba pwede gusto ko muna alisin kayo dito sa bahay natin na tagpi-tagpi bago ako mag karoon ng karelasyon, may senseridad na sabi ko kay mama.

Tama ka anak, salamat ah, sabi sa akin ni mama.

Hindi mo talaga ako binibigo, lalaking lalaki ang datingan mo, pahabol pa na sabi sa akin ni mama.

Oh sya ma, maligo muna ako ah, sabi ko kay mama habang nagbabantay kay Rev.

Sige na anak mag asikaso kana at pagpapasok ka pa, sabi namn sa akin ni mama.

Nasa loob ako ngayon ng aming CR at di ko maiwasan na isipin na ang hirap pala talaga ang maging bading, kahit mabait na tao yung si Randell nilalait pa din siya, hindi lang ng ibang tao pati mismo ng kanyang mga kamag anak, naawa tuloy ako sa pinsan ko na yun, basta ako itatatak ko sa isipan ko maubos ang mga babae dyan sa labas, hinding hindi ako papatol sa lalaki, tatandaan ko yan, malalim na pag iisip ko habang naghihilod na ng aking katawan.

Ayoko malait ako at isuka ako ng mga kamag anak ko dahil lang nagmahal ako at hinyaan ko ang sarili kong maging bading sa isang lalaki, pahabol ko lang naisip habang nag totoothbrush at nakaharap sa salamin.

Matapos kong maligo ay agad na din naman akong lumabas sa aming CR baka may iba pa akong magawa, mahirap na't baka mahuli pa ako sa aming unang klase.

Matapos kong magbihis at maglagay ng pabango sa aking suot na kulay puting uniporme ay kaagad na akong lumabas ng aming bahay at dahil nga maaga pa, madali naman akong nakahanap ng sasakyan para paputang unibersidad na pinapasukan ko.

MR. GOOD BOY (BL) ✓Where stories live. Discover now