Eighteen: Oh Sehun's World

939 45 4
                                    

||CHANYEOL and SEHUN at the multimedia|| ChanHun

ENJOY READING.

-------
Sehun's POV

"I'm back. The Evil Maknae is back, Hyung..."

Nakatingin lang sila sakin na parang nakakita sila ng multo. Tss. Halos dalwang araw lang naman akong nawala kung makareact naman ang mga 'to.

Naupo ako sa kanan ni Baekhyun hyung, dun may space eh. At sa kanan ko, nandun siya. Naghintay pa ako ng ilang minuto. At nagsisimula ng magwala ang hormones ko. Naasar na ko ha. Kapag hindi pa sila---

"S-sehunnie?" Hay salamat bumalik na sila sa mga sarili nila.

"Bakit ba ganyan kayo makatingin? Hindi na ba ako pwede dito sa bahay sabihin niyo lang." Bored kong sabi. Pero walang pumansin sa sinabi ko.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit ka nagblack hair?" Tanong ni Chen hyung.

Mukhang nakabawi na silang lahat. Normal na ulit ang itsura nila.

"May batas bang nagsasabi na 'Bawal magblack hair si Oh Sehun' ?" Bara ko kay Chen hyung. Well this is me. Evil.

"Bumalik na nga ang Evil Maknae. Sama na ulit ng ugali eh. Psh." Rinig kong bulong ni Kai.

"Hoy. Kim Jongin! Kung bubulong ka siguraduhin mong hindi ko rinig." Sabi ko at nagpoker face.

"Part of moving on mo ba yan? Magbago ng hairstyle. Bagay sayo ha." Natatawang sabi ni Tao.

"Bakit naman ako magmomove on? Hindi naman ako broken hearted. Gago 'to."

"Oh Sehun. watch your words." May pagbabanta sa boses ni Suho hyung. Papalag pa ba ako? Huwag na uy, sayang bubble tea.

"Sorry na, Gramps." Napailing na lang si Suho hyung. Actually, ako lang ang nakakatawag sa kanya ng Gramps eh. Gwapo ko kasi. *wink

"Kamusta na nga pala sa inyo? Naayos na ba?" Tanong ni Luhan hyung. Buti na lang sanay pa rin akong imaintain ang poker face look ko.

"Oo. Ayos na." simpleng sagot ko.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Baekhyun hyung na nasa tabi ko.

Hindi ko alam pero parang may ibang kahulugan yung tanong niya.

"Wala. Namiss lang ni Mama ang pinakagwapo niyang anak." Sagot ko kay Baek hyung at pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at niyakap siya.

"Sehun, simpleng chansing ah." Asar sakin ni Luhan hyung. Noong una, crush ko talaga si Baekhyun hyung. Ang cute niya kasi kapag ngumingiti siya. Tapos para pa siyang babae kung kumilos. At ang ganda ng boses niya.

"Mas maganda kasi sayo si Baekhyun hyung." Asar ko pabalik kay Luhan hyung.

Sumimangot naman si Luhan hyung. Hinarap ko si Baekhyun hyung at nakita kong namumula ang pisngi niya. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

Bigla na lang umalingawngaw sa living room ang isang mala engkantong galing sa ilalim ng lupa na boses. "Ang ingay naman, alam ng may nanonood eh. Tss." Sino pa ba? Edi si Park fcking Chanyeol the asshole.

Bigla siyang tumayo at umakyat sa 2ndflr. Problema nun? Bahala siya. Nagseselos kaya siya? TING! May naisip ako bigla. Hindi ka lang gwapo Oh Sehun, matalino ka pa.

---

Katatapos lang namin magdinner. And guess what, ako lang naman ang pinaghugas nila ng plato. Dahil ako daw ang nakatoka kahapon pero dahil hindi daw ako umuwi kaya ngayon eto ako, gigil na gigil sa mga plato.

"Alam mo Sehunnie..."

"Ay.Mukhang.Babae.Si.Luhan.Hyung!" Sigaw ko. Pagtingin ko sa likodan ko nakita ko si Luhan hyung na nakapout.

"Manly kaya ako." sabi niya habang nakapout pa rin at nakacross arm. Hilahin ko yang nguso niya eh.

"Huwag ka kasing bigla biglang nasulpot kung saan saan."

NagTSS lang siya bago umupo dun sa sa may kitchen counter. tinuloy ko na ang paghuhugas ko, binabanlawan ko na naman ang mga plato eh. Konting tiis pa Sehun patapos ka na.

"Sehunnie..." Pagtawag sakin ni hyung.

"Hmm?" Hindi pa rin ako nalingon.

"May mga bagay na pwede mong iwan kapag sawa ka na o ayaw mo na. May mga bagay na kaya mong iwasan pero hindi mo pwedeng takasan..." Napakaseryoso ng boses ni Hyung. Napatigil ako sandali sa paghuhugas. Magsasalita na sana ako ng ituloy niya ang sasabihin niya.

"Lalo na ang paghuhugas ng plato. HAHAHAHAHAHA!"

Nilingon ko siya. Tangina. Ayos na eh, akala ko seryoso na siya. Halos mangiyakngiyak naman siya sa pagtawa with matching hawak sa tiyan at nganga kung nganga na makita ko na esophagus niya.

Dahil sa inis ko binato ko siya ng basahang nahagip ko dito sa may lababo. Boom Sapol! Hahaha. Sapol na sapol sa mukha niya kaya napatigil siya sa pagtawa. Ako naman ang tumawa ng malakas. HAHAHAHAHA!

Nang medyo kumalma na ako, tiningnan ko ulit siya.

"Ayos ka nang hayop ka? Sarap ng basahan ha? Pakain ko sayo minsan." sabi niya.

"Pfftt. Sorry na Luhannie. Ikaw naman kasi eh. Hahaha!" Tumayo siya at lumapit sa akin. Medyo nagulat ako ng niyakap niya ako pero agad din naman akong nakabawi. I hugged him back.

"Namiss kita, Sehunnie." Napangiti ako sa sinabi niya. Matagal na rin mula nung magbonding kaming dalawa nitong bestfriend ko. Masyado kasi akong naging abala sa feeling ko para kay Chanyeol hyung kaya nawalan ako ng oras para kay Luhan hyung.

"Ako rin, namiss din kita Luhannie." kumalas na kami sa yakapan namin.

"I'm glad that Oh Sehun that I used to know is back. The Evil Oh Sehun is back. Pero huwag sanang masobrahan.." nakikita ko sa mga mata niya ang saya, lungkot at takot.

I cupped his face. "Magiging okay lang ang lahat, Hyung. I know that 'too much can kill you'. Lahat ng sobra ay masama kaya sasaktuhin ko lang sa 99.9% ang evil side ko. HAHAHAHA!"

"Psh. Bahala ka dyan. Aakyat na ako, hinihintay na ako ni Minseok." then he grin. alam na dis. Tinanguan ko na lang siya at naggoodnight na kami sa isa't isa.

After few minutes, natapos na ako sa paghuhugas. Pinatay ko na ang ilaw sa kusina at sa sala. Umakyat na ako sa kwarto ko. Roommate ko nga pala siya. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto.

Bukas ang ilaw pero wala siya sa kama niya. Pero bigalng nagbukas ang pinto sa banyo at lumabas si Chanyeol hyung only with his towel covering the lower part of his naked body. Bagong ligo siya. Mukhang nagulat siya pero agad ding nakabawi.

Pumasok na ako ng tuluyan at dumiretso sa kama ko.

"So.. you're back. Bumalik ka ba agad cause you already want to pleasure me?" Napatingin ako sa kanya. Walang emosyon ang mata niya but he's grinning.

Ano ba talagang plano mo Park Chanyeol? Pero kahit ano pa man yan, wala na akong pakialam.

Walang pumapasok sa mundo ni Oh Sehun ang hindi nasasaktan. Emotionally. Mentally. Psychologically. Physically. Poor you, Park Chanyeol, cause you are my target right now.

---To be Continued---

A/N: Sorry kung hindi ako nakaupdate kagabi. Mahirap magsulat kapag sobrang sakit ng ulo mo. Pasenya na rin kung ganyan ang kinalabasan. Hahaha.

-ChanHunsBae

✔️|BOOK I| Oh Sehun's PAIN [EXO ChanHun] [BOYxBOY]Onde histórias criam vida. Descubra agora