Forty One: COLD

824 43 15
                                    

Sehun's POV

Isang linggo na ang nakakalipas mula nung nangyari sa pagitan namin nina Umin hyung at Luhan hyung. Okay na naman ang lahat kaso hindi pa rin ako kinakausap ni Umin hyung. Hinahayaan ko na lang muna siya, alam kong nasasaktan pa rin siya kaya siya ganun.

At isang linggo na ring cold sakin si Chanyeol hyung. I tried to approach him pero lagi siyang may excuse saka lagi rin siyang umaalis. Hindi kaya nambababae na siya? No, stop thinking nonsense Oh Sehun. Pero kinakabahan talaga ako sa kinikilos niya. Paano kung ayaw na niya sakin? Paano kung nakahanap na siya ng iba? Paano kung nagsawa na siya? Ang dami kong tanong na siya lang ang makakasagot pero paano masasagot ang mga tanong ko kung iniiwasan niya ko?

Sa pagkakatanda ko naman wala naman akong naging kasalanan sa kanya. Teka, meron ba?

"Si Chanyeol, nagseselos siya kaya siya ganyan. Kiniss kasi kita kanina. Hihihi."

Naalala ko bigla yung sinabi ni Baek hyung sakin ng dumating ako dito sa dorm. Dahil pa rin kaya dun? Hindi na kasi namin yun napag usapan kasi nga iniiwasan niya ako.

Napagdesisyunan kong kausapin ulit ngayon si hyung. Hindi ko dapat pairalin ang pride ko ngayon kasi ang pride pinanlalaba hindi inuugali.

Ng nasa tapat ng ako ng kwarto ni hyung ay sumilip ako dahil nakabukas ng konti ang kwarto niya.

"I'll... I'll fix this..." Rinig kong sabi ni hyung sa kausap niya sa phone.

"....."

"Oo na. Iiwan ko din siya. Just... Just give me some more time.."

"....."

"Okay. Bye."

Hindi ko alam pero eto na naman yung kaba sa dibdib ko. A-Ako ba yung iiwan niya? Hindi na ba niya ako mahal? May nagawa ba ako?

Hindi na ako tumuloy sa balak kong kausapin siya. Para kasing hindi ko kaya? Na umurong lahat ng tapang ko? Natatakot ako na sabihin niya na hihiwalayan na niya ako. Hindi ko ata kakayanin kapag iniwan niya ako, masyado ko ng siyang mahal para mawala siya sakin.

Napabuntong hininga ako at bumaba na ulit.. Umupo ulit ako sa couch at pinilit kong itinuon ang atensyon ko sa palabas sa tv pero kung nanadya nga naman. tss. Ang scene kasi ay iniwan nung lalaki yung bidang babae para sa iba. Yung takot na nararamdaman ko kanina ay parang naging triple pa ata. Nilipat ko ang channel habang pinipindot ko ang remote ay nakita kong pababa si Chanyeol hyung na para siyang nagmamadali.

Tumayo ako, gusto ko siyang tanungin kung saan siya pupunta. May karapatan naman ako di ba? Kasi boyfriend niya ako.

"Chanyeol hyung, saan ka---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Pakisabi na lang kay na Suho hyung na baka gabihin ako ng uwi atska hindi ako dito magdidinner. I need to go." Sabi niya at lumabas na. Nakakainis siya, ni hindi man lang niya inisip kung anong nararamdaman ko ngayon. Umupo ulit ako at parang lahat ng energy ko ay nawala. Pero may tiwala ako kay hyung.

"Anong mukha yan?" Napalingon ako kay Baek hyung na nakapamaywang sa may hagdan.

"Si Budoy kasi eh..."

"Bakit? Hindi ka pa rin ba pinapansin ni Yeol?" Tanong niya habang lumalapit sakin.

"Anong kinalaman dun ni Budoy?" Takang tanong ko sa kanya.

"Di ba ang tinutukoy mong Budoy ay si Yeol?" Kunot noo na tanong niya. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko.

"Hindi. Si Budoy yang nasa tv..." Turo ko sa tv na ang palabas ay 'Budoy'. "...naiinis ako sa itsura niya. Ang laki ng ngipin eh." Bored kong sabi sa kanya.

"Tss. atleast mabait at matalino si Budoy."

"Thankyou. Alam kong gwapo ako." Inirapan na lang niya ako dahil sa sinabi ko.

-

Katatapos lang namin maghapunan at si Chanyeol hyung ang nakaduty na maghugas ng plato ngayon. Pero katulad nga ng sabi niya kanina, hindi naman siya kasabay madinner kaya nag jack 'n poy kami kung sino ang maghuhugas. And fortunately, hindi ako yun, si Tao.

Naandito kaming lahat sa living room and we're talking about random things.

"Maknae, saan daw ba kasi pupunta si Chanyeol?" Tanong sakin ni Lay hyung. Nagkibit balikat na lang ako at ininom ang bubble tea ko na pinilit ko pang ipabili kay Suho hyung.

"Hindi pa rin ba kayo nag uusap?" Tanong naman ni Chen hyung.

"Obviously not yet." Sagot ko naman.

Magsasalita pa sana si Chen hyung ng biglang bumukas ang pinto. Si Chanyeol.

"Speaking of." Sabi ni Kris hyung.

Nakatingin lang kami kay Chanyeol hyung at ganun din siya. Siya ang unang nagbawi ng tingin at umupo sa tabi Chen hyung sa lapag. Bakit hindi sa tabi ko? Wala naman akong katabi sa kanan ko eh.

"Saan ka galing Yeol?" Tanong ni Kyungsoo. Tumayo naman si Chanyeol hyung at dumiretso sa hagdanan. Tumigil siya at sinagot si Kyungsoo hyung.

"Kay Papa." Tipid na sagot ni hyung at umakyat na ng tuluyan.

"Anong--" hindi na natapos ni hyung ang sasabihin niya ng biglang may kumatok sa pinto. Malas ni Chen laging hindi matuloy tuloy ang sasabihin.

Nakatingin silang lahat sakin na parang sinasabing ako yung magbukas ng pinto. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo para buksan ang pinto. Ako kasi ang pinakamalapit.

Binuksan ko ang pinto ng sobrang laki yung tipong kita na niya ang sala namin at kita na nina hyung yung bisita.

Nakita ko ang isang babaeng tama lang ang height, medyo bilugan ang mata, mahaba ang buhok at maganda siya.

"Yes?" Tanong ko habang medyo nakakunot ang noo.

"Ahm. I'm here for Chanyeol." Parang nahihiya niyang sabi.

"Eh miss sino ka ba?" Tanong ni Luhan hyung. Ngumiti naman yung babae bago sumagot.

"I'm Moon Gayoung. Chanyeol's fiancée."

---To be Continued---

Same routine guys, vote and comment kayo.

#09-08

✔️|BOOK I| Oh Sehun's PAIN [EXO ChanHun] [BOYxBOY]Where stories live. Discover now