SECOND FIRST MEETING
***
HINDI MAKAPANIWALANG TINITIGAN ni Ember sa mga mata si Heneral Matro. Ang mga salitang binulalas nito kanina ay labis na nagpatigil sa kanyang mundo. ‘Nagbalik na naman siya?’ Marahan niyang itinaas ang isang kamay para masahiin ang kanyang sentido. Sumasakit ang kanyang ulo sa kanyang mga narinig. Hindi ganitong bungad ang kanyang inaasahan para sa bago niyang tungkulin.
“Balak ko sana itong sabihin sa’yo ngayong araw pero pinatawag ako bigla ng hari at reyna. Paumanhin.” Bahagya itong yumukod sa kanyang harapan. Agad namang tumayo si Ember para i-angat ang ulo ni Heneral Matro.
“Matagal na nating inasahan na babalik din siya balang araw. Pero hindi ko inisip na mapapaaga ang kanyang pagbabalik.”
“Wala pang nakakakita sa kanya pero may nakita ang tatlo sa mga guardian na isang nasunog na bahagi ng kagubatan.”
Kunotnoong binalingan ni Ember ang heneral. “He’s burning woods now?”
“Hindi ako sigurado pero ayon sa nakita ng mga kasamahan natin ay bago pa lamang itong nangyari.”
“Pero paano nila nasabi na ang Chimera ang may kagagawan nito? What if it’s just a madman burning down trees?”
General Matro clicked his tongue. “Why don’t I take you there, visit the place and see everything for yourself?”
Napahalukipkip si Ember. Nakataas ang isang kilay niya habang nagtatanong kung mayroon pa bang hindi ordinaryong bagay ang nangyari bukod sa apoy.
“Nangagamba lang ang mga kasamahan natin dahil sa mga sunod-sunod na atake ng mga Arkion sa iba’t-ibang lugar. Mas mainam siguro na makita mo ang lugar na pinagmulan ng sunog para makompirma kung ang totoong salarin nito ay ang Chimera o hindi.”
Saglit napaisip si Ember sa mga sinabi ni Heneral Matro. Mukhang mas mainam nga na makompirma niya mismo ang nangyayari para maiwasan ang paglaganap ng takot sa kanyang mga kasamahan.
“Pero paano ang mahal na prinsesa? Hindi ko ba siya pupuntahan ngayon na?” Naalala niyang ngayong araw na mismo kinakailangan ang serbisyo niya. Isa pa, nagagalak na rin siyang makita ito sa personal. Pero agad naudlot ang kanyang kaligayahan nang magpumilit si Heneral Matro na puntahan niya ang lugar para suriin.
“Babalik din tayo kaagad. Sasabihin ko lang sa kanila na may importante pa tayong inasikaso,” pagdadahilan pa nito. Kaya wala ng ibang napagpilian si Ember. Nauna siyang lumabas ng opisina. Nasa gitna na siya ng pintuan nang muling magsalita ang heneral.
“Bago ko makalimutang sabihin, hindi ka pala rito titira sa palasyo.”
“Ano?” Sa gulat niya ay nalingon niya kaagad ito, dahilan upang hindi niya makita ang bagong taong paparating. Ember lost her balance, resulting in her falling towards the newcomer’s chest. Their bodies collided but this person held her too well and was careful that they don’t collapse to the floor.
Ember’s eyes widened in surprise, her eyeballs nearly falling off from their sockets. And taong bumangga sa kanya ay walang iba kung hindi ang mahal na prinsesa mismo. Sumasayaw sa likuran nito ang mahaba nitong kulay pilak at mala-alon na buhok. Ang mata nito ay may parehong emosyon ng sa mahal na hari, kasing lamig ng yelo. Ang kanilang mga kulay ay kasing dilaw lamang ng araw. Mga labi nitong may natural na kapulahan ay talaga namang kaakit-akit tingnan.
Napalunok ng mariin si Ember. “M-mahal na prinsesa.”
Napahawak ng wala sa oras si Ember sa mamahalin at magara nitong damit. Saglit bumaba ang tingin ng prinsesa sa kamay niyang nakakapit malapit sa dibdib nito. Sa sobrang kaba niya ay napaayos kaagad siya ng tayo at nahihiyang niyuko ang kanyang ulo.
BINABASA MO ANG
Celestial Ethereal Series #1: Chimera
FantasyThis story revolves around two women striving to prevent hell from being unleashed into their world and all the while evading the perilous and monstrous Chimera. One is a princess and the other a warrior. *** This is my first time writing a GxG genr...