DIECISIETE

39 7 0
                                    

“RETURN SAFELY.”

***

NAPUNO NG TILIAN ng mga kaibigan ni Talvi ang magarbong tavern na ni-rentahan nila. Tanging sila lamang ang mga tao sa luob dahil binayaran nila ang buong tavern na magsarado na. Matapos ang kaunting insidente kanina sa akademya ay naghanap ng maaaring kainan ang mga kaibigan ni Talvi sa bayan. At nakita nga nila ang tavern na malapit lamang din sa akademya.

Talvi may have indirectly revealed earlier that she and Ember slept together in the same room, and not just in any room--- but in Talvi’s personal chamber!

Mas nagagalak pa ata ang mga kaibigan ni Talvi kumpara kay Ember. Naiwan na naman si Ember kasama ang mga ito dahil biglang umalis si Talvi para tumulong "daw" magluto ng kakainin nila.

‘Bakit? Wala bang tagaluto sa tavern?’

“So, Ember, what happened?” Princess Stellar teasingly asked.

“Huh? A-anong ibig mong sabihing nangyari?”

Napairap ang prinsesa. “Alam kong ito pa lamang ang dalawang beses nating pagkikita pero nabasa ko na ang ugali mo.”

“Anong ugali naman iyan?” singit ni Duke Herran. Katulad no’ng nakaraan ay hindi na naman nito kasama ang kanyang asawa.

“Ugali niyang ipaulit ang mga sinasabi ng iba kahit na narinig niya na ito para makapag-isip pa ng matinong sasabihin!”

Napapatango naman sina Duke Herran at Prinsesa Nandie na para bang sang-ayon din sila sa kumento ni Prinsesa Stellar.

Si Prinsesa Nandie naman ngayon ang nagsalita. “Ibig niyang sabihin, Ember, ay kung ano ang iyong ginawa upang dalhin ka ni Talvi sa kanyang silid.”

Isa-isa niyang dinapuan ng tingin ang mga ito nang may pagtataka. “Napakalaking bagay na ba ito para sa inyo?”

“Oo!”

Sabay-sabay nilang sigaw.

“Alam mo bang kahit minsan ay wala pang kahit na sino ang nakakapasok sa kanyang silid?” usal ni Prinsesa Stellar.

“Tama siya,” sang-ayon naman ni Duke Herran, “maging ang hari at ang reyna na kanyang mga magulang ay hindi pa nakakapasok sa kanyang silid.”

“Totoo po ba ’yan? Pero bakit?”

“Hon. Laina always has this thinking about other people messing with her things. So, she avoids inviting people to her room as much as possible,” answered Princess Nandie.

“Pero may mga katulong naman sila sa palasyo. Hindi niya ba sila maaaring utusan na linisin ang silid niya?”

“No. Because I don’t like other beings touching my things,” declared a firm voice from behind. Nakabalik na pala ang prinsesa mula sa kusina at sa likuran nito ay ang mga nagtatrabaho roon, bitbit ang kanilang mga pagkain.

“Ano bang mga pinaluto mo, Laina?” kunotnoong tanong ni Prinsesa Stellar. Sunod-sunod kasi ang pagdatingan ng mga pagkain nila. “Pinaluto mo ba lahat ng mga sangkap nila sa kusina?”

“Nagutom ako kaya maari ba kumain na lamang tayo?” pagod nitong sagot.

Tumayo muna si Ember para sana ipaghila ng upuan ang prinsesa ngunit tinanggahin siya nito.

“I’m not a cripple. I can do it myself,” she firmly stated. She pulled her own chair and settled herself, with Ember left stupified beside her, wondering what she did wrong to make upset her like that.

Napansin din ito ng mga kaibigan ni Talvi. Para hindi lumala ang situwasyon ay binasag na ito ni Prinsesa Stellar nang puriin niya ang mga pagkain nila.

Celestial Ethereal Series #1: ChimeraWhere stories live. Discover now