CHAPTER 1

1.1K 26 0
                                    

"becky gising na d'yan at kakain na" sigaw ni nanay

humikab muna ako bago bumangon at nag deretsong banyo para mag hilamos at mag toothbrush, pagkababa ko ay nakahain na ang mga pagkain na niluto ni nanay

"wow ha, infairness nay sosyal tayo dito ngayon, daming ulam ha mayaman yarn" nakangiti akong biniro si nanay

"ay becky sino may sabing ito kakainin mo? yang kamote ang iyo" nakangiti nyang sambit habang nag aayos ng mga kubyertos

"nay, naman hindi magandang biro 'yan ha"

"o sya tawagin mo na ang kapatid mo para makakain na"

"sige po" sabi ko habang lumalakad palayo

papunta na ako sa kwarto ng aking kapatid para tawagin ito, i saw him seriously reading a book, dahan dahan akong lumapit sakanya para gulatin ito.

"hoy anong ginagawa mo d'yan" pasigaw kong sabi na ikinagulat naman nito

"ate, naman e, ano bang ginagawa mo dito" nakahawak sya sa dibdib dahil sa gulat

tawa naman ako ng tawa dahil sa reaksyon nito, para syang aatakihin sa puso, hindi ko mapigilan ang pag tawa dahil sa paiyak na sya, he looked like carrying the world dahil lagi syang mukang problemado.

"kakain na daw sabi ni mama, at hindi na pala kita gugulatin" nakangiti kong usal "ampanget mo kasing magulat e" sabi ko habang tumatakbo palayo

"ate, patay ka sakin mamaya, susumbong kita kay mama" pasigaw nitong sabi habang hinahabol ako

mahirap lang kami pero medyo malaki ang bahay namin dahil ito ay pamana pa ni lola, naghirap kami dahil sa bisyo ang aking ama at hindi naman gaanong kalaki ang sinasahod ni nanay.

naabutan ako ni yuki kaya naman sabay kaming tumatawa habang papuntang kusina, nakita namin si nanay na mukang problemado na naman kaya tinanong namin ito

"nay, bat ganyan na naman muka nyo? may problema ba?" sabi ko

"wala naman beck, kain na tayo" malumanay nyang boses

hindi na kami nag atubiling tanungin ulit si nanay kasi itatanggi lang naman nito, umupo na kami at kumain.

tinanong ko si nanay kung nasaan si tatay at wala na naman ito "nay, nasan si itay? bakit wala na naman sya, hindi ba sya sasabay sa pagkain?
" tanong ko kay inay habang ngumunguya

"nako beck, alam mo naman ang iyong itay, makakita lang ng baraha e busog na"

"nay hindi naba talaga magbabago si itay?" sabat ni yuki "lubog na tayo sa utang nay, naghihirap na tayo tapos pinangsusugal nya lang halos kalahati ng sinasahod nyo"

"nakakaahon naman tayo kahit konti, medyo mababa nga lang ngayon sinasahod ko kaya hindi agad tayo makaahon sa hirap, pangako ko sainyo pag lumaki na sahod ko ibibili ko kayo ng mga gusto nyo" nakangiti syang nakatingin saamin

"nay, sabi ko naman sainyo magtratrabaho na ako, kaya nga tumigil ako aa pag-aaral para hindi na tayo masyadong naghihirap sa pag bubudget e" mahina kong sabi sakanya

napatingin naman si nanay sakin at ibinaba ang mga kutsara na hawak nya "becky, kaya mo ba talaga? mahirap mag trabaho anak, nag aalala lang ako sa'yo"

"oo naman nay, kayang kaya ko" nakangiti kong sagot kay nanay, bumaling naman ang paningin ko kay yuki at sinabihan ito "ikaw naman yuki, pagbutihin mo ang pag aaral mo"

hindi naman ako nag aalala sa grado ni yuki at matalino ito, top student sya at deans lister kaya medyo nakakaahon din kami sa hirap, ang nagiging problema lang namin ay ang pagbabayad ng ilaw at tubig tsaka ang mga utang ni tatay dahil sa sugal, hindi kasi minsan nag kakasya ang sinasahod ni nanay kaya naman nagtitiis muna kami

Loved by her (freenbeck)Where stories live. Discover now