130

2.9K 56 4
                                    

11-05

Messenger

--

Cyndy Ghaile Alfonte
Active Now

12:20PM

Cyndy:

Hoy gago nasaan ka? Yung "friend" mo kinausap nung ex mo kanina pagkatapos mong puntahan ang nanay mo.

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ng ex mo sa kaibigan ko, pero putangina masusuntok talaga kita kapag nahanap kita. Mukhang maiiyak na si ember.

Kaya kung ako sayo, hanapin mo yung kaibigan ko at kausapin mo. Punyeta ka!

read

--

Ember Socorro Tanjuancto
Active Now

12:30PM

Cyd:

Ember.

Where are you?

Ember:

Ako? Ket saan lang

Cyd:

Ember, I'm serious.

Where are you.

Kinausap ka raw ni Gwen? What did she tell you?

Ember:

Ano lang HAHAHAHA wala naman masyado

Sinabi niya lang na ano

Makikipagbalikan na raw siya sayo. Payag mommy mo dahil boto yon sa kaniya. Tas ano rin

Tigilan ko na raw lumapit sayo HAHAHA

Parang timang, wala naman akong ginagawa para pagbantaan ako HAHAHA

As if naman magkikita pa tayo after nitong intrams, ano HAHAHAHA

Wala na tayong rason para magkita palagi. Wala nang practice para sa folk dance. Iba-iba tayo ng sched. Sure akong hindi tayo magkikita HAHAHAHA ket kunin niya pa ang sched ko para lang matahimik siya diba HAHAHAHA

Cyd:

Ember...

Ember:

I mean, okay lang naman. Wala naman akong say dyan kung choice nyo yang magbalikan. Okay lang. Di naman importante ang opinyon ko diba

Sino lang ba ako HAHAHAHAHA

Kaya ayos lang. Gora. No need mo na akong intindihin HAHAHAHA

Cyd:

Cyndy said you were about to cry earlier.

I'm gonna look for you. Stay where you are.

Ember:

Punyeta, please, tama na HAHAHAHA

Sobrang bait mo punyeta ka HAHAHA ayos nga lang akooo anubaaaa

Tigilan mo na yaaan HAHAHAHA wag mo na ko pahirapan please, habang hindi pa ganon kalalim 'to.

Please, ayos lang talaga ako. Wag mo na ako hanapin HAHAHAHAHA

Ay since nandito na rin naman tayo sa usapang 'to, dito ko na lang sasabihin ang matagal ko nang gustong sabihin. Kasi hindi ko alam kung masasabi ko pa ba 'to sa 'yo in person pagkatapos nitong nangyari ngayong araw.

Cyd, una palang, wala naman talaga akong intensyon na mapalapit sa yo. Alam mo yon, dahil guilty ako na ako pa yata naging dahilan para maghiwalay kayo ni Gwen in the first place.

Pero hindi ko alam HAHAHAHA ambait mo kasiiii potanginamo HAHAHA

Kahit anong pigil ko kasi feel ko hindi talaga tama na maramdaman ko to sayo, tanginamo ambait mo naman kasi talaga HAHAHA

Kaya heto na, sasabihin ko na para makapagsimula na akong magmove on mula sayo, at habang maaga pa.

And no, hindi mo kailangang sumagot. And please, after nito, kalimutan mo na lang din na sinabi ko 'to, ha.

Hindi ko to iuunsend, kasi hindi naman 'to wrong send.

Cyd, gusto kita. Sobra.

read

Remember Me Not (WSS #1) | ✓Where stories live. Discover now