141

2.9K 40 12
                                    

11-06

Message

--

St. Glenn Albert Poe, Patron
Saint Ng Mga Forever Single

1:00PM

Cyd:

Nasabi ko na ba sa inyo na may inamin si ember sa akin?

Flynn Gilbert:

Wala naman? Bakit? Ano inamin niya?

Nagdudrugs ba siya?

Glenn Albert:

Ikaw yata ang nakadrugs kinginamo

Cyd:

She likes someone.

Flynn Gilbert:

Oh, tapos? Sino raw?

Cyd:

Me.

Flynn Gilbert:

Oh gago ka @Glenn Albert tama hula ko saan na 1k ko!!! Si Ember mauunang umamin!!! Yes!!!

Glenn Albert:

Potangina

Cyd:

Nagpustahan kayo?

Flynn Gilbert:

Yes, ssob. Halata naman kasi kayong dalawa, naghihintay na lang sino mauuna

Galing talaga ng manok ko, naka 1k tuloy ako. Ilibre ko nga ng McDo yon mamaya😌

Cyd:

What do you mean halata? Na she likes me?

Flynn Gilbert:

Na you like each other? Tanga

Pag talaga academic achiever ang kalaban mo sa pagiging tanga sa love magbabounce ka na lang, eh

Cyd:

I like her? Di ko alam yan?

Flynn Gilbert:

Sus. Deny ka pa. Halatang halata na nga eh. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo kasi diba kagagaling mo lang sa breakup, worst nagcheat pa sayo. Andon pa yung trauma. Kaya ket kusa na ngang lumalabas, kinakabig mo pabalik kasi takot kang maulit ang nangyari. Trust issues sa love ganon.

Sino bang tanga ang halos magpuyat na masagutan lang at matulumgan sa schoolworks si ember?

Sino ba ang maghihintay ng halos isang oras sabayan lang umuwi si ember o papuntang practice nyo sa folk dance?

Sino bang tanga na halos pumayag nang itakwil ng nanay para kay ember?

Sino bang tanga ang naghintay ng ilang oras sa canteen ket di sure na sisipot si ember?

Sinong tanga ang halos di na makatulog kasi di raw siya nirereply-an ni ember ket nagseseen naman?

At sino namang tangang di mapakali kung di makapagpaliwanag kay ember kasi takot siyang iwasan?

Syempre, ikaw lahat yan, pre.

Glenn Albert:

Gago di ako sanay na gumaganyan ka gilberto.

Flynn Gilbert:

Panira ng moment ampota. Di na lang manahimik hmp.

Nagreready ako para sa moment na to, copy pasted yan sa Notes ko kasi alam kong dadating tayo sa point na to ng lablayp ng ating aports😌

Flynn Gilbert:

Pero ayon. Kung need mo ng push at kaunting alog sa utak mo, Cyd, ayan na yon. Sinabi ko na. Read and reflect ka na lang dyan tas ikaw na bahala ano gagawin mo.

Pag in denial ka pa rin, iuumpog na kita sa pader.

May sarili akong lablayp pero pati iyo pinoproblema ko amp

Glenn Albert:

Anong may sariling lablayp? Di ka nga pinapansin non sa chat eh

Flynn Gilbert:

Slow burn college romance nga kasi ang trope namin. Nagseseen na kaya siya sa chats ko, progress yon😚

read

Remember Me Not (WSS #1) | ✓Where stories live. Discover now