140

2.9K 53 10
                                    

11-06

Messenger

--

B(u)RATZ CLUB

12:01PM

Cyndykato:

Live updates mga ponyeta kayo. Dapat nyo kong ilibre mamaya.

Leanne:

AHAHAHAHAHA SHUTA GO MHIE

Cyndykato:

Punyeta anlamig dito sa tapat ng aircon pero walang mas matinong pwesto para marinig at makita ko pa rin sila nang hindi nila napapansin ang presensya ko

Ganito ko kayo kamahal mga shuta kayo

Fely:

Ssssshhhh magfocus ka, reporter

Cyndykato:

Heto na nga! Punyeta talaga kayo

So nakapasok na sila sa lib diba. Si cyd may bitbit na lunch para kay ember

Fely:

Nyetaaa kinikilig ako wait

Cyndykato:

Pwede ba manahimik kayo pota. Wala munang magrereply hangga't di pa ako natatapos

Leanne:

Okay

Cyndykato:

Pota kasasabi ko lang na walang magrereply eh

Pero heto na nga. Dahil nga diba kumain na tayo kanina, tinanggihan niya ang dala ni cyd. Pero etong si cyd sabi niya "you can't take it home and eat it later." Tas ang sagot naman ni ember "eh, wag na. Bigay mo na lang ulit kay flynn." Tas ang sagot din ni cyd "No? I bought it for you, not flynn."

OH WALANG MAGREREPLY POTA DI PA AKO TAPOS

Teka sinisita na ako ng librarian, nahaharangan ko ang aircon shuta. Lipat muna ako

So ito na. Direct to the point ang ating friend. Sinabi niya kaagad "cyd, alam kong alam mo ang tungkol sa sinabi ni gwen sa akin kahapon. At yon ang dahilan bat gusto kong makipag usap sayo ngayon. Cyd, iwasan na lang natin ang isa't isa. Mukhang mahal ka pa nung ex mo, don ka na lang. Gusto ko ng tahimik na buhay, baka sampalin pa ako ng nanay mo ng sampung milyon. Di ko yon tatanggihan, bahala ka."

Side comment: tanginang babae to

Continuation: Natawa si cyd don (same) pero seryoso ang ating friend. Kaya sabi ni cyd, "don't worry about them. I'll handle them. Pero hindi kita iiwasan, ember. Kahit ikaw pa mismo iiwas sakin, lalapit pa rin ako sayo. And you're right, tanggapin mo nga kung sasampalin ka ni mommy ng sampung milyon. Di kita pipigilan dyan" (i say, korique, wag tanggihan ang grasya lalo na kung sampung milyon yan)

Tas kinwento na ni ember ang tungkol naman sa nangyari kanina sa canteen. Gago, dumilim agad paningin ni cyd HAHAHAHA galit na yarn

GAGO TEKA PINAPAALIS NA AKO SA LIB  MUKHA RAW AKONG SUSPICION NA NILALANG TEKA LANG NAMAN DI PA AKO TAPOS SA MISYON KO

GAGO TEKA POTA

Di ko na narinig ang kasunod na sinabi. Pinapalabas na talaga ako pota. Nasa exit na ako now ng library

Namilog ang mga mata ng ating kaibigang ember. @Emburricat pag nabasa mo to, spill nga ano sinabi bat gulat na gulat ka

POTA NALAGLAG CP KO KAKATULAK SAKIN PALABAS TANGINA

MAY INCREASE SA TALENT FEE  KO TO HA KINGINA

Remember Me Not (WSS #1) | ✓Where stories live. Discover now