CHAPTER 3

0 0 0
                                    

"Yes! Uwian na!" Malakas na sigaw ni Jen.

Napangiwi ako dahil sa sigaw n'ya, kung makasigaw kasi s'ya parang walang mga estudyante sa paligid n'ya, kaya ayan tuloy pinagtitingin nila kami. And hello? May klase pa bukas no tsk. Nakalimutan n'ya atang monday ngayon, ang layo pa ng sabado. Tsk, tsk!

"Hoy ang ingay ng bunganga mo!" Someone said.

I think he's a basketball player based of what he is wearing. A red jersey with number three written on it at the side of his chest, black knee support and black shoes again.

Sinamaan naman s'ya ng tingin ni Jen at humakbang papalapit sakanya para batukan s'ya.

"Aray! Sakit nun ah!"

"Dapat lang yan sayo, bwesit ka eh!" Sabi ni Jen.

"Nye! Nye! At least gwapo ako." Sagot naman nong lalake, halatang nangyayabang.

"Anong sabi mo? Eh para nga'ng pwet ng baso yang mukha mong yan!" Hindi talaga nagpapatalo si Jen!

Nanlaki naman ang mga mata ng lalake at hinawakan pa ang dibdib n'ya umaarteng nasaktan s'ya sa sinabi ni Jen.

"Talaga ba Jen? Ah kaya pala nagka-crush ka sakin noong grade school palang tayo hahahaha!"

"Ang kapal ng mukha mo!" Pikon na sambit ni Jen.

"Bakit may mukha bang manipis? Nang-aasar na sagot naman ng lalake habang tumatawa.

"Hays, ako lang to Jen yung first crush mo!" Patuloy na pagmamayabang nong basketball player. Sisinghalan na sana s'ya ni Jen ng nilingon n'ya ako at tinanong.

"Uy, Hi! Kaibigan ka ba ng mukong na to?" Bati n'ya sakin pero halatang inaasar n'ya lang si Jen, kaya tumango nalang ako sa kanya dahil baka dadaldal na naman s'ya. Parang ganon ang personality n'ya eh.

"Hala! Mukong ka daw Jen sabi n'ya, awit! Fake friend pala s'ya tol!" Sinamaan ko naman s'ya ng tingin.

ANO?! ABA GAGO TO AH!

GUSTO KO S'YANG SUNTOKIN SA MUKHA NG MALAKAS NA MALAKAS!

"Hoy tarantado ka! Wag mo ngang idamay si Adella sa katarantaduhan mo!"

"S'ya din naman ah! Tinanong ko s'ya kung kaibigan ka ba n'yang mukong ka! Eh tumango naman s'ya kaya ibig sabihin agree s'ya sa sinabi ko na 'mukong' ka hahahahaha!" Mahabang paliwanag n'ya sabay tawa at enemphasize pa talaga n'ya yung word na mukong para asarin lalo si Jen.

"Wow ha!" Jen sarcastically said, wala na ata s'yang pambara sa lalakeng to.

"Wow talaga wowowin!" Walang kwentang sagot naman nitong isa.

Tumaas ang kilay ko nung tinapat n'ya sakin ang kamao n'ya.

"Nakatulog ako kanina sa training." Sabi n'ya.

Nakakainis na s'ya, ano bang pake ko sa kanya?

"Hindi ko tinanong." Inis na sabi ko.

"Luh..."

"HAHAHAHAHAHAHA" Sige tumawa ka pa Jen! Maligaya ka jan!

"Tsk, hindi ata nanonood ng wowowin ang fake friend mo tol gagi!" Kunwaring bulong n'ya kay Jen kahit rinig na rinig ko naman s'ya. Hindi siya sinagot ni Jen dahil nagpipigil na ito ng tawa kasi tinitignan ko siya ng masama. Bakit ba kasi ako na naman ang naisipang pagtripan nitong lalakeng to? Eh hindi ko nga to close, tsaka hindi ko s'ya kilala.

"Dapat kasi sabihin mong....Bigyan ng jacket yan!"

Okay?

He looked annoying, but I must admit that he's right, gwapo s'ya. He has a pointed nose, sharp jawline, thick brows, welcoming eyes, and....oh dimples.

Ang cute n'ya siguro pagngumiti s'ya kaso barumbado lang s'ya kapag nagsasalita at hindi pa talaga nagpapatalo, lahat ng pambabara ni Jen sakanya, may sagot s'ya.
Ako ang naaawa kay Jen, mukhang stress na stress s'ya sa lalakeng to! Ang hirap pa namang makipagtalo sa kanya!

Hindi ko alam pero sabay na silang dalawang tumatawa at naghahampasan pa! Anyare? Hanggang sa sinabunutan ni Jen yong basketball player pero hindi pa rin sila tumitigil sa kakatawa. Ewan ko sa dalawang yan, sumasakit na ang ulo ko sa kakulitan nila! At sa gitna pa talaga ng gym sila nag-away!

Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmasdan silang dalawa na sinasabunutan ang isa't-isa, parang mga bata lang. Hanggang sa may umawat sa kanilang dalawa, ohmygod! Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino yun. Si Voughn! Nakalimutan kong s'ya pala ang SSG PRESIDENT ng school nato. Agad akong tumakbo at hinila silang dalawa palayo kay Voughn kasi mukhang badtrip s'ya at parang gusto n'yang kutusan tong dalawa!

"Miss Cruz! Get back here! I'm not yet  done with them!" Galit na sigaw ni Voughn. Nakakatakot s'ya, parang hindi n'ya ako best friend. Galit pa din ba s'ya sakin kaya s'ya ganyan?

"Eh kasi...pinapauwi na si Jen sa daddy n'ya, baka magalit na naman yun! Diba Jen?" I look at Jen nervously, hoping that she got a hint.

"Ay Oo nga pala pres, pinapauwi na ako ni dad.. hahaha bye–" Aalis na sana si Jen ng may humarang sa kanya...si vice president Bracelton! Yung pinsan n'ya!

LAGOT!

Saktong pagharap ko ay nakatayo na si Voughn sa harapan ko. Jusko! Ba't ang lapit n'ya sakin? Ta's ang seryoso pa ng tingin n'ya, nanghihina yung tuhod ko.

Baka hindi na ako makaahon ni'to ha!

"Too bad, because I know you exactly when you lie." He said coldly.

"Um Voughn pwede bang–" Gusto ko sanang makiusap sa kanya na pauwiin nalang tong dalawa na nagtatago sa likod ko pero hindi man lang n'ya ako pinatapos magsalita at bigla nalang s'yang sumigaw ng....

"TO THE GUIDANCE OFFICE, NOW!"

Teardrops Where stories live. Discover now