CHAPTER 4

0 0 0
                                    

GUSTO KONG UMIYAK NG MALAKAS NA MALAKAS!



Nandito kaming tatalo ngayon ng mga isip bata kong kasama sa guidance office at na'sa harap namin si Voughn na masamang nakatingin sa amin.



"Can you tell me why you guys are chasing each other in the middle of the gym?" Mahinahon ngunit madiin na sambit ni Voughn.



"Ah naglalaro lang kami pres!" Sabi ng tukmol na lalakeng kasabunotan kanina ni Jen.



"Ano?!"



"Hoy hindi ako isip bata para makipagkaro sayo noh!" Sigaw ni Jen sa mismong mukha ni tukmol.



"Oo na, hindi na, basta ilayo mo muna yung panget mong mukha sa makinis na gwapo kong mukha!"



"ENOUGH!" Sigaw ni Voughn sa dalawa.



Agad naman silang tumahimik at napayuko. Ilang minuto ang nakalipas ay naging tahimik ang paligid namin, magsasalita na sana si Voughn ng mapansin niya'ng nagsisipaan ang dalawa sa ilalim ng lamesa. Shit talaga! Madadamay na naman ako dito!



"Hindi talaga kayo titigil?" Sabi n'ya na parang susuko na'sa kakulitan ng dalawang to!



"Hay Alvarez, captain ka'pa naman ng basketball team pero ang pasaway mo!" Sabi ni Voughn, halatang manenermon na naman yan.



So Alvarez pala ang surname ni tukmol.



"You know that you and your team needs to practice so that you guys can play and represent our school in the regional meet... But you left me no choice." Mahabang sambit ni Voughn.



"Ano..Ano po bang ibig n'yong sabihin?" Kinakabahang sabi ni Alvarez.



"Why are you stuttering Mr. Alvarez? Are you afraid that I will replace the team captain of our school's basketball team? Which is you.."



"Just kidding! I can't do that, of course. You're the best player we had in our school." Nakahinga naman ng maluwag si Alvarez don, kala mo mawawalan na s'ya ng hininga eh.



"But..But..But! You need to face the consequence of your action, and you also Miss Bracelton!"



"Huh? Bakit kami lang?" Sabay na tanong ng dalawa at tinignan ako ng masama! Sabay pa talaga sila ha! Eh hindi naman talaga akong kasali sa kakulitan nilang dalawa kaya dapat lang na pauwiin na ako ni Voughn.



"Bakit? Kasali ba si Miss Perez sa paglalaro n'yo don sa gym?" May pang-aasar na sabi ni Voughn.



Nice, s'ya naman ngayon ang nang-aasar! Maligaya ka jan Voughn!



"Whatever, so what's the consequences of our actions ba?" She said obviously mocking Voughn.



Tumikhim naman si Voughn at nagseryoso na. "Madali lang naman. Maglilinis lang naman kayo ng school hallway and C.R for the whole week, and apply fertilizer on the plants and water it after."



"WHAT?!" Sabay sabi ng dalawang tukmol.



Alam kong mahirap itong gawin para kay Jen dahil halata namang wala s'yang alam sa paglilinis, ewan ko nalang dito kay Alvarez na mukhang hindi parin makapaniwala sa sinabi ni Voughn. Para s'yang naghihintay kay Voughn na sabihin yung "just kidding."



"Hindi pwede, paano yung training ko? Lagot ako kay coach nito!" Problemadong sabi ni Alvarez.



Pinagsingkitan naman s'ya ng mata ni Voughn dahil ang oa n'ya, halata namang exempted s'ya, ang tanga n'ya lang talaga kung hindi n'ya yan naisip!



"Gagawin n'yo ang sinabi ko o gagawin n'yo?" Seryosong sambit ni Voughn.



Huh? Ano daw? Hindi ko naintindihan.



"Huh? Eh pareho lang yun!" Reklamo ni Jen.



"Oo nga!"



"Yeah, wala kayong choice!" Sabi ni Voughn at pinagkrus ang braso n'ya.



"Pero pres–"



"No buts. You guys will start cleaning the school tomorrow, until next week!"



Magmakaawa pa sana ang dalawa ngunit tinaas ni Voughn ang kamay n'ya at winagayway ito sa ere para sabihing hindi na magbabago ang desisyon n'ya.



Para s'yang miss universe na nanalo sa pageant jan sa ginagawa n'ya!



"You guys can leave now except for Miss Perez, I want to talk to her." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi n'ya pero bumalik nalang din ako ng upo dahil ang sama ng tingin n'ya sakin! Ganina pa s'ya ganyan makatingin sa'kin ha! Naiinis na si ako!



Halatang nagtataka pa ang dalawa dahil sa sinabi ni Voughn pero tumango nalang sila at tinignan ako upang masigurado nila na okay lang ako kung iiwan nila ako kaya tumango nalang din ako sa kanila bilang sagot, at tuloyang na silang lumabas sa guidance office. Kaya kami nalang dalawa ni Voughn ang nandito ngayon sa loob.



"So, sila yung mga bago mong kaibigan?" Tanong bigla ni Voughn.



"Si Jen lang ang kaibigan ko hindi kasali yung Alvarez, kung hindi mo sinabi pangalan nun hindi ko pa yun sana makikilala." Mahabang paliwanag ko sa kanya.



"Huh? Bakit naman, nag-asaran nga kayo kanina ta's hindi parin kayo magkaibigan?" Hindi ko alam kung seryoso ba s'ya o nananadya lang talaga s'ya.



"Hoy! Hindi ako nakipag-asaran sa kanya noh! Tsaka hindi ganon kadali makipagkaibigan kasi hindi naman ako marunong!" Mahabang sabi ko.



"Talaga bah Adella?" He said while grinning. Empakto talaga! Kaya sinabayan ko nalang di s'ya.



"Talaga!" Natatawang sabi ko.



Tumawa s'ya at tumayo mula sa kinauupuan n'ya at sinenyasan ako namaghintay kase aayusin lang n'ya ang mga gamit n'ya para sabay kaming uuwi.



"Tara na! Naiinip na ako dahil ang bagal mong kumilos!" Sabi ko kasi naiinip na talaga ako sa kanya! Ganina pa s'ya jan, kung makakilos kasi s'ya para bang gold yang nilalagay n'ya sa bag n'ya dahil ang ingat-ingat n'ya dito! Di mabagal lang talaga s'yang kumilos! Tama!



"Tapos na po señorita, alina't tayo'y maglakad papunta sa parking lot para hindi ka na mainip!" Sabi n'ya in a sarcastic way!

Teardrops Where stories live. Discover now