CHAPTER 6

0 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa gym, hinihintay ko si Alvarez na matapos ang practice n'ya. Kasi aayain ko s'yang maging friend ko! May dala pa akong basketball shoes na nakalagay sa paper bag, ibibigay ko to sa'kanya as friendship offering! Pwede naman yun diba? Ah bahala na nga! Medyo kinkabahan ako dahil baka ayaw n'yang tanggapin ang gift ko, at baka ayaw n'yang maging friend ko. Tsaka mag-isa lang din ako ngayon dahil wala si Jen, may date daw s'ya.

"Oh masungit na nilalang, nandiyan ka pala. Sino bang hinihintay mo?" Ayan na nga s'ya. Paano ba'to gagawin? Ibibigay ko nalang ba sa'kanya to tas sasabihin ko na friend na kami kasi binigyan ko s'ya ng shoes? Tsk bahala na nga!

"Huh? Ah! Ikaw, Ikaw ang hinihintay ko." Parang tangang sabi ko. Nakakahiya!

"Bakit mo naman ako hihintayin, ha? Crush mo siguro ako no?" He playfully said.

"Hoy hindi ah, I'm not crushing on you."

"Talaga? Baka palusot mo lang yan kasi nahihiya ka. Oh tas may dala ka pang paper bag, malay ko para sakin pala yan!"  Nahiya tuloy ako sa sinabi n'ya kasi tama naman s'ya, para naman talaga to sa'kanya. Kaya inabot ko nalang sa'kanya ng walang pag-aanlinlangan. Para ko tuloy sinabi sa'kanya na gusto ko talaga s'ya.Ang bobo mo Adella! Assuming pa naman tong lalaking to!

"Hahaha, so para talaga saakin yan? Tsk, crush mo talaga ako no? Hays, ako lang to!" This mayabang man talaga oh! Pero kinuha din naman n'ya yung paper bag ng hindi tinitignan.

"Hey, I'm not giving this to you because I have a crush to you but instead...." I said in hesitation. What? Itutuloy ko pa ba? Parang tanga naman eh! Tsaka para may pangatlo na akong friend.

"Instead what?" He raised his brows at me with a humor in his eyes.

"I... I want to be your friend." Sabi ko habang nilalaro ang mga daliri ko.

Nagtaka ako ng may biglang humirit sa likod ko. Mga ka teammates ata ni Alvarez tsk, para silang mga babae kung kiligin. At bakit sila kikiligin? Akala ba nila isa ako sa mga girl that would flock over to Alvarez? Oh god! I just want to be his friend, that's it. Ang issue nila ah!

"Yiee, may bago na naman s'yang girl!" What? Did they just conclude that I was Alvarez's girl or some girl that just confessed to him?!

"Anong girl? Gago, corny mo!" Sabi ni Alvarez at inakbayan ako.

"Kaibigan ko to boi!"

"Ah talaga? Sige nga reto mo nalang saakin. Ano bang name n'ya?" Sabi noong guy na naka white shirt at black pants, kakatapos n'ya lang siguro maligo dahil basa pa ang buhok n'ya.

"Ah, si Miss masungit to p're." Ano?! Siniko ko s'ya para bitawan n'ya ang pagkaakbay n'ya saakin. Gago'ng to halatang gusto n'ya akong ibigay sa ka teammate n'ya. Napanguso tuloy ako.

"Aray! Sakit naman nun."

"Hoy hindi ganyan ang name ko!" Sabi ko sabay hampas sa braso n'ya.

"Oh sino ka pala?" Pigil tawa na sabi n'ya habang hinihimas yung braso n'ya na hinampas ko.

"Adella! Ako si Adella!" Malakas na sabi ko, kasaby noon ang malakas na tawa nya at ng mga ka teammates n'ya! Damn him! I can almost feel my cheeks burning because of embarrassment.

"Hanep ka p're, kaibigan mo yan tas hindi mo pa alam ang pangalan! Parang mga babae mo lang hahahaha!" Sabi noong isa pa n'yang ka teammates.

"Malay ko ba, ngayon lang kami naging friend eh. Di ba bestie?" Sabi n'ya at sinamaan ko naman s'ya ng tingin.

"Bahala ka nga diyan!" Sabi ko at iniwan na s'ya roon.

"Hala! Joke lang bestie ko! Wait lang uy." Tinakpan ko ang tenga ko dahil ang ingay n'ya! Parang s'yang batang nagpapadyak-padyak dahil hindi nabili ang gusto n'yang candy!

"Oh ano na naman ha?!" Singhal ko sa'kanya.

"Luh ang sungit talaga ng bestie ko! Pwede mo ng makuha ang 'Best in Masungit Award of the Year', bestie!"

"By the way, I'm Virk Kiefer Alvarez,18 years old, humss student, 6'1 ang height ko! Ikaw, anong sayo? Feel ko na'sa 5'5 kalang, ang liit mo eh." Wow, just wow! Nilait pa n'ya talaga ako ah!

"Ang daldal mo no? Tska hindi ko naman sinabi sayo na i-introduce mo yung self mo saakin!"

"Luh, ang panget naman kung magkaibigan tayo tas hindi mo alam ang pangalan ko, tsk! Kaya pinagtawanan tayo ganina eh hahaha." Pangatwiran n'ya pa.

"Oo na, dami mo namang sinasabi!"

"Basta, gala tayo bukas ah tas libre mo'ko! Ah salamat pala dito, hindi mo naman ako kailangang bigyan nito para maging mag friends tayo. Pero sige, maganda naman tong napili mong color kaya tanggapin ko to ah! May taste ka p're!" Mahabang saad n'ya, para tuloy s'yang nagrarap kasi ang bilis din ng pagkasabi n'ya doon! Bago pa man ako magsalita ay nakalayo na s'ya sa harapan ko habang kumakaway! Itong lalakeng to talaga.


Teardrops Where stories live. Discover now