Chapter 1

2.2K 33 15
                                    

KUMIKIDLAT ang kalangitan at umuulan ng masinsinan. Isang dalagang kamanghamangha ang ganda na naka dunghay ang mga buhok ay naglalakad sa ibabaw ng simbahan sa may tugtugan kampana siya naroroon. May isang tao at dalawang gwuardiya sibil ang tumatakbo sa ilalim ng ulan upang may masisilungan.

"Vamos hombre.¡Fantasma!" Ani ng isang gwuardiya sibil sa wikang Espanyol. Translation: (Hala, pare. Multo!).

"Hindi siya isang multo kabo, nakikilala ko po ang babae, sing likit ng birhen siya po ang binibining na kung tawagin nilang ay si Maria Clara." Ani ng isa pang guwardiya sibil.

"Ave María, eres llena de gracia, El Señor Dios está contigo. Eres la más bendecida de todas las mujeres Y tu hijo Jesús también es bendito. Santa María, madre de Dios Ruega por nosotros pecadores Ahora y si morimos. Amén." Ani ni Maria Clara sa wikang Espanyol habang siya'y umiyak sa tuktok ng simbahan sa may kampana kasabay ng pag agos ng malalakas na ulan.
Translation: (Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus. Santa Maria, ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan Ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.)

"Ano at ako'y isinilang na may kakambal na sumpa, ipinapakikiusap ko sayo, ako'y iyong kunin at dalhin sa iyong pinaroroonan masama ba Panginoong Diyos basta't hindi na ako maaaring masaktan pa. O aking ina, sunduin mo na ang iyong bugtong na anak, kasama ang mga santo at mga anghel." Dagdag niya pa habang nagtatangis at umiiyak kasabay ng ulan at matinding pag kidlat.

"¡Mi vida no tiene sentido!" Translation: (Wala ng saysay pa ang aking buhay!)

"Nagwakas ang kwento ng Noli Me Tangere na isinulat ni Jose Rizal sa isang epilogo, kung saan isinasalaysay ang mga naganap sa mga pangunahing karakter gaya ni Maria Clara na sinasabing kinatha ni Rizal bilang paglalarawan sa mga kababaihang pilipino noong ika-labing siyam na siglo. Ms. Maria Clara Infantes. Maria Clara Infantes!" Ani Mr. Torres kasalukuyan siyang nagtuturo sa harap ng kanyang estudyante na gumagamit pa ng projector kasabay ng pag tiklop ng libro niya ay siya ring paglingon niya sa isang estudyanteng natutulog na sinenyasan naman ng kanyang mga aaral na gumising gamit ang paa nito pero hindi pa rin ito natinag.

"Sir!"

"Kumusta tulog mo?"

Maria Clara at IbarraWhere stories live. Discover now