Chapter 7

137 2 13
                                    

SI Maria Clara at nagpapaypay habang nakangiting nakasulyap kay Crisostomo Ibarra.

"Maria! Ano't napakatahimik mo? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong nangyari sa akin sa aking pitong taong pagkawala?" Ani Ibarra.

"Batid ko na marami ka ng bansang napasyalan at higit na kay rami ng taong iyong nakilala at sa mga taong iyong nakakausap. Naalala mo pa ba ako? Lalo na't batid kong maraming maririkit na kababaihan doon sa Europa." Ani Maria Clara.

"Marami? Oo ngunit maari ko bang malimot ang pinakamarikit sa lahat ng mga dalaga. Paano kita malilimot? Kung kasama ko sa twina ang iyong ala-ala. At iyong napakatamis na tinig na kailanman hindi mawawaglit sa aking isipan. Lalo na't iyon ang aking naging aliw noong ako'y nag-iisa. Maria, kahit hindi kita nakasama ang iyong wangis ay palaging ko pa ring nakikita sa mga ulap ng bansang aking nararating. Katulad ng isang lugar sa Italya, napakaaliwalas ng langit na tila nangungusap sa akin kagaya ng iyong mga mata. Baka ako pa sinta ang nalimutan mo na?"

"Parati kang nasa isipan ko mahal. Kahit na palaging sinasabi ng Ninong na kasalanan daw ang isip isipin ka. Ngunit batid lamang iyan na makailang ulit ko na rin binabasa ang iyong mga liham. Nang sa gayon ay maramdaman ko na kailan may hindi mo ako nilisan."

"Gaano kahalaga sayo ang iyong Ninong?"

"Kasing halaga ni Papa. Nakarating nga sa akin na nagkaroon daw kayo ng alitan?"

"Mabigat ang loob sa akin ng kura."

"Intindihin mo na lamang siya mahal ko. Matanda na ang Ninong kaya medyo bugnutin na." Ani Maria Clara na napangiti pa at napailing na lang si Crisostomo Ibarra.

SI Klay ay naglalakad sa loob ng kulungan hawak hawak ang kaniyang baro't saya. Marami rami ang mga nakabantay na guwardiya sibil dito tanging mga kandila lamang ang nagsisilbing ilaw dito. Sa paglalakad ni Klay natuntun niya si Lucia na tulog na tulog sa loob ng kulungan at siya'y umupo.

"Magandang umaga po ate!" Ani Klay.

"Buen día también, chino mestizo. (Magandang araw rin po, mestiza de sangley.) Binigyan niyo po ako ng pag asa sa inyong pagdalaw sa akin." Ani Lucia sa mahina na boses at napangiti si Klay.
Translation: (Magandang araw rin po, mestisang Intsik.)

"ALAM mo ba na may nakilala akong isang babae na nakahula ng naganap sa inyo ni Ninong. Hindi ka maniniwala ngunit nahulaan niyang mag aaway kayo at magkakaroon ng gulo sa pagtitipon." Ani Maria Clara.

Maria Clara at IbarraWhere stories live. Discover now