Chapter 2

545 6 5
                                    

HABLAR alto! ¿Quién eres y qué haces aquí?" Ani Maria Clara.
Translation: (Magsalita ka! Sino ka't anong ginagawa mo rito?)

"Sandali, ah nanaginip ba ako ng Espanyola pero bakit...paanong...anong ginagawa ko dito?" Ani Klay na naguguluhan.

"Madre Escucha, ¡Madre Escucha, ven, date prisa!"
Translation: (Madre Escucha, halika, bilisan niyo!)

"Ah miss ah! Ah ah no espanyol ah ah ah ah despacito ah. Ano po bang nangyayari joke time ba ito, pinaprank mo ba ako?" Ani Klay na sumayaw pa noong binanggit niya niya ang despacito.

"Huwag na huwag kang lalapit lalo na't hindi ko naiintindihan ang iyong iwiniwika. Madre Escucha, ¡Madre Escucha, ayúdame!"
Translation: (Madre Escucha, tulungan mo ako!)

"Ahhhhhh..." Ani Klay na takot na takot pag ka kita kay Madre Escucha.

"¿Quién es él?" Ani Madre Escucha.
Translation: (Sino siya?)

"No , monja. Nagulat ako't nandito na siya sa aking silid." Ani Maria Clara habang tumayo at kumuha ng isang tela upang itakip sa kaniyang sarili.
Translation: (Hindi ko alam, Madre.)

"Sandali, kahit naman ako hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Asan po ba ako?" Ani Klay.

"Ito ang Beaterio De Santa Katalina at hindi kita nakilala. Hindi ka na bibilang sa mga kolehiyalang naninirahan dito. Sino ka? At bakit ka naririto?" Ani Madre Escucha.

"Monja, ¿no podría ser un ladrón?" Ani Maria Clara.
Translation: (Madre, hindi kaya isa siyang magnanakaw?

"Malalaman natin."

"Ay ay hahaha aray ko! sandali lang po. Ah ano, ano po bang akala niyo sa akin magnanakaw? Hoy grabe ka naman sa akin! Maganda ka pa naman sana mapagbintang ka. Masama iyon ha! Hindi ako magnanakaw, mahirap ako pero hindi ako magnanakaw." Ani Klay na kikiliti pa sa pag ikot ng madre sa kaniya.

"Hesus maryosep babae, mag ingat ka sa paraan ng pagkikipag-usap sa kolehiyala hindi siya kung sino lamang. Si senyorita Maria Clara ay isang banal na dalaga at anak ng isang de klaseng ginoo si Don Kapitan Tiago."

"Ey...eh ikaw si Maria Clara? Ah tapos tatay mo si Kapitan Tiago. Ang galing! Noli yarn! Eh kung ganoon nasaan si Crisostomo Ibarra?" Ani Klay na napatakip at napalakpak pa sa pagkamangha hindi makapaniwala sa nangyari tila animo'y excited pa.

Maria Clara at IbarraWhere stories live. Discover now