Chapter 5

117 3 5
                                    

"Senyor Ibarra, pitong taong pala kayong nangagaral sa Europa mabuti hindi ninyo nalimot ang Las Filipinas." Ani ng isnag lalaki.

"Hindi po, kahit tila nalimot na ako ng ating bayan."

"¿Qué quieres decir?"
Translation: (Ano ang ibig ninyong sabihin?)

"Halos isang taon po akong walang makuhang balita buhat dito maging sa San Diego. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung kailan o ano ang totoong dahilan kung bakit namatay ang aking ama."

"Don Ibarra, nasaan ba kayo sa Europa tila hindi yata kayo nakakatanggap ng mga telegrama." Ani Donya Victorina.

"Ah! Disculpen, damas y caballeros. Pero para hindi maging malungkot ang ating usapin lalo na nasa gitna tayo ng kasiyahan. Ito na lamang ang inyong sagutin senyor. Ano ang mga nakita ninyong nakatangi tangi sa bansa ninyong narating." Ani ng isang lalaking nagsalita kanina na tinapik pa sa balikat si Crisostomo Ibarra habang si Padre Damaso ay makikita ang inis sa mukha.
Translation: (Ipagpaumanhin ninyo, mga ginoo at ginang.)

"Ah! Hmmm." Ani Ibarra.

"Iyon ba ang epekto ng educación sa Europa. La lengua de la persona está pegada como una persona muda." Ani Padre Damaso.
Translation: (edukasyon. -Nauumid ang dila ng tao na para bang isang pipi.)

"Hahahaha..." Tawa ni Donya Victorina habang nakahawak pa sa kaniyang baso na may lamang inuming nakakalasing.

"Napansin ko lamang na ang kaunlaran o ang kahirapan ng mamamayan sa isang bayan ay katimbang lamang po sa kalayaan nito o hindi kaya'y ang kawalan nito." Ani Ibarra at nagsipatango naman ang iilan.

"Iyong lang ba ang natutunan mo ang tagal mong naroon sa Europa ang laki ng ginugol mo at iyan lang ang iyong natatandaan sa tagal mo roon." Ani Padre Damaso at sumilip si Klay sa kinaroroonan nila na may dalang pitsel ng tubug.

"Huwag po sana kayong magtaka kung ganyan na lamang ang pagtrato sa ginagalang nating kura. Noon pa man ay ganiyan na siya maglambing simula pa noong kami mga musmos pa lamang. Naalala ko pa po noon Padre noong malimit niyo pang bisitahin ang aking ama para sumalo sa tanghalian o hapunan."

"Es una pena. Bakit? Ang ibig mo bang sabihin masiba ako pagdating sa pagkain." Ani Padre Damaso na napatayo pa.
Translation: (Isang kahihiyan.)

"Ah...ay! Ay..." Ani Klay ng aksidenteng mabuhos ang laman ng tubig na nasa pitsel na hawak niya patungo kay Padre Damaso.

"Ano ba!" Ani Padre Damaso at napatayo si Crisostomo Ibarra.

"Ha!"

"¡Estúpido!"
Translation: (Tanga!)

"Ano ang ginawa mo kay Padre?" Ani Kapitan Tiago at namagpag naman sa Padre Damaso sa kaniyang damit habang nagkatinginan ang mag asawang Donya Victorina at Don Tiburcio.

"Pasensiya na po Kapitan Tiago! Ah! Hindi ko po sinasadiya Padre Damaso." Ani Klay na humawak pa kay Padre Damaso.

"Hindi ka kasi nag iingat. Ah Padre! Narito po ang aking..." Ani Kapitan Tiago ng akmang may kukunin sa kaniyang bulsa habang si Klay naglakad papaalis na parang nag tagumpay sa ginawang plano.

Maria Clara at IbarraDär berättelser lever. Upptäck nu