CHAPTER 4

278 4 0
                                    

[!] Errors ahead
[!] Read at your own risk

Chapter 4

AGATHA POV:

"Ma, pa. May sasabihin po ako sa inyo" nasa balkonahe kasi kami ngayon. Katatapos lang maghapunan.

"Ano na naman ba yan! Ipapatawag na naman ba ako sa guro ko Agatha?!" galit na saad ni mama sabay tingin sa akin.

"Ah, hindi po ma." Pano ko ba to sasabihin, natatakot ako 'saad ko sa sarili ko'

"Ano ba kasi yan Agathat." Tanong ng papa ko.

"Pa, hihinto na po ako sa pag-aa-"

"Ano?!!!" Sigaw na sabi ni mama "tapos? San ka pupunta? Aalis ka? Para ano? Para iwasan ang gawain mo dito sa bahay?!"

"Hindi naman po ma. Tsk! Paano ko pa ba ipagpapatuloy kung wala akong naiintindihan sa lesson nang ma teacher ko" kalma kong tugon.

Sikip na nang dibdib ko. Ayokong umiyak aa harap nila. Ayokong maging mahina ako sa harao nila, pero...

"Paano ko ipagpapatuloy ma kung kayo mismo magulang ko di ko nakita na suportado nyo ang pag aaral ko" kalma parin ako kahit ang sikip-sikip na ng hininga ko

"Paano ko ipagpapatuloy ma, pa, kung mismo dito di ako makapag aral kasi nga ang dami nyong pinapagawa" nakayuko kong sabi. Gusto na tumulo luha ko

"Ahhh so nagrereklamo ka?" Patanong na sabi ni mama sa mahinang boses

"Hindi naman ma. Wala na kasi akong maintindihan sa lessons kay hihinto nalang ako. Aalis ako ma, magtatra-"

"Eh di umalis ka! Lumayas kayong lahat dito! Pati ikaw Carrie umalis ka rin. Kayong lahat!!!" Sigaw ni mama.

Si Carrie ang ate ko na kasama ko ngayon. Anim kami magkakapatid. Bunso namin lalaki si Lander. Yung tatlo pa namin na ate nasa C*bu at manila, isa na sa dumaguete nagtatrabaho sila. Bihira lang umuwi.

Nakita ko si Papa nakatulala sa balkonahe. Nilapitan ko

"Pa?" Tawag ko sa mahinang boses. Ang sakit sa dibdib makita ko si papa nakatulala

Si papa lang kasi ang mas malapit sa puso ko dahil di ako nakarinig ng bulyaw.

"Pa?" Tawag ko ulit, tumulo na luha ko. "Aalis ako pa ha? Magtatrabaho nalang ako para kahit papano makatulong ako sa inyo. Mabibigyan kita ng pera pa." Sakit na sa lalamunan gusto ko na humagulhol ng iyak

Gusto kong yakapin ang papa ko. Gusto kong ipaalam sa kanya na mahal ko sya ng sobra pa sa sobra

"Aalis ka Agatha?" Tanong ni papa pero sa malayo naka tanaw "Paano na yung ibang gawain dito. Di kaya ng ate mo kasi may gagawin din kaming mga order na bags Agatha" pagkatapos sabihin ni papa nakarinig ako ng malalim na pagsinghap.

"Pa, eh hihinto naman lang ako sa pag aaral, magta-trabaho nalang ako pa, may maibibigay pa ako sa inyo."

Di umimik si papa

"Diba pa, gusto mong bumili ng pambaid. Ano tawag ulit non pa?"

Di pa rin umimik si papa

"Pag magkaka trabaho na ako pa unang sahod ko ibibili ko sa gusto mong gamit na bibilhin" which is yung pambai ng matatalim na bagay di ko alam ano sa tagalog yan

"Mahal yun Agatha. Lagpas tatlong libo yun mahirap yan hawakan ang ganung halaga ng pera." Sa malayo pa rin nakatingin si papa.

Natahimik kami. Inisip ko sinabi ni papa. 'Ano kayang trabaho ang ibibigay ng tyahin ni angel kaya ko ba kayang mabigay sa isang sahuran ang gusto ni papa' tanong ko sa isip ko

Di ko na kasi alam ang gagawin ko. Kung hihinto man ako at dito lang din naman wala rin patutunguhan ang paghinto ko sa pag aaral kaya aalis nalang ako at magtatrabaho

"Agatha, mag ingat ka sa lugar na pupuntahan mo ha" nabigla ako sa sinabi ni papa kay agad akong napaangat ng tingin at nakatingin na siya sa akin

"Pa..." Umiyak na ako sabay yakap sa papa ko

"Pasensya na kung wala akong boses dito sa bahay na to. Umiiwas lang kasi ako sa mama mo kasi kapag pinagsasabihan ko yan lakaki lang ang away at kami na ang mag aaway" saad ng papa ko

Oo nga kasi, parang machine gun bunganga kasi ni mama pag pinatulan na sya ni papa

CARRIE POV:

Hi, ako pala si Carrie isa sa mga ate ni Agatha na studyante din ng third year high school. Same school lang kami ni Agatha.

"Agatha, sama nalang ako sayo. Ayoko na rin mag aral. Kakapagod." Sabi ko kay Agatha.

Dito kasi kami sa taniman ngayon. Sabado, walang klase.

"Naku, ate wag na. Dito ka nalang kasama sila mama at papa" sagot niya

"Ayoko na rin dito. Nagtitimpi lang ako kay mama kasi mama natin yun pero di ko na rin kaya yung laging kasalamuha ko sa school" nakayuko kong sabi

Nakita ko na nakatingin si Agatha sa akin "Paano naman si Edward? Iiwan mo siya?" Tanong niya.

Si edward, jowa ko. Third year din. "Eh bahala na. Ano naman gagawin nya. Wala naman syang magagawa hirap ng buhay natin"

"Ikaw bahala. E text ko si Angel mamaya pagkatapos natin dito." At nagpatuloy kami sa pagbunot ng mga damo sa taniman ng mais namin.

Tirik na rin ang araw at mamaya mananghalian na. Si papa kasi nag asikaso para sa panananghalian namin.

Ff:

"Pa?" Tawag ko kay papa. Dito kasi kami sa labas nagpapainom ng tubig si papa sa kalabaw niya.

"Bakit?" Sagot naman ni papa pero nagpatuloy lang sa pagpapainom sa kalabaw at di nakatingin sa akin

"Sasama nalang ako kay Agatha pa. Para naman may kasama siya sa Cebu. First time din niya magpunta don. Hihinto nalang rin ako pa. Pareho lang naman kami ng karanasan ni Agatha sa skwelahan" mahaba kong paliwanang ni papa

Di umimik si papa at nagpatuloy lang sa pagpapainom sa kalabaw niya.

Pagkatapos painomin ni papa ay nagsalita na siya

"Kayo na ang bahala Carrie. Wala akong magagawa. Wala naman ako sa posisyon nyo dahil grade four lang din ako. Di ko kayo mapilit" natulala ako sa sinabi ni papa

Grade four lang ang papa ko? At nalaman kong si mama rin. Kasi dati hanggang grade four lang daw.

"Pa, salamat sa pag iintindi ha. Babawi kami pa." At niyakap ko si papa

"Kilan daw alis nyo?" Patanong ni papa nakayakap parin ako

Sakit sa dibdib maramdaman mo na gusto ng papa mo na di kayo aalis pero mas pinili ng papa na supportahan ang desisyon natin.

"Sa lunes na ng umaga pa. First trip ng barko papuntang cebu" kinalas ni papa ang yakap ko sa kanya

"Mag ingat kayo ha. May cellphone naman kayo tawagin nyo kami ha" garalgal na ang boses ni papa pero pilit na di ipakita sa akin na nasasaktan sya sa desisyon namin

:Base on a true story
:Open for Critisism
:DO NOT COPY
:Plagiarism is a crime

M.M💜

BOUND TO MAFIA #1: PROBINSYANA NA NAGING MAGDALENAWhere stories live. Discover now