CHAPTER 13

188 3 0
                                    

[!] Errors ahead
[!] Read at your own risk

Chapter 13

AGATHA POV:

Nasa trabaho na kami at nandito na rin sila Okinawa at Moto at ang iba pa nilang kasamahan

Nagkakasiyahan ulit sila hanggang sa may inabot na paper bag na malaki pagtingin ko si si Moto pala. Tinanggap ko naman

"Ano ba to.."sabay tingin sa laman ng paper bag " HALA!!!" Napatakip agad ako sa bibig ko dahil di ko napigilan sumigaw na pala ako. Lahat nang nasa room na ito bumaling sa akin kahit yung iba na nagkakasiyahan pati si ate na nangungwestyon ang tingin kung ano nangyari

"Hala Agatha Hermes Bag?! Wow!!!" Sabi ng kasama kong babae.

Di ko mapigilan, tinitigan ko si ate na dahan-dahang pumunta sa gawi namin ni moto sabay kuha sa paper bag at tiningnan ang laman

"Para saan to Moto?" Tanong ni ate sabay pakita sa paper bag na hawak niya

"Para kay Agatha ya-"

"No.!" Putol ni ate sa sasabihin pa ni Moto at ako naman nakanganga "Para saan? Para makuha mo ang loob ng kapatid ko? Moto alalahanin mo teen ager pa ito ha?!" Sabi ni ate sa saktong boses lang naman

"Tsk! Carrie what are you talking abou-"

"Wag mo kong ma english-english dahil alam mo kung paano bigkasin ang lengwahe namin" nakabuntong nalang si Moto

"Ate tama na nga. Nakakahiya oh" sabay kuha ko sa paper bag na hawak ni ate at umupo na si ate sa pwesto niya

"Moto, para saan to? Siguradong ang mahal nito kasi ang kintab-kintab. Ayokong tanggapin to mamamatay ako ng maaga nito"

"Agatha akin na lang yan" sabi ng isang kasama namin na babae..tsk!

"Ba't ka naman mamamatay?" Naguguluhang tanong ni Moto

"Eh pano naman ang kintab-kintab nito paano ko to gagamitin? Eh kung ma hold up ako! Sayang. Okay lang kung ang bag lang kukunin paano kong saksakin din ako?" Parang natakot siya sa sinabi ko

"Tsk gagamiton mo lang yan pag kasama mo ako. Kapag may pupuntahan tayo. Mamaya magpaalam ka sa ate mo di kita iuuwi bukas dahil may pupuntahan tayo. Iwan ko lang kila Okinawa ano plano niya" sabi niya habang nakatingin sa mga sumasayaw

-----

Nasa hotel na kami. Nakahiga lang ako sa kama, nanonood ng korean tv show habang si Moto nakaharap sa loptop niya.

9pm na ganun parin kami.

Di ko namalayan nakatulog pala ako. Nagising ako ng may tumabi sa akin dahil nag bounce ng kaunti yung kama. Madali lang kasi akong magising kahit kaluskos lang plastic bag nagigising na ako

Pagtingin ko sa orasan alas 12 na pala.

"Ang tagal mo naman natulog" sabi ko kay Moto

"May tinatapos pa kasi akong trabaho. Go back to sleep" at ipinikit na ang kanyang mata ng nakatiyaha lang siya. May pillow sa gitna namin kaya di magkadikit ang katawan namin. Natulog na din ako.

Kinabukasan...

"Wake up Agatha." Giaing ni Moto sa akin. "It's already 8am. Freshin' up. Gutom na ako"

Bumangon naman ako at ginawa ang daily routine. Pagkatapos bumaba na kami para mag almusal.

Pagkatapos namin kumain "lets go to SM" nag angat ako ng tingin sa kanya

"Anong gagawin natin don?"

"Mamimili ng gamit mo. Kulang pa mga gamit mo" sabi niya habang naglalakad kami palabas ng hotel

"Aanhin ko naman ang maraming gamit. Wag na." Sabay hawak ko sa kamay niya pinapahinto ko siya sa paglalakad.

"Ako ang masusunod Agatha dahil ako ang magbabayad at ikaw ang dapat mong gawin tumahimik" at nagpatuloy sa paglakad si Moto

Ako naman nakabusangot na nakasunod sa kanya. Habang papunta na kami sa Mall wala ng nagsalita sa aming dalawa ni Moto.

Ano bang plano ng taong to! Tsk. Tinext ko nalang si ate

Composing text: Ate, good morning. Gising kana ba?

Ate: Good morning pod. Oo ganiha ra. Asa mo?

Composing text: Papunta kami ng SM bibilhan daw ako ng mga gamit ni Moto. Sabi ko naman na wag na. Nagalit tuloy dahil siya ang dapat masunod.

Ate: Ano bang plano sa taong yan. Mag ingat ka.
Composing text: Opo ate, ikaw din

At di na nag reply si ate. Nasa SM na kami. Namangha ako, ang laki ng Mall na ito. Ang ganda. First time ko kasi pumunta dito. Napansin ni Moto ang pagka mangha ko at nakita kong nakangiti na naka iling-iling

'oh marunong palang ngumiti ang mokong nato' pagka usap ko sa sarili ko

-base on a true story
-open for critisism
-do not copy
-plagiarism is a crime

Thank you for reading my story might as well add it to you library.

Happy Reading

M.M💜

BOUND TO MAFIA #1: PROBINSYANA NA NAGING MAGDALENAWo Geschichten leben. Entdecke jetzt