CHAPTER 5

270 4 0
                                    

[!] Errors ahead
[!] Read at your own risk

Chapter 5

AGATHA POV:

"Ma, pa.. alis na kami ni ate" ngayon kasi ang alis namin papuntang cebu.

Sumama kasi si ate at si na rin siya magpapatuloy sa pag aaral

"Mag ingat kayo, tawagan nyo kami pagka rating nyo ha." Paalala sa amin ni papa

Si mama wala paring imik. Nasa kwarto lang. Ayaw lumabas

"Ma.." katok ko sa kwarto "alis na kami ma. Mag ingat kayo dito ha. Pasensya na ma." Nasa laba parin ako ng kwarto. Ayoko napang pumasok baka mag iba pa isip ko

Yumakap ako kay papa sabay sabi "Pa, mag ingat kayo rito ha. Si mama pa, ikaw na bahala magpaliwanag pa ha."

"Oo ako na bahala. Sige na umalis na kayo naghihintay na sila sa inyo sa bayan" pagpapaalala sa amin ni papa

Umalis na kami sa bahay papuntang bayan. Malayo kasi bayan sa amin kilangan pa makasakay ng motor at medyo di pa masyadong mahal pamasahe

Nakita ko si Angela sa labas ng bahay ng tiyahin niya. Sigurado akong hinihintay nya kami

"Angel, nandito na kami" saad ko.

"I know" suplada talaga to. May dalaw ata

At pumasok na kami sa bahay ng tiyahin niya

"Tiya, andito na sila" tawag ni Angel sa tiyahin niya at lumabas agad ang tiyahin niya dala-dala ang maliit lang na bag

"Andito na pala kayo" sabay smile

"Tiya ano po ba trabaho namin doon sa cebu?" Tanong ng ate ko

"Malalaman nyo lang pag nandon na tayo. Tara na" pag aya nya sa amin "baka maiwan tayo sa barko kilangan nyo na magsimula agad madmayang gabi" dagdag pa na sabi

Nasa barko na kami, medyo nahihilo ako. First time ko kasi sumakay ng barko, maliit lang naman na barko parang mga nasa 100 lang ang pasahero na pwede sumakay

At nasusuka na talaga ako buti nalang may plastic na binigay sa akin ng porter na nakasakay din sa barko nahiya tuloy ako

Ff:

Andito na kami sa lugar kung saan kami titira. Maraming babae dito yung iba kumakain yung iba natutulog, naglalaro ng games sa phone at yung iba nag uusap

Natahimik silang lahat ng nakita nila kami na dumating

"Mga girls, bago nyong kasama" sabi ng tiyahin ni Angel.

Ang pangalan pala ng tiyahin ni Angel ay si Loisa. Loisa Marandaque 50 years of age at widow na.

"Ituring nyo sila na kapatid ha. Bagohan sila kaya tuturuan nyo ng maayos wag maging kintrabida dahil ayoko sa ganyan" kalamdong sabi ni tiya Loisa.

"Opo ate" sabay na sagot sa mga babae. Mga nasa 15 ata kami lahat dito

Bumaling sa amin si tiya Loisa "at kayong dalawa, tawagin nyo akong ate wag tiya dahil nakakatanda."

Tumawa naman yung ibang babae at tinitigan lang sila ni ti- este ate Loisa.

"Oh siya. Samahan nyo sila at ituro kung san sila matutulog at san ilagay mga gamit nila" sabi ni ate loisa sa dalawang babae.

Ang ikli ng mga soot nila parang panty na? Di ko alam ano ba tawag sa soot nila. Parang isang silip lalabas na ang kaluluwa

Okay lang din mapuputi naman sila kami lang yung dry skin dito

"Dito po kayo matutulog. Pili nalang kayo kung san kayo sa baba ba o itaas. Kayo na bahala" sabi ng isa na cute lang ang hieght hehe

"Ako nga pala si Diane at ito naman si Green" turo nya sa babaeng kulot ang buhok hanggang bewang

"Ako naman si Carrie at ito kapatid ko si Agatha" sagot naman ng ate

Nag shake hands kami at nag usap ng kaunti hanggang sa naitanong ko ito

"Ahmm diane?" Tawag ko sa kasama namin na busy sa phone niya "Ano po pala trabaho natin?

"Mamayang gabi nyo na malalaman, ayokong pangunahan si Ate Loisa baka magalit yun sa akin"

"Eh bakit naman po magagalit? Sasagutin mo lang naman tanong ni Agatha" si ate na ang sumagot

"Rules kasi yan ni ate" at nagpatuloy nalang kami sa pag arrange ng gamit namin.

Alas 5 na ng hapon ng sabihin ni ate na maliligo na raw kami kasi aalis na kami mamayang 6:30 papunta sa trabaho.

Syempre excited kami ni ate at nagsabay na kaming maligo sa labas lang sa may labahan nila. Yung iba sa cr okay lang sanay naman kami maliligo sa labas.

Nasa isang lugar na kami na di ko alam pano e describe. Katamtaman ang dilim ng lugar, may nakatagpo kaming babae nakasoot ng polo shirt at mini skirt I think waitress siya.

"Ate di kaya waitress din tayo?"masaya kong sabi. Ang ganda kasi ng soot pormal na pormal

"Sana nga. Ang ganda ng soot nila" oo nga sobrang nagandahan ako

Nasa kwarto na kami kung tawagin nila ay Dressing Room dito raw sila magbibihis lahat.

Nagulat ako pagka pasok ko. Ang daming babae sobra. As in naka nganga ako habang tinitingnan sila isa isa. Pano ba naman kasi yung iba naka bra at panty kang yung iba naka panty walang bra makikita mo yung dalawang bolkan nila

'dyos ko ano tong napasukan namin lord' napadasal ako sa isip

"Girls, good evening." Sabi ni ate loisa "I have two new girls na makakasama nyo. They are from....where I came from hehe" masayang sabi ninate loisa

Nahiya tuloy ako, halos lahat naka tingin maliban sa mini make-up'an. May mga bading din na nag mimi make-up sa mga babae

"John" tawag ni ate sa isang bakla "make-upan mo yung dalawa ha dapat maganda"

"Opo ate" sagot naman ni John

Habang minimake up'an ako ang daming tanong sa isip ko kung ano ba talaga ang trabaho namin hanggang sa abutan kami ng damit ni ate Loisa

"Agatha, ito sootin mo, at ito naman sayo Carrie." Bat ang sexy naman ng damit na ito

"And from now on, ikaw hindi Agatha ang pangalan mo kundi ikaw si Red at ikaw naman Carrie ikaw si Blue"

"Bakit po ibahin pangalan namin?" Tanong ni ate. Oo nga bakit nga ba?

"Kasi nga bawal true name dito" sagot ng bakla na nag make up ni ate.

Wala na kaming nagawa kundi umayon nalang sa lahat.

:Base on a true story
:Open for Critisism
:DO NOT COPY
:Plagiarism is a crime

M.M💜

BOUND TO MAFIA #1: PROBINSYANA NA NAGING MAGDALENAWhere stories live. Discover now